-=Naya's Point of View=- Pakiramdam ko ay lumulutang ako sa tubig ng mga oras na iyon, hindi ko na sigurado kung gaano na ako katagal sa ganitong kalagayan. Pinilit kong alalahanin ang mga nangyari, ngunit wala akong maalala kahit na ano, kahit nga ang pangalan ko ay hindi ko matandaan, pero kahit ganoon ay nanatili pa din payapa ang nararamdaman ko. Parang mas gugustuhin ko pa nga na habang buhay na lang sa ganitong pakiramdaman, naisip ko kasi na baka hindi maganda ang nakaraan ko kaya nawala iyon sa isipan ko. Bigla akong nakaramdam ng pagod nang pinilit kong alalahanin ang nakaraan, kaya naman isasarado ko na sana ang mga mata ko nang bigla akong matigilan. "Naya, huwag kang susukot." Bigla kong minulat ang aking mga mata nang may tila mahinang boses na nakikipag-usap sa akin. Pi

