Chapter 3

730 Words
Hanggang alas dos ng hapon ang duty ni Charlotte sa fastfood chain na pinagtatrabahunan niya. Pagka-out niya, tinawagan na niya si Leslie. " Bekla, asan ka na? Naka-out na ako, ano uuna na ba ako sa fav place natin? " tanong niya dito. " Bruha! Uuna ka jan! Tumingin ka kaya dito sa kabilang kalsada, hindi mo ba nakikita ang kagandahan ko? " pabirong sabi nito. Natawa siya sa sinabi nito, hinanap niya ito sa kabilang kalsada at ng makita kinawayan niya ito. " Bruha ka! Feel na feel mo talaga ang ganda mo ha! hehehe. " " Aba, at sino pa ba ang magtatayo ng sarili kong bangko, kundi ako lang naman talaga. Hahaha! " parehas silang nagkatawanan sa sinabi nito,pinatay na nya ang cellphone tsaka tumawid ng kalsada. " Kanina ka pa? "tanong niya sa kaibigan ng makalapit dito. " Oo, kakababa ko lang nga sa jeep. Tara na, dederitso na kasi ako sa club pagkatapos nating kumain. " aya nito sa kanya. " Ah sige,uuwi na din ako kaagad pagkatapos nating mag-usap. Medyo masama kasi ang pakiramdam ni Inay." sagot naman niya. Iyon lang at naglakad na ang magkaibigan patungo sa sinasabing favorite place nila. Isa itong fast food na may unli rice at manok ang best seller nila. Iyon din ang favorite nilang magkaibigan kapag kumakain dito. Si Leslie ang nag order ng kanilang kakainin at siya naman ay naghanap ng mauupuan. Nang makaupo,kinuha niya ang cellphone at pinanood muli ang videong pinakapaborito niya. Hindi na niya mabilang kung ilang beses na niya itong pinanood pero ganon at ganon pa rin ang kanyang nararamdaman. " Ay sus!Pinapanood mo nanaman yan? Dika ba nagsasawa?" tanong ni Leslie na noo'y nasa harapan na niya pala. " Hindi ako magsasawang panoorin ito noh,hindi ko rin maintindihan kung bakit pero basta gusto ko lang palagi nakikita ang lalaking ito. Kumusta na kaya sya ngayon ano? Ano kayang nangyari sa girlfriend nya? At ano kaya ang real name nya para naman mahanap ko sya sa facebook.Imposible namang wala syang account sa f******k diba?" mahabang sabi niya dito. " Tsk!Tsk!Tsk! Alam mo,lukaret ka rin talaga ei noh. Ano naman kaya ang mapapala mo sa kapapanood diyan, ei baka nga patay na rin yan ngayon katulad ng girlfriend nya." eksahederang sabi nito. Natampal tuloy niya ito ng wala sa oras. " Kainis ka! Kung ano- ano pinagsasabi mo diyan! Mamaya magkatotoo pa mga sinasabi mo. Tsaka pano mo naman nalaman na patay na ang girlfriend nya aber?!" " Kaloka to! Heller,binalita kaya noh! Napatay sya nong time na kinukuha ang video na yan,nahuli sa pagrescue iyang dream boy mo! Tsaka, wag mo na pangarapin ang isang yan. Dyosme, promise mamamatay kang virgin kapag yan ang naging asawa mo!" walang preno ang bungangang pahayag nito. " Shhh... Ano kaba? Tampalin ko kaya yang bibig mo! Walang preno ei,nakakahiya sa nakakarinig." saway niya dito. " Bakit? Totoo naman ang sinasabi ko ah, diba naaksidente sya. Marami ang nagsasabi na nawala daw ang kakayahan nyang magpaligaya ng babae." dipensa nito. " Puro ka kalokohan,gutom lang yan. Ayan tamang-tama andyan na ang order natin,ikain mo nalang yan ng malinawan yang utak mo." natatawang sabi niya dito,tamang-tama kasing dumating ang kanilang order. " Sira,bahala ka nga sa kahibangan mo." natatawa ring sabi nito. " Bekya,hugas lang ako ng kamay ha,masarap kasing magkamay ei at tsaka magsi-Cr na rin ako. " paalam niya dito. " Sige bilisan mo lang bekya kasi baka lumamig tong pagkain natin. " sabi nito. " Naman!Aba ei,talagang gutom na gutom na ako kasi sinadya kong hindi maglunch para dito kaya wait kalang diyan bestfriend. Lintik lang ang walang ganti manok ka!hehehe.." Napabungisngis ito dahil sa tinuran nya. " Alam mo,gutom kana talaga bes!Sige na go na!Tsupe!" pagtataboy nito. " Grabe ka sakin ha!" kunyari nakangusong sabi niya dito. Sabay halik sa pisngi nito,at saka siya tumakbo. Natatawang nilingon niya ang kaibigan na noo'y malawak ang pagkakangiting nakatingin sa kanya. Medyo marami na ang nakapila sa counter, madadaanan niya ang mga ito dahil sa may gilid nito ang comfort room. Diridiritso siya sa may gawing cr ng may di sinasadyang mahagip ng kanyang paningin. Ang lalaki sa may unahan ng counter, napakunot ang kanyang noo ng pakatitigan niya ito,bagama't nakatagilid ito sa may gawi niya hindi siya maaaring magkamali. " Ang lalaki sa video!" sigaw niya sa kanyang isipan. TO BE CONTINUED
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD