Episode 5. A Year Later

1161 Words
Kilala siya bilang Ms. Georgina Garcia o Gena anak ni Major General Teodoro Garcia kilalang personalidad maging sa social media kaya bata pa lamang siya ay kinaiinggitan na siya ng kanyang mga kaklase ganoon din ang kanyang mga kalaro noon. Ngunit sa kabila nang karangyaan meron si Gena ay nanatili siyang nakatapak ang mga paa sa lupa. Napaka humble, mabait at matulungin si Gena kahit na may yaya siya ay hindi noya ito binibigyan ng sakit ng ulo katunayan sa edad na sampu ay siya na ang naglalaba ng sarili niyang damit pati paglilinis ng kanyang sariling silid ay siya na rin ang gumagawa. Top 1 siya palagi sa klase nila sa school kaya naman ganoon ka proud ang kanyang mga magulang sa kanya. Mataas ang expectation nila sa kanya lalo na sa mga curricular activities sa school which is palagi naman siyang nangunguna. Bata pa lamang si Gena ay nakitaan na soyanng potensiyal ng kanyang mga magulang na magiging matagumpay siya sa pagdating nga araw. Ginawa naman niya ang best niya para hindi mapahiya sa kanya ang mga ito. Masaya siyang makita na masaya ang kanyang mga magulang para sa kanya. Pinalaki silang may takot sa Diyos at mabuting tao katunayan noong mga bata pa sila ay palagi sila sa mga charity work at feeding programs sa mahihirap kasama ng kanyang mga magulang. Sa ganoon mundo umikot ang mundo ni Gena ngunit hindi naman iyon balakid sa kanyang mga personal na gawain katunayan ay nagiging masaya siya sa mga ganoong gawain. Noong tumuntong siya ng middle school o high school ay doon niya nakilala ang mga kaibigan na sila Abby, Liah at Rhein ang dating alone at puro aral, libro at researching ay naging makulay dahil sa kanyang mga kaibigan although iba-iba ang personality ng mga ito ay tanggap niya dahil itinuring talaga niya ang mga itong parang tunay na mga kapatid. Nang malaman nga ito ng kaniyang mga magulang noong una ay tumutol talaga ang mga ito ngunit nang makilala at makilatis nila ay pumayag na rin sila. Sobrang saya niya ng mga panahong iyon dahil never siyang nagkaroon ng kausap gaya ng mga kaibigan na lingid naman sa kaalaman ng mga ito ay palagi siyang may body guards sa di kalayuan at nakatanaw lamang sa kanila. Ganoon palagi ang sitwasyon niya araw araw ngunit hindi naman naging hadlang iyon sa kanya. Marami soyang natutunan sa mga kaibigan mula noon ay halos araw araw na silang nagkikita o kaya naman ay sa bahay nila ang mga ito nakiki sleepover sa ganoon ay nagiging masaya siya dahil nagkaroon siya ng mga kaibigan na parang tunay na kapatid ang turing sa kanya. ------- Nagring ang cellphone niya dahilan para magising si Gena nakatulog na pala siya sa paggawa ng mga paper works na ilang araw na niyang tinatapos. Bago pa lamang siya sa Military Service at hiniling niya sa kaniyang ama na huwag na siyang ipakilala sa mga baguhan upang walang VIP treatments na mangyari kalimitan ng ganoong set up ay lagi na lamang siyang VIP dahil sa kaniyang ama kaya naman nais niyang ituring siya na pantay sa kaniyang estado hiniling din niya na magsimula siya sa mababang ranggo o intern upang mapagsikapan niya ang future position na nais niya. Ayaw niyang malagay siya sa mataas ng dahil lamang sa kanyang ama kaya sobrang ikinatuwa iyon ng kanyang ama wika niya Hindi ako nagkamali sa pagpapalaki sa iyo anak tama iyan proud kami ng mama mo sa iyo. Agad niyang sinagot ang kaniyang telepono "yes, hello Liah napatawag ka?" "Birthday ni Abby tommorow..surprise celebration tayo tatawagan ko si Rhein para kumpleto tayo bukas" Agad naman siyang nagcheck nang kanyang Calendar Friday tommorow. Wala naman soyang ibang lakad kaya okay sa kanya ang araw na iyon. "Sige pwede ako tomorrow what time ba?" "Maybe 7 O'clock tonight confirm ko sayo yung venue maybe sa dati nating place" "Okay update mo nalang ako" "Sige tawagan ko muna si Rhein, bye! See you" Agad na siyang bumangon at nagtungo sa bathroom matapos noon ay nahanda para pumasok sa office. Kinuha niya ang kanyang uniporme sa closet matapos magbihis ay bahagya na siyang nag lagay ng make up may darating silang bisita galing sa ibang distrito kaya kailangan na niyang pumasok upang hindi siya ma-late pagpagpasok. Makaraan nga ang ilang minuto ay tapos na siyang maghanda papasok sa trabaho pagtingin niya sa kanyang orasan ay may isang oras pa siya para makarating sa office. Dali dali niyang kinuha ang susi ng kanyang sasakya at agad na umalis. Naroon na siya sa office walang trapik kaya agad walang hassle sa daan. Inuna niyang linisin ang table niya sa dami ng kanyang ginagawa ay hindi na niya nagagawa pang ayusin ang mga iyon ayaw niyang ipagawa pa ang mga iyong sa ibang tao dahil mas kampante naman siya kung saan at paano ito ayusin lalo na ang mag important records niya. ---- Interview ngayon ni Dean sa bago niyang movie kung saan pinagbibidahan niya. Ongoing pa ang taping ng movie pero marami nang nag aabang kaya naman sobramg busy nang araw niya. Hindi na siya makatulog ng walong oras sa fami ng endorsement na pumapasok pero masaya naman siya sa kanyang ginagawa. Lalo na at nakikita niyang masaya ang kanyang mga manonood. "Dean, nasaan kana? What time ka darating" wika ng kanyang manager sa kabilang linya. "On the way na kami malapit na" sa sobrang busy niya sa trabaho ay hindi na niya alam kung kailang siya natulog ng free time at walang nanggigising. Nasa set na nga sila kaya matapos siyang ayusan at mabasa ang script ay nagtungo na nga siya kung saan gaganapin ang taping. Hindi na bago sa kanya ang mga ganoong invitation para mainterview siya halos karamihan nang kanyang mga fans ay mga kabataan kaya pinanatili niya ang kanyang imahe bilang isang sikat na actor. Naalala pa nga niya noong nagsisimula pa lamang siya na sa totoo lang ay hindi niya pangarap maging isang artista o celebrity. Year 2013 habang kumakain siya sa sikat na restaurant ay may lumapit sa kanya upang hingin ang kanyan consent upang kuhaan ng isang litrato ramdom photography iyon noong una ay hindi soya pumayag dahil busy siya sa company ng kanyang lola. Sa sobrang pagkagutom niya ay dumaan siya sa lugar na iyon at mula noon ay kinulit na soya ng photographer dahil daw afte a week ay nag viral sa social media ang kanyang litrato. Hanggang nag second photographs ulit at doon inilagay na ng photographer ang kaniyang pagkakakilanlan. Year 2014 pinasok na niya ang pag eendorso ng iba't ibang mens product. Sobrang na overwhelmed siya kaya tumanggap pa siya ng maraming endorsements. Doon umikot ang kaniyang buhay kapag mag free time sita ang naroon naman siya sa kumpanya. 2020 nang magsimula naman siyang alukin upang maging isang actor bago iyon sa kanya at challenging kaya naman tinanggap niya at hindi naman niya inakalang magiging isa siya sa magiging top actors sa buong bansa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD