Chapter10

8011 Words
HERONUI'S POV "I'll kill that old hag." napatayo ako para pigilan si Dad. Lalabas dapat siya ng opisina niya dahil sa galit at mukhang seryoso sa sinabi niya. "Calm down, Husband." parang baliktad ata. Kadalasan kasi Dad ang nagssasabi nito kay Mom. Si mom kasi ang madalas na padalos dalos pagnagagalit. Payakap na pinigilan ko si Dad habang si Mom naman ay nakayakap mula sa likuran niya. Masiyado pa naman siyang malaks kapag galit. "She's threatening this kingdom! She's threatening the throne."  "I said calm down, Clyde!"  Bumuntong hininga si Dad at mukhang haharap kay mom kaya napabitaw ako at napaatras, aba baka masuntok ako. "Hey, hey, hey." Tumayo na si Uncle Norm na kaina pa nakikinuod lang. Kanina pa siya diyan, actually. Nakikinig at nakikinuod kanina habang nakadekwatro at komportableng nakasandal. "Are you really going to argue because of that South?"  "That's my point." sabi ko at inakbayan si Uncle. Pwedeng pwede naman kasi nila ireject ang offer nung babaeng yun. "Haven't you heard what she said? That old woman asking for one of the secondary positions?" tanong ni Dad kay Uncle.  "Clyde, we are still on the throne we could still manage. She can't do anything."  "I know. But I don't trust her, I know what's in her mind and I won't give her chance to do what she wants." "Then what about the Mortals in her hands? We need to sent them home safe and sound, It's one of our duties."  "Of course, we'll save them." "And how are we going to do that? She's very persistent and clever."  "Then how about Generous? She's fragile, do you want to make her mad and sad again?" "She's not here yet and she'll understand. Maybe, It'll be better if she'll stay there for a moment." "We need her here. The Academy will hold a big event and you know that, she's needed there." "Then I'll go in behalf of her." Nagkatinginan kami ni Uncle Norm at sabay na napailing. Hindi sila titigil hanggat walang isa sa kanila ang makumbinsi ng isa. Gets niyo ba? In short, isa sa kanila ang dapat sumang-ayon pagkatapos ay saka nila pag-uusapan ang plano. Ganyan talaga sila mag-usap. "What if we'll give her what she wants but I'll let Uncle to be in my place." I suggested. Both of them shifted their gazed at me. "Agreed/No." pinanlisikan ng Nanay ko ang tatay ko ng humindi ito. Hindi talaga matatapos ang usapan na ito. "I'm okay with the set-up." Uncle said. My father pulled his collar and lifted it until it almost chokes his neck. "Clyde."  "How can I trust you If you have done this before?"  "He changed, he's not the Norm we used to hate before. Besides, we have the same bloodline." "Mom's right. And while I'm not in the position I could do something in secret." "Believe me or not, I'm just trying to help. It's okay if you will not agree, you're still the King and I will Obey." Binitiwan ni Dad si Uncle. Yumuko na siya at nagpaalam. Sumunod naman agad ako. Pagkatapos ng usapang naganap ay nauna na kaming lumabas ni Uncle. Naiwan na si Mom at Dad doon sa opisina niya para makapag-usap. Ang hirap din kasi kung magstay pa ako doon eh kung parehas sila hindi maubusan ng katwiran. Dudugo pa ilong ko at sasakit lang ulo ko sa mga magulang ko. "Bakit mo kasi sinuggest yon?" biglang lingon sa akin ni Uncle. Napakamot nalang siya sa inis.  "Eh ikaw naman kasi Uncle, um-oo ka naman agad." "Gusto ko lang naman tumulong at saka ang sakit kaya sa ulo ng mga magulang mo. Sa tuwing may mga importanteng bagay na paguusapan laging nagdedebate hanggat walang sumusuko." natawa ako dahil sa naging reaksiyon niya. Napapansin din pala niya ang paraan nila sa paguusap. "Alam ko, kaya nga ako sumama sa'yo lumabas." "Bakit kapag yung dalawang yun ang kaharap napapa-english talaga." Lalo akong natawa, naiinis tong uncle ko kaya nakakapagsalita ng ganyan. Pero kapag nakaharap kay Dad minimal lang ang komento. "Bakit kasi mabilis uminit ulo ng Hari sa'yo, Uncle?" Bigla kong tanong. Ang alam ko lang kasi ay siya ang previous King ng Drashiere at kapatid niya si Myera. "Alam mo kasi, yang tatay mo pinagselosan ako dati. Kasi ang alam niya ay patay na patay ako sa nanay mo." tumawa siya ng tumawa habang nagkukuwento. "Isang beses inakyat ko kwarto ng dorm ng nanay mo. Akala ng tatay mo aasawahin ko si Hera." "Akala ko ba magkadugo kayo?" "Oo nga." "Eh ba't mo pinupuntirya si Mom?" "Praning ka din para kang tatay mo." "Mag-explain ka na lang." Bagot kong sabi sa kanya. Daming satsat eh. "Hindi ko man lang nga nahalikan yang nanay mo eh, akala lang niya yun dahil noon madali pang paglaruan ang imahinasyon niya  noon kaya ang alam niya pwersahan ko siyang nahalikan." "Rapist." "Manahimik, ang gwapo ko namang r****t uyy." sabi pa. Inambahan niya akong babatukan kaya napaatras ako ng bahagya. "Tapos yun na nga, may kabigan ang Mom mo noon na mortal. Kinuha ko yun para ipain sa kanya pagkatapos ay nabihag ko siya wahahahaha." "Ano? So, pinatulan mo  nga ang pinsan mo?" "May pagkaslow ka minsan, ano? Mana ka ba kay Hera? Nabihag, naging bihag." "kidn*pped. Mom has been kidnapped." "Oo, Ganun nga. Inalok ko pa nga siya na maging reyna doon eh." "Hinding hindi papayag si Mom." "Oo nga, hindi pumayag. Ang kulit mo nagkukwento ako." sinamaan niya ako ng tingin. Napaisid na lang ako at hinayaan siya magpatuloy. "Tapos galit na galit tatay mo, namatay pa nga yang nanay mo noon kaya sila naging immortal dahil kinailangan nila buhayin ang nanay mo sa pamamagitan ng kakaibang ritwal na sa pagkakaalam ko ay siya ring pinagawa sa inyong magkapatid. Lintik kasing propesiya na yan buti nga at wala ng propesiya." "Eh kaya naman pala galit sayo ang Dad." Komento ko. Sinamaan na naman niya ako ng tingin. "Pero, wala ka na talagang balak ituloy ang mga plano mo noon? Imean hari ka dati." "Alam mo pamangkin...." inakbayan niya ako. "....wala akong mahihita doon at di naman ako naging masaya sa ganung buhay. Kaya kung nabubuhay lang ako nung mag-away kayo ng kakambal mo sa trono noon baka binatukan ko lang kayo. Yung kapatid talaga ang lumalason sa isip ko kaya ganun. Isa pa ayaw ng Ina namin na magalit kami sa kapatid at anak  niya kaya lang yung kapatid ko siyempre babae, taas ng pride at galit." "For sure naman alam ni Dad na hindi ka talaga ganun. He's just testing you." "I know, I don't blame him. Isa pa alam ko naman ang kayang gawin ng Dad mo." nagtatawanan kami ng biglang manindig ang balahibo ko. "Son." jusmiyo para akong binuhusan ng malamig na tubig. Kanina pa ba siya jan? Narinig niya kaya kaming nag-uusap? "Yes, Dad?" "Can you please give all the files and everything that your Uncle may need for the following days. He'll take your position for the mean time." Nagulat ako sa sinabi ni Dad pero nagliwanag din naman agad ang mukha ko. Si Uncle ay halatang nagulat din. "Of course, Dad." "Norm, come with me. Son, Your mom needs to tell you something." ELIJAH'S POV "Sa ilalim ng lupa?" tanong ko ulit. Nabingi lang siguro ako ng sabihin ni Generous na kailangan namin pumunta kung nasaan si Macy ngayon. Sa ilalim daw ng lupa. "Yes, underground." Ulit niya. Napalunok ako.  Gusto ko naman talaga mailigtas si Macy pero kung sa ilalim ng lupa kami pupunta hindi ko alam kung anong magiging desisyon ko. Kapatid ko iyon pero natatakot pumunta sa ilalim ng lupa. "Walang ibang paraan?" tanong ko. Nagkatinginan silang dalawa at pagkatapos ay tumingin sa akin si Generous, bumuntong hininga siya nagsalita. "In this world we can't always rely on other ways. If this way  is dangerous then the other is deadly or worse."  "You're with us. So we'll take responsibility if something happens." dagdag ni lolo. Kahit nag-aalanagan ay tumango ako. Sinabi ko naman na pwede naman ako maghintay dito kaya lang hindi raw nila masisiguro ang kaligtasan ko kung maiiwan ako. "I know this place and I know the people here. There's no harm but the problem is you and your sister not from here."  "Samantha's homeland?" Generous nodded. Di ko naman kilala yung samantha kaya di na ko nag usisa. Nakinig lang ako sa mga instruction na sinasabi niya. Oo at tango lang ang ginagawa ko kahit hindi ko gaanong maintindihan. Hindi naman kami pumunta sa kung saan. Basta pagkatapos niyang magpaliwanag ay bigla nalang siya naupo at hinawakan ang lupa. Maya-maa pa ay naramdaman ko na lang na lumulubog ako sa lupa. "Do not resist the quicksand." Ulit niya sakin. Tumango ako kahit abot langit na ang kaba ko.  Nagsimula kaming lumubog at lalong nadadagdagan ang takot ko. Hindi ako makahinga ng maayos lalo na ng umabot na may dibdib ko ang kumunoy at hindi ko na maramdaman ang kalahati ng katawan ko. Nagpumiglas ako ng matauhan ako, s**t! Lumulubog lang naman ako sa kumunoy!  "I said don't resist! Don't move! Do you want to die?" dinig kong sigaw ni Generous sa akin pero hindi ko na iyon pinansin. Mamamatay ako! Hibang ba siya? Mamatay ako lalo dito kapag wala akong ginawa! Pinapagalitan niya pa ako ng mapansin ko na hindi na ako makahinga ng tuluyan at nasa may mata ko na ang kumunoy. Pagkatapos ay nawala na ako ng malay. "After this I'll send this kids back to their home!" Dinig kong bulyaw ni Generous. Gising na ako pero hindi o idinilat ang mata ko, baka mamaya mapag-initan niya ako, mukha pa namang mainit ulo niya. "Missus, can you please calm down?" "Calm down? Really? How am I going to f*****g calm down if this kids cause trouble from every now and then? I'm not going to babysit them anymore."  "There's no one that could look after them at home." "And? It's okay to you that they are  causing us delay." "This kids are not used to it. Please understand, hmm?"  May  narinig akong bumuntong hininga bago nagsalita muli si Generous. "Fine." Napahinga ako ng maluwag. Hindi ko naman maiwasang maguilty, dapat siguro ay hindi na lang kami sumama dito. Nakakabagal lang naman talaga kami sa pag-uwi nila at pag-uwi ni lolo. Kaya lang naman ako pumayag agad na bumalik dito ay dahil may gusto akong malaan. Gusto kong malaman kung kadugo ba talaa namin si lolo. You see, I'm still curious of our true identity and history. Kung si lolo ay asawa ng prinses ano kami? Apo niya ba talaga kami? Wala kaming kilalang mga magulang at mas lalong kahit sinong kamag-anak.  Wala na sa kanilang umimik kaya unti unti kong idinilat ang mata ko. Nanlalabo pa ang paningin ko at feeling ko binugbog ako sa sobrang sakit ng katawan ko. Malamig ang lupang hinigaan ko at masiyadong madilim ang paligid. May liwanag naman kaya lang ay napaka dull ng lugar. Maraming agiw ang kisame, kimase ba to? Parang nasa loob kami ng madilim at mukhang kweba dahil lupa ang nakikita ko sa itaas. Nag lalakihan pa ang mga gagamba. Kweba nga siguro ito pero masikip. Nasa dulo kami at sa unahan ay napakahabang tunnel na akala mo ay minahan ang kinaroroonan namin. May mga kahot sa hilid at torches na ang sindi ay kulay asul na apoy. Napaupo ako at humawak sa ulo ok. Hindi pa nga ako nakakarecover sa pagkakahagis sa akin ni Generous ngayon naman ay napakasakit ng ulo at katawan ko para akong nahulog sa mataas na lugar.  "Where are we?" tanong ko na kunwari ay ngayon lang ako nagkamalay. Mas mabuti na rin na hindi nila alam na kanina pa ako gising at nakikinig sa kanila. "You're awake. This place is called Zumecharias, this is a tribe which is considered as the main boundary of Genovia Academy and the Dark Kingdom before, as well as the mortal World." paliwanag ni lolo. Inalok niya ang kamay niya sa akin para tulunga akong tumayo. Agad ko namang kinuha iyon at agad na tumayo. Nagpagpag ako ng damit at nag-ayos ng sarili. "Zumecharias? Does it mean that this place is full of different creatures as well?" "Creatures?!" Nagulat akong ng panlisikan ako ni Generous. Ano ba sinabi ko? "I mean people with abilities and magic?" patanong kong sagot. Mayayari na talaga ako sa kanya nito. Siguro paubos na ang pasensiya niya sa amin pero kami itong paulit-ulit na nakakagawa ng pagkakamali. Tama nga siya nakakabagal na kami, dapat siguro aya umuwi na kami ni Macy. Okay lang naman kung hindi na lang namin malaman ang pinagmulan naming magkapatid kesa ganitong nasa bingit kami ng kapahamakan at nakaka-abal sa ibang tao.  "Let's go." tumalikod na siya at nagsimulang maglakad. Tinapik lang ni lolo ang balikat saka kami sumunod agad sa kanya. Natahimik lang ako habang naglalakad kami. Mas maigi na rin na 'wag na muna ako masiyado magreklamo at magcomment dahil mas lalong magagalit si Generous. Kahit gustong gusto ko nang magsalita dahil sa mga napapansin ko. Padilim ng padilim ang paligid habang lumalayo kami sa pinanggalingan namin kanina. May naririnig ding akong tulo ng tubig na nage-echo sa pandinig at ang mga hakbang namin. Limang minuto na kaming naglalakad at hanggang ngayon ay wala pa rin akong nakikitang liwanag at di ko pa nasisilayan ang labas ng lugar na ito. "Who are you?" napalunok ako ng may marinig akong boses. Hindi ko alam kung saan nanggaling dahi wala namang tao sa paligid. Hindi rin isa saamin iyon. Boses babae pero alam kong hindi si Generous iyon. Lumapit ako kay Lolo, as malapit na malapit. Baka mamaya ay bigla nalang humablot sa akin dito.  Walang sumagot sa amin at dire-diretso lang kaming naglalakad. Natisod ako sa matigas na bagay kaya napa-aray ako ng mahina pero nang lingunin ko ang dinaraanan namin ay wala namang bato o kahit anong nakabalandrang bagay.  "Hala s**t!" Usal ko ng biglang may humila sa paa ko. Napasubsob ako sa malamig na lupa at nakaladkad pa ako papunta sa pinakagilid. Parang nakatali na doon ang paa ko pero wala naman akong nakikitang nakatali sa paa ko o nakakabit sa pader na lupa. "Who are you?!" Lumakas ang tinig na nagtatanong pagkatapos ay may narinig akong mga tumatakbo. Maraming mabibilis na yabag na nasa paligid namin at pa-ikot ikot. "I need to see your leader." malumanay na sagot ni Generous. Ibang klase, nasa lugar kaming ng hindi namin nakikilalang mga tao tapos siya ay kalmado parin? Ganun ba siya kakampante na walang makakatalo sa kanya? "What do you need?" "I need to see your leader." "Tell me me what do you need and I'll spare this mortal man here." "Touch him and I'll make sure that your tribe will disappear for good." banta ni Generous. Mas nakakatakot si Generous kaysa sa mga nagsasalita dito na hindi ko naman makita. Natatandaan ko nung unang beses kaming magkaharap. Nakasuot siya ng asul na asul na mahabang damit, parang gown na iyon sa mundo namin. Nakatali ang buhok niya sa iba't ibang disenyo at may mahabang cloak siya na itin at may hood na nakapatong sa mga balikat niya. Idagdag mo pa na nakasakay siya sa kabayo at ang lahat ay yumuyuko na nalang bigla kapag dumaraan o dumarating siya siya. "No. You can't." "Yes, we can." lumapit sa pwesto ko si Generous, akala ko ay ako ang susuntukin niya kaya napailag ako pero nagulat ako nang biglang may dumaing sa may bandang likuran ko.  Nahulog pa ang durog na lupa at bumakat ang kamao niya doon tapos ay biglang may babaeng padapa na lumabas galing sa mismong pader. Nawala ang pagkakahawak ng kung ano man na iyon sa paa ko kaya nakatakbo ako sa tabi ni lolo. Maiksi ang buhok ng babae at mediyo maliit ang height niya kung ikukumpara kay Genrous. Payat din siya at maganda. Itim na itim ang buhok niya at ang ilalim ng mga mata niya. Maging ang labi niya ay kulay itim o baka lang itim yung lipstick niya. Nagsimulang maglaban ang dalawang babae. Napanganga na lang ako. Bakit ba kayang kaya nilang gawin ang mga bagay na hindi ko kaya. Nagpapalitan sila ng tuntok at sipa. Halata rin na tipid na tipid ang talon at atras nila dahil mababa lang ang kisame at makitid. Pareho silang napakabilis kumilos. Di ko alam kung twilight ba tong pinapanuod ko ngayon or Avengers. Bat ang lalakas mng mga babeng ito? Napatingin ako kay Lolo na nakangiti habang pinapanuod ang bawat kilos ni Generous. I mean lahat ng hakbang, suntok at sipa na gawin nito ay nasusundan niya. Ultimo sigurong galaw ng buhok nito ay alam niya. Tutok na tutok siya sa panunuod habang si Generous ay seryosong seryoso sa ginagawa. Hindi ko masundan ang mga kilos nila pero napapansin hindi gaanong nakakailag yung babae at mabilis makagawa ng susunod na kilos si Generous. Maya-maya ay bigla na lang tumilapon yung babae at hindi agad nakatayo. "You underestimated me. How clever?" sabi ni Generous. Mediyo madistansiya ang narating ng pagkakasipang niya iyon sa babae. Hindi siya nag-abalang lapitan iyon pero bigla nalang lumutang iyong sa era habang bahagyang nakadapa at ang alam ko na lang ay nakikitang hawak ni Generous ang leeg niya at nakaangat sa lupa ang paa. "Yun lang ba ang kaya mo?" Mayabang pang sabi nito kahit halatang pagod at nanghihina. Girls. "Hey. Hey. That's enough young lady. Don't provoke her, you might end up dead if she'll use her abilities alone." pigil ni Lolo. Hinawakan na niya sa braso ang babae ng mahigpit, ibinaba na ito ni Generous at pagkatapos ay nagpagpag niya ng mga palad. "One on one physical combat is enough for you." tinignan niya ng matalima ang babae bago tumalikod. "Give us back the girl and you need to lead the way." "Sinong babae?" "Yung kapatid ko." sabat ko na. "I'm sorry? Malay ba namin kung sino at kung kapatid mo? Hindi kayo tagarito tapos maghahanap kayo ng mga di namin kilala."  "Walk." tulak sa kanya ni Lolo. Nasa unahan na siya at nasa likod niya kaming tatalo. Lahat ng magiging posibleng kilos niya ay makikita namin agad. "You'll regret this, trespassers." bulong niya habang naglalakad. "Where did you came from? Drashiere kingdom or areseis? Mga apocalician kayo ano? Apocalician lang naman ang mahilig dumayo ng walang abiso. Tss." "Drashiere? Did you just say drashiere?" Biglang tanong ni Generous. Hindi magets yung mga salitang pinagsasabi nila basta ang hula ko ay lugar iyon. "Yes, Drashiere. The Legend, history." Yung pagkakasabi niya ay para bang nagtataka siya kung bakit hindi namin alam ang Drashiere na sinasabi niya. "They're gone." Nagkatinginan si lolo at generous nang sabay silang magsalita. "The family is gone but the place is still there and there are people living there now." Sagot nung babae. "Impossible."  Wala sa sariling bulong ni  Lolo. At kahit anong pakikinig ko ay wala akong maintindihan. Hindi ko alam kung tungkol saan ang pinag-uusapan nila, kung sino o ano. Basta ang alam ko tungkol sa isang pamilya na nawala na. Ay ewan, dadagdag pa sa iisipin ko eh wala namang kinalaman sa amin ng kapatid ko itong pinag-uusapan nila. GENEROUS'S POINT OF VIEW "Drashiere? Did you just say Drashiere?" I can't believe what I just heard from her. There are people leaving there? That kingdom had vanished and buried underground. "Yes, Drashiere. The Legend, History." She said emphasizing the word history. I clenched my fist and took a deep breath. She's lying. This can't be happening. I'm just hearing things from a stranger. "They're gone." I whispered those words but I heard Zee said the exact same thought. I looked at him and He's already glaring at me. I could clearly tell how the news change his attitude and emotions. I sensed that his having an adrenaline in his mind and he's thinking of a possibility of danger and the same goes for me. This is a terrible news. "The family is gone but the place is still there and there are people living there now." she replied. "Impossible." My steps slowed down for a moment. My brain is not absorbing that information and I myself don't want to believe that kind of news. Is this some kind of joke? "Well I'm not telling you to believe me. I already expected that reaction from those people who will hear about it." Kibit balikat niya saka nag patuloy sa paglalakad. Zee and I had lead the silence. I will not believe it for now not until I heard and saw an evidence with my own eyes. "We're here." I shifted my gaze to the whole place. We are standing in front of the tribe's main hall, this is where their leader resides. Mukhang napaglipasan na ng panahon, ganito parin ang itsura at walang nagbago sa nakalipas na ilang daang taon. Sa lahat ng kaharian at tribo, ito ang lugar na hndi basta basta mahahanap ng kung sino. Even for merchants and traders, it'll impossible to find. Nauna siyang pumasok sa malaking pintuan at bumungad naman ang napakalawak at mahabang pasilyo. Sobrang tahimik ng paligid, hindi gaanong makulay ang mga painting at puro armas lang ang mga display sa dingding. Mataas din ang kisame na kinakabitang mga mga chandelier at bombilyang singliwanag lang ng kandila. This place is creepy but suits their nature and personality. This is the only tribe that has their own way of living and culture that is why we consider them as an independent tribe, though they are still under the Official ruler we still let them follow what they believe in. These people has the natural black hair, women are soldiers and fighters. In short, they overpower men. "Welcome, Your Highness." Salubong ng may Edad ng babae. In my calculation she's in her Mid 40's. She is smiling genuinely that reaches her eyes. "Captain?" usal ng babaeng nagdaa sa amin dito. Confused, she looked at me. I smiled in return. "Yes, Tousen?" "I'm sorry, Captain. Please punish me." biglang sabi niya at lumuhod sa kinatatayuan niya. Tinignan ako ng Leader nila with a questioning look. I shrug my shoulder. I just simply do not want to explain. "What have you done?" "It's ok. She's just being careful. You can let her go." I said. "I sincerely apologize for what happened a while ago, Your Highness." Nagulat ao ng bigla siyang llumuhod sa harapan ko. Takot na takot at nanginginig pa. Napakunot noo ako, this very unsual. Hindi namin gustong kinatatakutan kami at waang dahilan para katakutan niya ako. "Hey, hey, I said It's okay." I said calmly. "Tousen, the princess said that it's okay. You can go out for now." "Y-Yes, Captain." nakayuko parin siya habang umaatras palabas. "I'm sorry if anything upset you, Your Highness. I will take full responsibility." "It doesn't matter anymore. We are here to retrieve one of my folks." she looked at me cluelessly. "I'm sorry, Your Highness. I don't know what you mean." She said while looking straight into my eyes. I can't say she's lying but I can't say she's not. I can't tell because she looked my in the eyes. "She's small and blonde. I'm sure that she's here based on the enchantment that was casted on her I knew she'll be here." "Your Highness, I don't understand." I sighed and paused for a moment. Maybe she don't know because Macy probably changed already. ELIJAH'S POV "She drink the water in the falls and she became like." Singit ko sa usapan nila. Hindi ko maexplain ng maayos at di ko din alam kung paano ko idedescribe and hitsura ni Macey. "Nagkaroon po siya ng maraming balahibo sa mukha at braso tapos may sungay po siyang paganito." Ipinakita ko yung kamay ko sa ibabaw ng ulo na gumagawa ng pa-spiral na form. "I see. Hindi ko kilala ang hinahanap niyo pero baka makilala niyo. Follow me." Ngumiti yung capfain saka kami isinaman sa kung saan. May mga nadaanan kaming kulungan ng iba't ibang nilalang daanan. Ang pasikot sikot dito sa loob ay parang kweba ulit, madilim at mazikip. Mababa ang ceiling at nalalaglag pa ang mga lupa mula sa taas iniiwasan ko rinv tumingala. Habang ako ay di mapakali ay panay pansin sa paligid ai Lolo naman at si Genedous ay dire-diretso lang ang tingin sa unahan at hindi lumilingon. Ako lang naman itong naninibago sa lugar eh sila mukhang sanay na sanay naman na.  "Kid, can you stop wondering? Just focus on your steps from here." Biglang dabi ni Generous sa akin. Bago pa ako makapagtanong ay muntik na akong mahulog mabuti nalang ay nahila ni Lolo ang puksuhan ko. Napatingin ako sa daanan at muntik na akong malula. Ang taas ng kinatatayuan namin at ang daan ay puro flat na kahoy na makapal na akala mo ay bahay ng gagamba ang hitsura. Mukhang mga tulay papunta sa iba't ibang pintuan sa lahag ng gilid. Sa ibaba naman ay may mga nagtatrabahong mga mukhang tao na itim ang buhok pero matutulis ang mga tenga. Ang nakapag tataka lang ay puro sila kababaihan. Kapag nahulog ako rito ay puro kababaihan ang babagsakan ko at mga matutulis na bagay. Gumagawa sila ng mga sandata kaya ang dami ring nagpupukpok ng metal at nagtutunaw ng iron. Mali, kapag nahulog ako dito ay paniguradong matutusta ako ng wala sa oras. "What are you doing!?" Napapitlag ako ng marinig ko ang sigaw ni Generous. Nakakunot ang noo niya at—at nasa kabila na sila!!  Napatingin ako sa kinatatayuan ko at napalunok. Ang daming nakatingin sa akin mula sa ibaba. Hindi ko alam kung paano ako tatawid. Walang hawakan man lang at ang lapad ng kahoy sakto lang para sa dalawang paa.  "Lo! Lolo, hindi ako makakatawid." Sabi ko kay lolo habang nangangatog pa ang  mga tuhod ko. Narinig kong nagtawanan ang mga kababaihan sa ibaba.  "Zee, you better grab him here because if I'm going to get him I'll drop him." Napalunok ulit ako sa banta ni Generous. Grabe naman talaga makapag-utos kay lolo. Porket ba mag-asawa sila? Kelan pa naging boss ang mga babae sa relasyon!? "Okay, okay. We'll be right behind you." Sabi ni lolo at saka tumawid para kunin ako. Tumalikod na si Generous at yung leader ng mga amazona at pumasok sa isang silid. "Let's go." Napatingin ako kay lolo na nasa harap ko na agad! Ano ba Elijah kanina ka pa wala sa sarili mo. Sabi ko sa sarili ko. Inabot ko ang kamay na inalok ni lolo at hinawakan ko ang pulsuhan niya tulad ng pagkakahawak niya sa pulsuhan ko saka niya ako inalalayan sa pagtawid. "Don't look down. Look straight ahead." Sabi niya. Kahit mahirap at natatakot ako ay sinunod ko lang siya. Abot langit ang takot ko dun. Pero nakatawid din kami agad. Pumasok kami sa pintuang pinasukan nila Generous. Pag-dating namin ay napansin ko agad ang iba't ibang klase ng hayop este hayop nga. Para silang mga kalahating hayop at tao sa pang ibaba. May kambing, aso, kabayo at kung anu-anu pa. Puro mabalahibo ang mga naroon. Huling kong napansin ang katabi ni Generous habng nakikipag-usap doon sa leader.  "Kuya! Kuya huhuhu." Agad na lumapit sa akin yung mukhang kambing na tao na katabi ni Generous. Napa-atras ako sa takot. "K-kuya anong kuya ka diyan!? Lumayo ka sa akin. Waahh!! Halimaw!" Sigaw ko na naging dahilan kaya napatingin ng masama sa akin ang  lahat. Nanigas ako sa kinatatayuan ko ng panlisikan ako ng mata ni Generous. Napatakip ako ng bibig ora mismo. "That's your sister, moron!" Singhal niya sa akin. "Kuya! Lolo! Ako to! Ako oh si Macy." Mangiyak ngiyak na sabi ni Macy sa akin. Si Macy nga, pati boses. Naunahan ako ng takot kanina kaya hindi ko nakilala ang boses niya. "Are you alright?" Tanong ni lolo sa kanya at agad na nilapitan siya at bahagyang niyakap. "Lolo, what's happening to me? Paano ako nito?" Iyak ng iyak niyang tanong. Napalunok ako at di ko malaman ang sasabihin. Bago siya mapunta rito ay okay pa ang hitsura niya. Balahibo at maliit na sungay palang di ko akalaing magiging mukhang kambing siya ng tuluyan sa loob ng ilang oras. "M-m-macy!?" Bulalas ko. Niyakap niya agad ko. Hindi na ako nakaiwas kahit nandidiri ako sa mga balahibo niyang dumidikit sa balat ko. Kapatid ko pa naman to kaya lang kinikilabutan talaga ako, tinalo pa niya ang na-nuno sa punso. "Kuya... Huhuhu ang pangit pangit ko na." Iyak parin ng iyak. "It's okay, hush now. I'm sure na makakahanap tayo ng solusyon para maibalik ka sa dati." Sabi ko habang inaalo siya. "I'm sorry, Your Higness. Still we can't find a cure for this kind of spell." Nilapitan ko ang leader nila habang hila-hila ko si Macy. "Ano? Ibig sabihin magiging ganito na habang buhay ang kapatid ko!?" Di ko maiwasang tanong. Bigla akong nakaramdam ng kamay sa kanang balikat ko at bago pa ako makalingon ay tumilapon na ako sa pader.  "Who told you to interrupt?" Napatingin ako kay Tousen na nakatayo na sa harap ko. Napatingala ako sa kanya ng nakangisi siya sa akin. Paano naman siya napunta dito? "Kakapasok ko lang tapos sakto tumilapon ka diyan. Serves you right." Sabi niya saka umalis sa harap ko. Napatingin ako kay Generous na nakatingin sa akin. Kakababa niya lang ng kamay niya na nakatapat sa akin. Siya gumawa nun? "Kuya!" Tumakbo papunta sa akin si Macy. "Hey, calm down." Napatingin ako kay lolo ng lapitan naman niya si Generous at hawak niya ng dalawang kamay ang kamay nito. Napalunok ako. Nakakatakot talaga siya! "You dare to interrupt right between us and you're not even listening!!" Napayuko ang mga naroon maliban kay lolo at yung leader ng mga kababaihan. Maging si Tousen ay yumuko, naza tabi siya ngayon ng leader nila. "Hey." Malumanay na tawag sa kanya ulit ni lolo. "She said they're still trying to find the cure. If they have one these people here are not like this!" Itinuro niya ang kabuuan ng lugar kung saan napakaraming katulad ni Macy ang sitwasyon. Napayuko ako sa kahihiyan.  "I'm sorry." Yun lang ang nasabi ko at saka pinilit na tumayo. Ang lakas talaga ng pagkakatilapon sa akin. Hindi ganun kalayo pero ang bilis. Huli kong naramdaman ay ang hawak ng kamay niya sa balikat ko at sa isang iglap ay nandito na ako. Nagpatuloy sila sa pag-uusap at ako naman ay tinulungan ni Macy na magpagpag ng alikabok sa likuran at damit ko. "Ikaw kasi kuya, tsk alam mo naman na royalty sila rito sabat ka ng sabat." Bulong sa akin ni Macy. Hindi ko talaga naiisip agad iyon dahil nagpanic ako. Pero aminado akong mali ko. "Let's go. " Napaayos agad ako nv tayo ng marinig ko ang boses ni Generous.  Nilagpasan niya kami ni Macy kaya sinenyasan naman kami ni Lolo na sumunod. Kahit paika-ika ako ay tumalima naman kami ni Macy. Paglabas namin sa sili na iyon ay kinailangan namin ulit tumawid sa mga kahoy na iyon. Tuloy ay dalawa na kami ni Macy ang kailangang  alalayan ni lolo. Bumalik kami doon sa silid ng leader at doon kami pinagpahinga sandali.  Naghanda sila ng makakain para sa amin at maiinom.  "I'll have the carriages ready you can go the hidden market place, Your Highness." Sabi ng leader.  "Thank you, I owe you this one. Just come to Aither and we'll reward you." Nakangiting sabi ni Generous. "Your kindness is immesurable, Your Highness." Pasasalamat naman ng leader. Hindi ko lang gaanong magets kung bakit ganun na lang igalang rito si Generous at ai lolo kung leader naman ng tribo ang kaharap namin. Ano? Mas mataas ba ang katungkulan nila lolo kaysa sa kanya? "What do we need to look for in the Hidden market place?" Tanong ni lolo. Kami ni Macy ay nananatiling nakikinig lang sa usapan nila. Gusto ko magtanong dahil umaandar nanaman ang pagiging mausisa ko kaya lang ay pinipihilan ko lang ang sarili dahil baka tumagos na ako sa pader kapag nahawakan pa ako ulit ni Generous. "It'll be who, Your Highness." Nagakatinginan si Generous at si Lolo. "Here, take this." May inabot siyang boteng maliit kay Lolo. May isang maliit na maliit na tao doon na may pakpak at gintong buhangin. Yung bote sing laki lang lalagyan ng condiments tapos may maliit na lumilipad-lipad sa loob. "This fairy can show you the way when you arrive at the place." Dugtong niya. Itinago ni lolo ang bote. "Thank you." Sabi bi lolo. "There's an old wizard there who specializes in potions and herbal medecine. He might have a cure or idea to this kind of situation but I can't guarantee." Eh!? Ano daw!? Hindi dmrin sigurado!? Napatinginsa akin si lolo ng sabihin iyon ng leader. Napatikom ang naka-awang kong bibig. Alam siguro ni lolo na baka may sabihin ako kaya tinignan niya agad ako. "You knew this man, but you can't still find a cure for those who are in the rahabilitation room?" Takang tanong ni Gen. "The old man do not want to work or interact with us." Malungkot na sagot ng leader. "We understand. Don't worry if he happen to have a cure we'll send someone here." Napangiti ang leader sa sinabing iyon ni Generous.  Mayamaya pa ay may pumasok, Tousen at dalawang babae na kasunod sa kanya. May dala dala ang mga ito na telang kulay brown. Inabot nila iyon sa amin.  "Ano to?" Tanong ko ng mahina. "These cloak were specially made for our tribe, because we are the closest tribe in the falls most of the visitors and travelers had been affected by the spell. And people from different kingdoms who mistakenly drink the water thinking it's drinkable." Paliwanag niya. Sabi niya nga rin kanina ang karamihan daw sa mga nag-stay sa kwartong pinanggalingan ni Macy ay taga rito sa kanila. "This is almost similar to the cloak you used to have in Aither where you can hide your identity into a different form of beast or to create illusion. The only difference is this cloak do the opposite." Lumapit siya kay Macy at binuka ang cloak. Isa itong mahaba at malaking cloak na abot hanggang tuhod at may hood. "Here." Nang maisuot ni Macy ang cloak ay wala namang nagbago pero bigla akong na-amaze ng ilagay niya ang hood sa ulo ng Macy.  "Macy! Bumalik ka na sa dati!" tuwang tuwa kong sabi. "Talaga kuya!?" Napahawak niya sa mukha niya. "Bakit parang pakiramdam ko ay may balahibo parin ako?"  Inabot ni Tousen ang salamin kay Macy. Napangiti siya ng makita niya sa salamin na normal ang mukha niya. Kaya lang may pagkapasaway siya kaya tinanggal niya ang hood. Napatili siya at naitapon niya ang salamin sa lamesa ng lumantad ang kasalukuyan niyang itsura. "Isuot mo na lang yung hood." Sabi ko at saka inilagay ang hood sa kanya.  "Bakit po kami ay meron din?" Magalang kong tanong. Aba mahirap na baka mamaya tumilapon nalang ako bigla. "It'll be good thing that you'll be classified as comrade because if you wander alone in the hidden market place, people there might harm you and sell you out." Paliwanag sa akin ni Tousen. Napatango naman ako.  Nagpahinga lang kami sandali at saka nagdesisyon na ring umalis. Pag labas namin ay may nakahanda ng carriage para sa aming apat at may apat na itim na pegasus sa unahan. Ang huling naaalala ko ay nilamon kami ng kumunoy nung pumunta kami rito, paano naman kaya kami lalabas ngayon? "Take care on your way, Your Highness." Sabi ng leader saka yumuko para magbigay galang. Nagsiyukuan rin ang mga babaeng naza likuran niya bilang paggalang.  "Thank you, Almera." Sa tinagal namin dito ngayon ko lang narinig ang tunay na pangalan ng leader ng mga kababaihan dito.  Sumakay na sa Karwahe si Macy, tinawag narin ako ni lolo at pinapasok na. Inalalyan naman niya si Generous at pagkatapos ay nakita ko pa siyang nagpaalam kay Almera saka sumakay na.  Bilang si lolo ang pinakahuling sumakay ay pagkasarang pagkasara niyang pintuan ay narinig ko na ang pagaspas ng naglalakihang pakpak ng mga pegasus. May narinig akong mga boses na sabay sabay na nagsasalita ng kakaibang lenggwahe kaya napasilip ako sa labas. May mga babaeng nakapabilog sa ibaba at gumagawa ng portal. May mga marking na nabubuo sa lupa at lumiliwanag hanggang sandali pa ay nasa himpapawid na kami.  SOUTH'S POV "Saan ka na naman galing?" Nilagpasan ko siya ng makababa ako ng karwahe. Dire-diretso akong pumasok sa Palasyo at mabagsik na pinatamaan ko lahat ng makikita kong bagay sa kahabaan ng hallway. "Aaarrrgghhh!!" "Ano ba!? Anong nangyari?" Hinawakan niya ang braso ko at pinaharap ako sa kanya. Tinignan ko iyon ng matagal kaya tinanggal naman niya ang pagkakahawak doon. "Nasaan si Lucy?" Tanong ko. "Nagpapahinga ang anak mo. Masiyado siyang napagod sa pag-eensayo." He held my shoulder trying to cam me down. “Tell me where have you been and why are you so upset?” Kalmado niyang tanong. “Galing akong Aether! Lintek aang mag-inang yon!”  “Ano ka ba naman South?! Ilang beses ko ba dapat sabihin sa iyo na itigil mo na iyang gusto mong mangyari. Wala kang karapatan sa anumang posisyon sa Pangunahing palasyo!” Inis niya sabi habang niyuyugyog ako na para bang ginigising niya ako sa kahibangan ko. “Marcus!! Marcus, pangarap yun ng mga magulang ko!” “Pero hindi mo pangarap ‘yon!” sigaw niya pabalik sa akin. “They’re gone along with their dreams. In the first place naman ay wala rin silang karapatan sa Aether.” “I’m their daughter, Marcus. I am my father’s daughter and It’s my job to finish what they had started and fulfil their broken dreams!” Sa sobrang galit ko ay naitulak ko siya ng malakas. He was shocked and he looked at me angrily.  “This is not you, South. This is not you, the one I married decades ago. You’ve changed.” “It’s me. It s still me, it’s just that my dreams and goals for you and Lucy had gone wider. I am not doing this for myself. I’m doing this for all of us.’’ “We don’t want you to do it.” Natigilan ako sandali. This is the first time na narinig ko ang mga salitang iyon mula sa kanya. I don’t understand. Ayaw niya na gawin ko ito? Ayaw niya ba na mapunta sa kalagayang may kasiguraduhan, I mean kung nasa Aether kaming ttlo ay walang magnanais na saktan ang anak namin, walang iisipin at aalalahanin, lahat ng mamamayan ng Genovia ay susunod sa amin.  Hindi niya ako maintindihan.  “Stop, Marcus. Just get Lucy for me.” I sighed and turn my back on him. “No. She’s tired and she needed rest.” "Sa tingin mo ba ay ito ang Oras ng pagpapahinga. Tell someone to wake her up!" sigaw ko sa kanya. Napansin ko ang paghigpit ng kamao niya at ang pag-igting ng kanyang mga panga pero hindi ko na lang iyon pinagtuunan ng pansin dahil lalo lang iinit ang ulo ko kapag pnatulan ko pa ang gawi niya iyon.  Hindi na siya nagsalita pa at umalis na lang siya sa harapan ko. Yan ang mahirap kay Marcus, masiyado siyang mabait at konsintidor. Masiyado niyang bini-baby ang anak namin kaya lalong lumalaking walang pakialam. Hindi man lang nila sikaping matulungan ako sa mga pangarap ko para sa kanila. Kung sila ay kuntento na sa ganitong katayuan pwes ako y hindi. I will never settle for this. I had lived my life to fulfil what my parents couldn’t. They wanted to revive the Aether kingdom but then the whitecrowns are still living. Matagal na sanang napalitan ang Family name na nagmamay-ari sa Aether kung hindi lang sila bumalik. Napakatagal kong sinisi ang sarili ko dahil tinanggap ko ang mission na iyon noon. My father died in agony and my mother’s last wish is to takeover the Aeter kingdoms rights and power. Bago man lang ako mamatay ay matupad ko iyon. “Mom, why did you wake me up.” Bagot na bagot na wika ni Lucy mula sa likuran ko. Nilingon ko siya kahit hindi parin nawawala sa mukha kong ang inis at galit.  “I will send you off for an errand. Go and make preparations.” I said, moving my hand and withouth looking at her. I was about to walk away when I heard her sighed heavily.  “What?” she asked when I glared at her. “You don’t expect me to follow you, right? I mean I am exhausted and I can barely sleep these past few days.” I don’t know why but my hands moved on its own and slapped my own daughter. I couldn’t move for a second when I realized what I just did. She gazed at my palm and my eyes alternately while giving me a questioning look. “Lucy,,,” “South! You’re crossing the line already. How worse can you go for you to realize everything?!” Marcus exclaimed and pull Lucy behind him. Lucy looked away and was about to cry.  “Go and take a rest. I will send you tomorrow instead.” I said and left. ‘What’s wrong with me?’ Tanong ko sa sarili ko habang mabilis na naglalakad papunta sa opisina ko. Iniwan ko ang mag-ma ko sa pasilyong iyon ng hindi silanilingon pang muli dahil sa galit at pagsisi sa ginawa kong iyon sa sarili kong anak. It wasn’t me who slapped her, it was my anger that triggered me, it was all because of the Whitecrowns who should’ve died a long time ago. “Your Highness.” Nanali ang pag-iisip kong ng may tumawa sa pansin ko mula sa labas ng opisina ko. Nakatayo ang isang tagasilbi roon at marahang yumuko sa harap ko ng makalapit ako sa pintuan. “What is it?” lumapit siya sa akin at bumulong. “There’s a message for you from Layla.” Nanlaki ang mata ko saibnulong niyang iyon.  “Follow me.” Sabi ko at nagpalingon Lingon sa paligid. Nagbilin ako sa isa sa mga aga silbi na wag magpapasok ng kahit na sino hanggat hindi ko sinasabi.  ELIJAH’S POV Wala pang twenty minutes ay narating namin ang isang lugar na sa tingin ko ay siyang sinasabi ng Almera na iyon na Hidden Market place. Napakaraming tao at iba’t ibang ilang na half human at half magical creature. Halos karamihan din ay may mga suot na cloak at nagsisiksikan. Tinalo pa nito ang Divisoria ng mundo ng mga tao. Kaliwa’t kanan ang mga tindahan at gusali aya’t kaliwa’t kanan rin ang mga tao. Agad naming pinabalik ang karwahe ng marating namin ang lugar at saka kami pumasok ng tuluyan sa dagat ng tao para hanapin ang matandang anggagamot na sinabi ng leader nila Tousen. “Keep your eyes and mind open. Pay attention to your surroundings if you don’t want to be in trouble.” Paalala muli ni Generous bago kami magpatuloy. Sabay naman kaming tumango ni Macy. “Stay close to me.” Sabi ni lolo at pinagpalit niya kami ng pwesto. Si Generous ang nauuna sa pglalakad habang nakasunod si Macy na nakakapit sa cloak niya at ako naman na hawak ang pulsuhan ni Macy. Si lolo naman ay nasa likod ko at siya ang nakabantay.  As we enter the crowd, Macy started too tighten her grip on my hand. Her hands were trembling and sweating. Both of us had never been to a place like before so even I, I can’t help but to feel nervous and conscious with the surrounding. It’s more like waking in the middle of a huge danger not knowing when and where it’ll strike. Masiyado ring siksikan ang mga tao kaya hindi kami makapaglakad ng mabilis. May mga pagkakataon pa na may nakakasingit sa likod ni Generous kaya paminsan mnsan ay kailangan pa naming habulin ang hakbang niya lalo pa’t s Macy ay may kabagalan sa paglalakad dahil siguro sa takot. Hindi rin ako makalingon kay Lolo dahl hindi ko maaring alisin sa paningin ko si Generous. Nabitawan ni Macy ang cloak ni Generous kaya lalo akong nataranta. Maraming mas atatankad na nilalang dito sa amin at kapag nasisingitan kami ay nahihirapan na akong makasunod kay Genrous. “s**t!” Usal ko ng may sumingit na naman sa harapan ni Macy. Napatingkayad ako para tingnan si Generous ngunit bigla na lang siyag nawala sa paningin ko.  “Oh my god, Kuya. Where did she go?” sabi ni Macy na natataranta. “I don’t know. s**t. Hold on one second.” I said and I let go of her hand. It was too late when I realized that I shouldn’t have done it. “Sorry, sis-“ and the next thing I knew she was out of my sight. I repeatedly cursed in my mind while looking around.  In an instant ay bigla akong pinagpawisan ng malamig. Naisip ko si Lolo na nasa likuran ko pero paglingon ko ay wala na rin siya. Parang biglang bumilis ang kilos ng paligid at ako naman ay nakatayo parin sa pwesto kung saan ko sila huling nakita. Hindi ko na rin ininda ang mga nakakabangga o nakakasagi sa akin dahil nakaharang ako sa daraanan. Sinubukan kong umalis sa kinatatayuan ko ay magpaikot-ikot ngunit nakapagtataka na nauuwi ako sa lugar kung saan kami nagkahiwahiwalay. Nakaramdam ako ng matinding pagkahilo at ang masama pa ay tuloy tuloy lang ang pagbilis ng mga kilos sa paligid. Wala ako ibang marinig kundi ang malakas na ugong sa tenga ko. Napahawak ako sa ulo at mariing napapikit. I thought that by shutting my eyes will at least lessen the feeling. A few seconds had passed and the surrounding started getting hot. I’m sweating all over my body. It’s suffocating and frustrating. Imbis na mawala ang ang kung anu-anoong nararamdaan ko ay parang biglang nadagdagan ang bigat ng pakiramdam ko. Idinilat ko ang mga mata ko, sinubukan kong sumigaw ngunit walang lumalaba na boses mula sa bibig ko. Inulit ulit ko angg pagsigaw ngunit wala alaga. Konting kontin nalang ay may mababaliw na ako ,hinuhugot na g sitawasyon ang katinuan ko. Hanggang sa bilga nalang tumigil ang oras na para banag tumigil ang ikot ng munfdo dahil sa biglaang paghinto ng mga kilos sa paligid ko. Tumigil lahat malibang sa isang pigurana naaninag ko sa di kalayuan. May isang gusali roon na hindi gaanong kapansin pansin sa gilid ko ngunit wala rin naman masiyadong tao sa banda roon. Mediyo nakalubog ito sa likuran kumpara sa mga gusali at tindahan na nasa daanan. Mukhang nakasara ang gusali atlumang luma ng tignan. Nasa pinakadulo ito at wala ng kasunod pang ibang gusali kaya siguro ay hindi pansinin. Pinaningkitan ko ang mga mata ko pra aninagin ang isang imahe sa pinakagilid ng gusali. Nakatakip ang ulo nito ng telang asul hanggang sa leeg at tanging mata lamang ang nakikita. Gintong ginto ang kulay ng mga mata nito at nakatitig sa akin. Nagaroon ako bigla ng lakas ng loob na lumakad at lumapit sa kung sino man iyon ngbiglang may humawak sa aking kamay. Napapitlag ako kaya ng kumura ako ay wala ang pigurang tinittigan ko kani-kanina lang. Napatingin ako sa likuran ko dahil may humawak sa kamay ko ngunit wala namang tao.  “Kuya!!!” narinig ko ang boses ni Macy sa malapit ngunit hndi ko siya maaninag. ‘Macy?’ Tnong ko ngunit sa isip lang. Bigla akong nabuhayan ng loob ay walang anu-ano’y nagkaroon ako ng pag-asa. Nagsimula akong humakbang para sundan ang pinanggalingan ng boses. “Kuya!”  “Kuya!”  Nagtakang muli ako ng mag-iba ang mga tono ng boses ni Macy. May mga pagkakataong nariring ko siya sa aking likuran, sa tagiliran at minsan ay sa malayo. “Macy!” “Kuya, I’m here.” Dinig ko sa aking kanan. Napalingon ako roon at nakita ko siyang naka angkla sa aking braso at bgla na lang siyang naglaho na parang usok na tinangay ng hangin. “I’m here.” Dinig ko sa mediyo malayo. Kumakaway siya sa akin habang nakangiti. “I’m here.” “Kuya.” “Over here.” Hanggang sa nakikita ko na siya sa iba’t bang parte ng lugar, sa tabi ko at minsan ay nasa harapan. Halos nagsasabay sabay ang mga Macy na nakikita ko na umabot sa puntong hindi ko na alam kung sino ang una kong pakikinggan at titignan.  “Stop!!” I shouted. “Stop it Macy. Please. Stop!” abi ko habang nakatakip ang mga kamay ko sa tenga ko. “Kuya?”  Napaupo ako at napasabunot sa buhok hanggang sa bigla na lang may yumugyog sa akin ng malakas pagkatapos ay may naramdaman akong tumama sa kanang pisgi ko. Natauhan na lang ako na nasa lupa na at nakasalampak. Ilang beses akong napailing dahil sa sobrag laks ng impact na iyon.  “Ae you okay?’ nag aalalang tanong sa akin ni Macy. Tuumakbo siya papunta sa akin at lumuhod sa lupa para pantayan ako. Marahan niyang tinignan ang panga na sa tingin ko ay na dislocate Tinignana niya rin ang ilang parte ng katawan ko dahl din sa lakas ng pagkakatilapon ko sa lupa. Napatingin ao kay Generous na tiim bagang na nakatingin sa akin, ang mga kamay niya ay nakababa ngunit ang kanang kamao niya ay nakasara. Mukhang siya na naman ang sumapak sa akin. Hindi ko naman magawang magalit dahil maging ako ay gusto ko na rin namang sapakin ang sarili ko kanina pa. Tinulungan ako ni Macy na tumayo at don ko lang din napansin na bumalik na sa normal ang daloy ng oas at nawala ang mga imahinasyon ko kanina. Bigla ay nakahinga ako ng maluwg. Akala ko ay hinddi na ako magiising. ”Kuya, I’m asking you.”  “Y-Yeah.” Utal kong sagot.  Pansin kong nakatingin pa rin ang ilan sa amin, marahil ay naka-agaw ng pansin ang nangyari sa akin. “You scared the hell out of me.” Dugtong ni Macy. “What happened? Did I passed out or something?” tanong ko sa kanya. Hindi niy ako masagot kaya bigla namang sumingit si Generous. “You were played by the ancient root heads. Most likely root like creatures. They play with your mind and it last as long as possible until someone wakes you up forcefully.” She said and removed her hood.  “What did I do?” Inosente kong tanong. “You did nothing. They usually picks a target randomly so don’t worry there’s nothing special n you so we don’t need to be specific here.” Tumalikod na iya at nagsimulang maglakad. Hinawi niya ang ilang mga tao na nagkkumpulan hangang sa bumalik ang mga ito sa kani-kanilang ginagawa. “Let’s go.” Hindi ko alam kung mapipikon na ba ako sa kanya o pagpapasensiyahan ko na lang dahil isa siyang prinsesa. Napabuntong hiininga ako at saka tumango naman kami at sumunod.  “Don’t take it seriously.” Sabi ni lolo at tinapik ang balikat ko. Tumango ulit ako bago sumunod kay Gnerous. NAgkatinginan kami ni Macy at saka nagpatuloy. Kumapit si Macy kay lolo habang nakasunod sila sa likuran ko. Makalipas ang ilang miuto at mahabang paglalakad sa pagkahaba-habang pamilihan ay arating namin ang dlo kung saan wala na gaanong tao at mga stall. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD