Chapter 18

4999 Words
HERONUI'S POV "I'll kill that old hag." napatayo ako para pigilan si Dad. Lalabas dapat siya ng opisina niya dahil sa galit at mukhang seryoso sa sinabi niya. "Calm down, Husband." parang baliktad ata. Kadalasan kasi Dad ang nagssasabi nito kay Mom. Si mom kasi ang madalas na padalos dalos pagnagagalit. Payakap na pinigilan ko si Dad habang si Mom naman ay nakayakap mula sa likuran niya. Masiyado pa naman siyang malaks kapag galit. "She's threatening this kingdom! She's threatening the throne."  "I said calm down, Clyde!"  Bumuntong hininga si Dad at mukhang haharap kay mom kaya napabitaw ako at napaatras, aba baka masuntok ako. "Hey, hey, hey." Tumayo na si Uncle Norm na kaina pa nakikinuod lang. Kanina pa siya diyan, actually. Nakikinig at nakikinuod kanina habang nakadekwatro at komportableng nakasandal. "Are you really going to argue because of that South?"  "That's my point." sabi ko at inakbayan si Uncle. Pwedeng pwede naman kasi nila ireject ang offer nung babaeng yun. "Haven't you heard what she said? That old woman asking for one of the secondary positions?" tanong ni Dad kay Uncle.  "Clyde, we are still on the throne we could still manage. She can't do anything."  "I know. But I don't trust her, I know what's in her mind and I won't give her chance to do what she wants." "Then what about the Mortals in her hands? We need to sent them home safe and sound, It's one of our duties."  "Of course, we'll save them." "And how are we going to do that? She's very persistent and clever."  "Then how about Generous? She's fragile, do you want to make her mad and sad again?" "She's not here yet and she'll understand. Maybe, It'll be better if she'll stay there for a moment." "We need her here. The Academy will hold a big event and you know that, she's needed there." "Then I'll go in behalf of her." Nagkatinginan kami ni Uncle Norm at sabay na napailing. Hindi sila titigil hanggat walang isa sa kanila ang makumbinsi ng isa. Gets niyo ba? In short, isa sa kanila ang dapat sumang-ayon pagkatapos ay saka nila pag-uusapan ang plano. Ganyan talaga sila mag-usap. "What if we'll give her what she wants but I'll let Uncle to be in my place." I suggested. Both of them shifted their gazed at me. "Agreed/No." pinanlisikan ng Nanay ko ang tatay ko ng humindi ito. Hindi talaga matatapos ang usapan na ito. "I'm okay with the set-up." Uncle said. My father pulled his collar and lifted it until it almost chokes his neck. "Clyde."  "How can I trust you If you have done this before?"  "He changed, he's not the Norm we used to hate before. Besides, we have the same bloodline." "Mom's right. And while I'm not in the position I could do something in secret." "Believe me or not, I'm just trying to help. It's okay if you will not agree, you're still the King and I will Obey." Binitiwan ni Dad si Uncle. Yumuko na siya at nagpaalam. Sumunod naman agad ako. Pagkatapos ng usapang naganap ay nauna na kaming lumabas ni Uncle. Naiwan na si Mom at Dad doon sa opisina niya para makapag-usap. Ang hirap din kasi kung magstay pa ako doon eh kung parehas sila hindi maubusan ng katwiran. Dudugo pa ilong ko at sasakit lang ulo ko sa mga magulang ko. "Bakit mo kasi sinuggest yon?" biglang lingon sa akin ni Uncle. Napakamot nalang siya sa inis.  "Eh ikaw naman kasi Uncle, um-oo ka naman agad." "Gusto ko lang naman tumulong at saka ang sakit kaya sa ulo ng mga magulang mo. Sa tuwing may mga importanteng bagay na paguusapan laging nagdedebate hanggat walang sumusuko." natawa ako dahil sa naging reaksiyon niya. Napapansin din pala niya ang paraan nila sa paguusap. "Alam ko, kaya nga ako sumama sa'yo lumabas." "Bakit kapag yung dalawang yun ang kaharap napapa-english talaga." Lalo akong natawa, naiinis tong uncle ko kaya nakakapagsalita ng ganyan. Pero kapag nakaharap kay Dad minimal lang ang komento. "Bakit kasi mabilis uminit ulo ng Hari sa'yo, Uncle?" Bigla kong tanong. Ang alam ko lang kasi ay siya ang previous King ng Drashiere at kapatid niya si Myera. "Alam mo kasi, yang tatay mo pinagselosan ako dati. Kasi ang alam niya ay patay na patay ako sa nanay mo." tumawa siya ng tumawa habang nagkukuwento. "Isang beses inakyat ko kwarto ng dorm ng nanay mo. Akala ng tatay mo aasawahin ko si Hera." "Akala ko ba magkadugo kayo?" "Oo nga." "Eh ba't mo pinupuntirya si Mom?" "Praning ka din para kang tatay mo." "Mag-explain ka na lang." Bagot kong sabi sa kanya. Daming satsat eh. "Hindi ko man lang nga nahalikan yang nanay mo eh, akala lang niya yun dahil noon madali pang paglaruan ang imahinasyon niya  noon kaya ang alam niya pwersahan ko siyang nahalikan." "Rapist." "Manahimik, ang gwapo ko namang r****t uyy." sabi pa. Inambahan niya akong babatukan kaya napaatras ako ng bahagya. "Tapos yun na nga, may kabigan ang Mom mo noon na mortal. Kinuha ko yun para ipain sa kanya pagkatapos ay nabihag ko siya wahahahaha." "Ano? So, pinatulan mo  nga ang pinsan mo?" "May pagkaslow ka minsan, ano? Mana ka ba kay Hera? Nabihag, naging bihag." "kidn*pped. Mom has been kidnapped." "Oo, Ganun nga. Inalok ko pa nga siya na maging reyna doon eh." "Hinding hindi papayag si Mom." "Oo nga, hindi pumayag. Ang kulit mo nagkukwento ako." sinamaan niya ako ng tingin. Napaisid na lang ako at hinayaan siya magpatuloy. "Tapos galit na galit tatay mo, namatay pa nga yang nanay mo noon kaya sila naging immortal dahil kinailangan nila buhayin ang nanay mo sa pamamagitan ng kakaibang ritwal na sa pagkakaalam ko ay siya ring pinagawa sa inyong magkapatid. Lintik kasing propesiya na yan buti nga at wala ng propesiya." "Eh kaya naman pala galit sayo ang Dad." Komento ko. Sinamaan na naman niya ako ng tingin. "Pero, wala ka na talagang balak ituloy ang mga plano mo noon? Imean hari ka dati." "Alam mo pamangkin...." inakbayan niya ako. "....wala akong mahihita doon at di naman ako naging masaya sa ganung buhay. Kaya kung nabubuhay lang ako nung mag-away kayo ng kakambal mo sa trono noon baka binatukan ko lang kayo. Yung kapatid talaga ang lumalason sa isip ko kaya ganun. Isa pa ayaw ng Ina namin na magalit kami sa kapatid at anak  niya kaya lang yung kapatid ko siyempre babae, taas ng pride at galit." "For sure naman alam ni Dad na hindi ka talaga ganun. He's just testing you." "I know, I don't blame him. Isa pa alam ko naman ang kayang gawin ng Dad mo." nagtatawanan kami ng biglang manindig ang balahibo ko. "Son." jusmiyo para akong binuhusan ng malamig na tubig. Kanina pa ba siya jan? Narinig niya kaya kaming nag-uusap? "Yes, Dad?" "Can you please give all the files and everything that your Uncle may need for the following days. He'll take your position for the mean time." Nagulat ako sa sinabi ni Dad pero nagliwanag din naman agad ang mukha ko. Si Uncle ay halatang nagulat din. "Of course, Dad." "Norm, come with me. Son, Your mom needs to tell you something." ELIJAH'S POV "Sa ilalim ng lupa?" tanong ko ulit. Nabingi lang siguro ako ng sabihin ni Generous na kailangan namin pumunta kung nasaan si Macy ngayon. Sa ilalim daw ng lupa. "Yes, underground." Ulit niya. Napalunok ako.  Gusto ko naman talaga mailigtas si Macy pero kung sa ilalim ng lupa kami pupunta hindi ko alam kung anong magiging desisyon ko. Kapatid ko iyon pero natatakot pumunta sa ilalim ng lupa. "Walang ibang paraan?" tanong ko. Nagkatinginan silang dalawa at pagkatapos ay tumingin sa akin si Generous, bumuntong hininga siya nagsalita. "In this world we can't always rely on other ways. If this way  is dangerous then the other is deadly or worse."  "You're with us. So we'll take responsibility if something happens." dagdag ni lolo. Kahit nag-aalanagan ay tumango ako. Sinabi ko naman na pwede naman ako maghintay dito kaya lang hindi raw nila masisiguro ang kaligtasan ko kung maiiwan ako. "I know this place and I know the people here. There's no harm but the problem is you and your sister not from here."  "Samantha's homeland?" Generous nodded. Di ko naman kilala yung samantha kaya di na ko nag usisa. Nakinig lang ako sa mga instruction na sinasabi niya. Oo at tango lang ang ginagawa ko kahit hindi ko gaanong maintindihan. Hindi naman kami pumunta sa kung saan. Basta pagkatapos niyang magpaliwanag ay bigla nalang siya naupo at hinawakan ang lupa. Maya-maa pa ay naramdaman ko na lang na lumulubog ako sa lupa. "Do not resist the quicksand." Ulit niya sakin. Tumango ako kahit abot langit na ang kaba ko.  Nagsimula kaming lumubog at lalong nadadagdagan ang takot ko. Hindi ako makahinga ng maayos lalo na ng umabot na may dibdib ko ang kumunoy at hindi ko na maramdaman ang kalahati ng katawan ko. Nagpumiglas ako ng matauhan ako, s**t! Lumulubog lang naman ako sa kumunoy!  "I said don't resist! Don't move! Do you want to die?" dinig kong sigaw ni Generous sa akin pero hindi ko na iyon pinansin. Mamamatay ako! Hibang ba siya? Mamatay ako lalo dito kapag wala akong ginawa! Pinapagalitan niya pa ako ng mapansin ko na hindi na ako makahinga ng tuluyan at nasa may mata ko na ang kumunoy. Pagkatapos ay nawala na ako ng malay. "After this I'll send this kids back to their home!" Dinig kong bulyaw ni Generous. Gising na ako pero hindi o idinilat ang mata ko, baka mamaya mapag-initan niya ako, mukha pa namang mainit ulo niya. "Missus, can you please calm down?" "Calm down? Really? How am I going to f*****g calm down if this kids cause trouble from every now and then? I'm not going to babysit them anymore."  "There's no one that could look after them at home." "And? It's okay to you that they are  causing us delay." "This kids are not used to it. Please understand, hmm?"  May  narinig akong bumuntong hininga bago nagsalita muli si Generous. "Fine." Napahinga ako ng maluwag. Hindi ko naman maiwasang maguilty, dapat siguro ay hindi na lang kami sumama dito. Nakakabagal lang naman talaga kami sa pag-uwi nila at pag-uwi ni lolo. Kaya lang naman ako pumayag agad na bumalik dito ay dahil may gusto akong malaan. Gusto kong malaman kung kadugo ba talaa namin si lolo. You see, I'm still curious of our true identity and history. Kung si lolo ay asawa ng prinses ano kami? Apo niya ba talaga kami? Wala kaming kilalang mga magulang at mas lalong kahit sinong kamag-anak.  Wala na sa kanilang umimik kaya unti unti kong idinilat ang mata ko. Nanlalabo pa ang paningin ko at feeling ko binugbog ako sa sobrang sakit ng katawan ko. Malamig ang lupang hinigaan ko at masiyadong madilim ang paligid. May liwanag naman kaya lang ay napaka dull ng lugar. Maraming agiw ang kisame, kimase ba to? Parang nasa loob kami ng madilim at mukhang kweba dahil lupa ang nakikita ko sa itaas. Nag lalakihan pa ang mga gagamba. Kweba nga siguro ito pero masikip. Nasa dulo kami at sa unahan ay napakahabang tunnel na akala mo ay minahan ang kinaroroonan namin. May mga kahot sa hilid at torches na ang sindi ay kulay asul na apoy. Napaupo ako at humawak sa ulo ok. Hindi pa nga ako nakakarecover sa pagkakahagis sa akin ni Generous ngayon naman ay napakasakit ng ulo at katawan ko para akong nahulog sa mataas na lugar.  "Where are we?" tanong ko na kunwari ay ngayon lang ako nagkamalay. Mas mabuti na rin na hindi nila alam na kanina pa ako gising at nakikinig sa kanila. "You're awake. This place is called Zumecharias, this is a tribe which is considered as the main boundary of Genovia Academy and the Dark Kingdom before, as well as the mortal World." paliwanag ni lolo. Inalok niya ang kamay niya sa akin para tulunga akong tumayo. Agad ko namang kinuha iyon at agad na tumayo. Nagpagpag ako ng damit at nag-ayos ng sarili. "Zumecharias? Does it mean that this place is full of different creatures as well?" "Creatures?!" Nagulat akong ng panlisikan ako ni Generous. Ano ba sinabi ko? "I mean people with abilities and magic?" patanong kong sagot. Mayayari na talaga ako sa kanya nito. Siguro paubos na ang pasensiya niya sa amin pero kami itong paulit-ulit na nakakagawa ng pagkakamali. Tama nga siya nakakabagal na kami, dapat siguro aya umuwi na kami ni Macy. Okay lang naman kung hindi na lang namin malaman ang pinagmulan naming magkapatid kesa ganitong nasa bingit kami ng kapahamakan at nakaka-abal sa ibang tao.  "Let's go." tumalikod na siya at nagsimulang maglakad. Tinapik lang ni lolo ang balikat saka kami sumunod agad sa kanya. Natahimik lang ako habang naglalakad kami. Mas maigi na rin na 'wag na muna ako masiyado magreklamo at magcomment dahil mas lalong magagalit si Generous. Kahit gustong gusto ko nang magsalita dahil sa mga napapansin ko. Padilim ng padilim ang paligid habang lumalayo kami sa pinanggalingan namin kanina. May naririnig ding akong tulo ng tubig na nage-echo sa pandinig at ang mga hakbang namin. Limang minuto na kaming naglalakad at hanggang ngayon ay wala pa rin akong nakikitang liwanag at di ko pa nasisilayan ang labas ng lugar na ito. "Who are you?" napalunok ako ng may marinig akong boses. Hindi ko alam kung saan nanggaling dahi wala namang tao sa paligid. Hindi rin isa saamin iyon. Boses babae pero alam kong hindi si Generous iyon. Lumapit ako kay Lolo, as malapit na malapit. Baka mamaya ay bigla nalang humablot sa akin dito.  Walang sumagot sa amin at dire-diretso lang kaming naglalakad. Natisod ako sa matigas na bagay kaya napa-aray ako ng mahina pero nang lingunin ko ang dinaraanan namin ay wala namang bato o kahit anong nakabalandrang bagay.  "Hala s**t!" Usal ko ng biglang may humila sa paa ko. Napasubsob ako sa malamig na lupa at nakaladkad pa ako papunta sa pinakagilid. Parang nakatali na doon ang paa ko pero wala naman akong nakikitang nakatali sa paa ko o nakakabit sa pader na lupa. "Who are you?!" Lumakas ang tinig na nagtatanong pagkatapos ay may narinig akong mga tumatakbo. Maraming mabibilis na yabag na nasa paligid namin at pa-ikot ikot. "I need to see your leader." malumanay na sagot ni Generous. Ibang klase, nasa lugar kaming ng hindi namin nakikilalang mga tao tapos siya ay kalmado parin? Ganun ba siya kakampante na walang makakatalo sa kanya? "What do you need?" "I need to see your leader." "Tell me me what do you need and I'll spare this mortal man here." "Touch him and I'll make sure that your tribe will disappear for good." banta ni Generous. Mas nakakatakot si Generous kaysa sa mga nagsasalita dito na hindi ko naman makita. Natatandaan ko nung unang beses kaming magkaharap. Nakasuot siya ng asul na asul na mahabang damit, parang gown na iyon sa mundo namin. Nakatali ang buhok niya sa iba't ibang disenyo at may mahabang cloak siya na itin at may hood na nakapatong sa mga balikat niya. Idagdag mo pa na nakasakay siya sa kabayo at ang lahat ay yumuyuko na nalang bigla kapag dumaraan o dumarating siya siya. "No. You can't." "Yes, we can." lumapit sa pwesto ko si Generous, akala ko ay ako ang susuntukin niya kaya napailag ako pero nagulat ako nang biglang may dumaing sa may bandang likuran ko.  Nahulog pa ang durog na lupa at bumakat ang kamao niya doon tapos ay biglang may babaeng padapa na lumabas galing sa mismong pader. Nawala ang pagkakahawak ng kung ano man na iyon sa paa ko kaya nakatakbo ako sa tabi ni lolo. Maiksi ang buhok ng babae at mediyo maliit ang height niya kung ikukumpara kay Genrous. Payat din siya at maganda. Itim na itim ang buhok niya at ang ilalim ng mga mata niya. Maging ang labi niya ay kulay itim o baka lang itim yung lipstick niya. Nagsimulang maglaban ang dalawang babae. Napanganga na lang ako. Bakit ba kayang kaya nilang gawin ang mga bagay na hindi ko kaya. Nagpapalitan sila ng tuntok at sipa. Halata rin na tipid na tipid ang talon at atras nila dahil mababa lang ang kisame at makitid. Pareho silang napakabilis kumilos. Di ko alam kung twilight ba tong pinapanuod ko ngayon or Avengers. Bat ang lalakas mng mga babeng ito? Napatingin ako kay Lolo na nakangiti habang pinapanuod ang bawat kilos ni Generous. I mean lahat ng hakbang, suntok at sipa na gawin nito ay nasusundan niya. Ultimo sigurong galaw ng buhok nito ay alam niya. Tutok na tutok siya sa panunuod habang si Generous ay seryosong seryoso sa ginagawa. Hindi ko masundan ang mga kilos nila pero napapansin hindi gaanong nakakailag yung babae at mabilis makagawa ng susunod na kilos si Generous. Maya-maya ay bigla na lang tumilapon yung babae at hindi agad nakatayo. "You underestimated me. How clever?" sabi ni Generous. Mediyo madistansiya ang narating ng pagkakasipang niya iyon sa babae. Hindi siya nag-abalang lapitan iyon pero bigla nalang lumutang iyong sa era habang bahagyang nakadapa at ang alam ko na lang ay nakikitang hawak ni Generous ang leeg niya at nakaangat sa lupa ang paa. "Yun lang ba ang kaya mo?" Mayabang pang sabi nito kahit halatang pagod at nanghihina. Girls. "Hey. Hey. That's enough young lady. Don't provoke her, you might end up dead if she'll use her abilities alone." pigil ni Lolo. Hinawakan na niya sa braso ang babae ng mahigpit, ibinaba na ito ni Generous at pagkatapos ay nagpagpag niya ng mga palad. "One on one physical combat is enough for you." tinignan niya ng matalima ang babae bago tumalikod. "Give us back the girl and you need to lead the way." "Sinong babae?" "Yung kapatid ko." sabat ko na. "I'm sorry? Malay ba namin kung sino at kung kapatid mo? Hindi kayo tagarito tapos maghahanap kayo ng mga di namin kilala."  "Walk." tulak sa kanya ni Lolo. Nasa unahan na siya at nasa likod niya kaming tatalo. Lahat ng magiging posibleng kilos niya ay makikita namin agad. "You'll regret this, trespassers." bulong niya habang naglalakad. "Where did you came from? Drashiere kingdom or areseis? Mga apocalician kayo ano? Apocalician lang naman ang mahilig dumayo ng walang abiso. Tss." "Drashiere? Did you just say drashiere?" Biglang tanong ni Generous. Hindi magets yung mga salitang pinagsasabi nila basta ang hula ko ay lugar iyon. "Yes, Drashiere. The Legend, history." Yung pagkakasabi niya ay para bang nagtataka siya kung bakit hindi namin alam ang Drashiere na sinasabi niya. "They're gone." Nagkatinginan si lolo at generous nang sabay silang magsalita. "The family is gone but the place is still there and there are people living there now." Sagot nung babae. "Impossible."  Wala sa sariling bulong ni  Lolo. At kahit anong pakikinig ko ay wala akong maintindihan. Hindi ko alam kung tungkol saan ang pinag-uusapan nila, kung sino o ano. Basta ang alam ko tungkol sa isang pamilya na nawala na. Ay ewan, dadagdag pa sa iisipin ko eh wala namang kinalaman sa amin ng kapatid ko itong pinag-uusapan nila. ELIJAH'S POV Dahan dahan kaming naglalakad ni Macy para hindi makagawa ng ingay habang nakasunod kay Lolo. Nagtago kami sa likod ng mga halamang ligaw para masilip at marinig ang paguusapan nila. "Kuya, usog ka naman." Siniksik ako ng siniksik ni Macy sa gilid, ang kati-kati pa naman nitong mga dahon dito. "Huwag kang maingay." "Ayan na palapit na si lolo." Napatingin ako kay Generous na sobrang bagal maglakad. Pinantayan siya ni lolo. At mukhang ikinagulat niya iyon, bigla kasi siyang namutla at pagkatapos ay namula. "You're here." kaswal na usal ni Lolo. "Y-Yeah." di ko magets kung bakit awkward pa rin sila sa isa't isa eh kung mag-asawa naman sila. Tuloy ay mukha lang silang nagliligawan at hindi makaamin ang isa't isa sa tunay na nararamdaman. "Are you still mad at me?" nakayukong tanong ni Lolo. Hindi sumagot ang Prinsesa at napakurap nalang siya habang nakatingin kay lolo na nakayuko parin. "It's okay if you're not ready to talk about us. Take your time. I've waited and I can still wait." Tumalikod si Lolo at mukha aalis na ng biglang hawakan ni Generous ang kamay nito. Narinig kong napasinghap ang kapatid ko. Napalunok ako, this is freaking intense, awkward and unusual. Feeling ko nakikitsismis kami ng kapatid ko sa personal na issue nila. "Hey." sabi ni Generous habang hawak niya ang kamay ng asawa niya. Bigla nalang napaharap si lolo sa kanya ng may gulat sa mukha nito. Maging ang prinsesa ay mukhang nagulat ng magkatinginan silang dalawa. Bumuka ang bibig niya at magsasalita sana habang pakurap kurap ang mata niya at hindi mapakali, si lolo naman ay seryos ang tingin at mukhang nakangiti pa ang mga mata niya habang pinagmamasdan ang mukha ng kanya asawa. "I'm sorry." parang hinaplos ang puso ko ng sabihin iyon ni Generous. "I missed you." Walang pag-aalinlangan na niyakap siya agad ng lolo si Generous. Naiintindihan ko kung bakit siya humihingi ng tawad, Iniisip niya siguro na kasalanan niya kung bakit sila nagkahiwalay, mula ng mag-away sila ng kanyang kapatid noon (A/N: after magpalit ni Hera at Auna ng position) ay naging magulo na raw ang lahat at bigla na lang siyang nawala at inakala ng lahat na patay na sila. Sa pagkakatanda ko ay sa mundo namin sila namuhay noon at pa-iba-iba raw sila ng ala-ala at pagkatao. Siguro ay napakahirap nun, mahirap paniwalaan pero kung naranasan nga nila iyon at ng mga magulang niya ay sapat na para maniwala ako. Ang hindi ko lang maintiindihan ay si Lolo, hindi niya ba talaga sinubukang hanapin si Generous? Bakit hindi siya bumalik dito sa mundo nila kung naaalala naman pala niya lahat? Nakakabilib na may ganitong mga tao ganito katibay na pagmamahalan. "Now , I feel guilty. Feeling ko hindi ako mapapatawad ng Prinsesa sa mga nasabi at nagawa ko kuya." Napangiwi ako dahil sa sinabi ng kapatid ko. Napakamaldita kasi. "Ilang beses ka naman namin pinagsabihan ni lolo na itikom mo yang bibig mo, tigas ng ulo mo eh!" pinitik ko ang noo niya kaya napanguso siya habang hinahagod iyon. "Huwag ka ngumuso, ang pangit mo." "Nakakainis ka talaga! Pag bumalik ako sa dati who you ka sakin." "Magpakabait ka na para ibalik ka nila agad sa dati." Saka ako ngumisi. Sumimangot naman siya bigla. Napatingin ulit kami sa dalawa ng biglang lumakas ang iyak ng prinsesa. Yakap yakap lang siya ni Lolo. I have never seen her in a situation like this. She's crying like a baby. "I'm so sorry for not finding you sooner. I'm sorry never tried to wonder where are you. I'm so sorry for letting you live alone and lonely. I'm sorry, Mister." she said while crying. I don't why but I can feel how sad they were. Both of them are longing for each other's embrace and presence. Both of them had gone through so much loneliness and sadness. Words can't explain how they are hurting right now. If you could see them aside from us, you can tell their story without hearing it from them. Malalaman mo na matagal silang nagkahiwalay at malalaman mo agad kung gaano nila kamiss ang isa't isa. Nakakabilib lang may mga tao palang kahit ilang libong taon nang magkasama at nasa relasyon ay hindi naghihiwalay at hindi nawawalan ng pagtingin sa isa't isa. Hindi ko tuloy alam kung maiingit ba ako o ano. Never ko pa naranasan magmahal ng ganyan katindi. "No. I'm the who should be saying all of that. I remember everything but I had never thought of you being alive or how to go back there and look for you. I had thought that you might be living far far away." nakita kong nagpunas ng pisngi si Lolo gamit ang likod ng palad niya at pagkatapos ay isiniksik niya ang mukha niya sa pagitan ng leeg at balikat ni Generous. Parang hinaplos ang puso ko. "Do you......" napatigil sandali si Generous. Humiwalay siya sa pagkakayakap at tinignan ng diretso sa mata si Lolo bago nagpatuloy. "Do you still love me?" Hinawakan ni Lolo ang magkabila niyang kamay at hinalikan ito parehas. Marahan siyang lumuhod at tumingin sa prinsesa. "Gen, I had never though that a person's heart can love more than a normal lifespan. I don't believe that a person can love a dead person not until I experienced it, I had thought that you're gone but still my love for you  remained breathing." napatakip ng bibig si Generous, pati kapatid naging emoyinal. Di ko naman maitatanggi na parang kinukurot ang puso pero pinipigilan kong maging emotional. "Can you imagine, I have died everyday waiting for you but I know this day will come so I hold onto it. Missis, don't be afraid because I have loved you for a thousand years and I'll love you for a thousand more." napatawa at iyak si Generous habang sunod sunod na nagpupunas ng luha. Sinusuntok suntok niya ang balikat ni Lolo, iiyak habang tumatawa. Natatawa rin ako, sobrang cheesy ng matandang to, parang hindi si lolo. Pft! Pero it's still amazing! "I'm just asking if you still love me and after that we'll move forward." "Does it answer your question?" nakangiting tanong ni lolo. Napatango ng sunod sunod si Generous habang nakangiti. "That's my answer along with my explanation." "I love you too." "Halika na, Macy." Sabi ko sa kapatid ko. Hinila ko siya habang tinatakpan ko ang mata niya bago niya pa makitang naghahalikan yung dalawang matanda. "Kuya! Ano ba! Wala akong makita." Napangiwi ako ng dahil sa biglang pagtaas ng matinis niyang boses. Dapat pala bibig niya ang tinakpan ko. "What are you doing here?" Nagulat ako ng biglang mapunta sa harapan namin si Lolo. Masama ang tingin niya sa amin. Why?Napahinto kami ni Macy at parehas na napatalon sa gulat. Ang bilis niya, nasa sampung metro ang layo nila kanina ah. Napaatras ako dahil sa kaba. "Mister." Tawag ni Generous mula sa likuran ko. Nasa likuran ko na siya. Nakangiti na siya! Nakangiti ang masungit na Prinsesa. "I don't think they're watching us." Sabi ni Generous, lalo akong napahugot ng hininga. Nakakatakot na si Lolo, mukhang papatol na siya anumang oras sa katigasan ng ulo namin ni Macy. "Right, Elijah?" "H-huh?" Pinanlisikan ako ng Mata ni Generous na parang sinasabi niya um-oo ako dahil mamamatay ako sa kamay ng lolo ko. "O-opo, Lo. Napadaan lang kami ni Kuya. Hehe." "Oo nga, Oo Lo. N-nakita namin kayo na......." Tumalim lalo ang kanyang mga mata. Jusko po, uuwi na ko. Nagulat ako ng biglang kumidlat sa di kalayuan mula sa kinatatayuan namin. Napatili si Macy at napakapit kay Lolo, tinignan ni lolo ng masama ang kamay niya kaya napakapit siya sa akin. "You saw what?" ".......na nag-uusap po L-lo." sabi ko habang napapalunok at alanganin na napangiti. "Come on, the sun is almost up." Hinila na siya ni Generous kaya naman ay sumunod na kami. Nagkayinginan kami ng kapatid ko at sabay na napahinga ng maluwag. HERONUI'S POV Kinabukasan, sinabihan ako ni Mom na samahan ko siyang sabihin kay Dad ang offer ni Queen South. Kaya heto at kakapasok lang namin ni Mom sa opisina ni Dad pero wala namang tao. Wala si Dad at wala si Uncle. "Son, do you know where they went?" Biglang tanong sakin ni Mom. I shrugged my shoulders. "I don't know, Mom, Ginising mo ako ng ganito kaaga. Diko alam kung nasaan siya." Antok na antok kong sagot. Napahawak si Mom sa sentido niya at saka inis na inis na aupo sa upuan ni Dad. May magkahiwalay na opisina sina Mom and Dad since may mga Sarili silang agenda at hindi may kanya-kaniyang tungkulin sila. Si Dad ay namamahla sa Military, Castle Guards at lahat ng batas sa Palasyo, I'm his second in command. Si Mom naman ay Household, tulad ng mgaess tagasilbing babae at eunuch. Nasa pamamahala naman ni Mom ang Genovia academy kaya si en naman ang madalas na nasa Academy dahil siya ang second in command. Bukod sa mga iyon ay may annual visit din si Mom at Dad sa iba't ibang kaharian at mudo para tignan ang pamamalakad doon ng mga royalty. When it comes to the selection of Queens, Mom is the adviser and she's one who needs to approve the appointment on the throne or the coronation. The new King will be decided by the highest Royalty and that is my Dad, Aither's King. He needs to conduct a council meeting and needs to appoint the new king. This two are the ones who can decide whether a royalty will step up or step down from they're position, and those decision should be obeyed. Whoever disobeys will be punished accordingly. When it comes on Prince and Princesses, I and Generous will be their mentors when it comes to duties and responsibilities before being crowned as queen and Kings, We'll decide if they are ready or not. So you see, Living in this world as immortal or undying people is really a burden, we'll repeat the same process every time that the dynasty of every kingdom will change. "Let's go. We'll have breakfast first, your father might be there already." Napatayo ako ng tumayo na rin si Mom. Napakamot nalang ako sa batok at saka tamad na tamad na sumunod sa kanya. Hindi pa nga ako naliligo eh! "Mom, bakit di mo pa kasi sinabi kagabi bago matulog?" maktol ko. Magkasama sla when I woke up. magdamag sa iisang kwarto hindi man lang nasabi ng nanay ko. "You know what, son? I had thought of that last night. But your father went to bed so late. Nakatulog na ko bago pa siya tumabi sa'kin, nagising lang ako sandali nung nahiga siya." paliwanag ng nanay ko. "Pagkagising?" Sabi ko ulit. "He's gone when I woke up." napahilamos ako ng mukha. Ano bang pinagkakabalahan ni Dad at ganun siya natulog at maagang gumising?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD