Tahimik na binagtas nina Candice at Sebastian ang mataas na hagdanan patungo sa second floor. Sa dinami-rami ng kwarto sa ibaba, dito pa talaga sa itaas napili ni Sebastian na bigyan siya ng silid. Maraming gustong linawin si Candice sa lalaki tungkol sa mga sinabi nito kanina, ngunit alam niyang hindi ito ang tamang oras para itanong ang mga bagay na iyon dito. Hindi muna nila isinama si Bella sa kwarto nito, dahil alam nilang gusto pa itong makasama ni Donya Consuelo. Sebastian knew, they longed for each other at pagkakataon na rin ito para masanay si Bella sa ibang tao sa paligid nito. Nang marating nila ang landing ng hagdanan sa second floor, halos malula si Candice sa bilang ng kwartong naroroon. Kung hindi siya nagkakamali, higit pa sa sampu ang silid doon na nakapaikot. Sa

