Kinabukasan okay okay na sila Manang. Umakyat ako para icheck ang kids. Una ko nicheck si Abby..
Kumatok muna ko bago pumasok..
"Hi baby how are you?
"Im feeling better na Tita. Thank you for taking care of me..
"Your welcome baby.. So you feeling better na you can eat na sa baba?
"Yes Tita okay brush your teeth muna then go down kana para eat na tayo ng breakfast i cook and its masarap..
"Wow tita sige po bibilisan ko napo para i can go na..
"Okay ill call muna ate and Kuya..
Palabas ko kumatok ako sa room ni Nika.
"Nika? You awake na ate?
"Yes Tita come in..
"How are you?
"Im good na Tita. Okay baba kana breakfast is ready...
"Ok po thank you Tita..
"I call lang si Lukas..
"Ok po..
Kinatok ko si Lukas at nagopen agad sya ng pinto.
"Good morning Kuya. Kamusta ka?
"Okay napo ako Tita..May breakfast napo ba?
"Yes kaya kita kinatok para sabihin baba kana mageat na tayo breakfast..
"Ikaw nagluto tita..
"Yes kaya baba na..
"Okay po susunod na ako.. thank you Tita...
"Sige silipin ko lang Daddy nyo...
Pumunta nako sa pinto ni Sir.. Kumatok muna ko gulat ko bigla ako pinagbuksan..
"Hmm aga mo nagising? Okay na ikaw?At nakaligo kana din?
"Yes i think okay nako..
"Can i check your temp first?
"Kulit pero sige...
"Hmm may sinasabi ikaw?
"Wala po Mam..
"Kala ko meron e..Pahipo ng noo..
Hmm di ka na nga mainit.Pero di ka pa din puwede mag work today okay?Rest ka pa din muna..
"Pero puwede na po ba akong bumaba.
"Yes kaya din ako andito.. tatawagin kita breakfast is ready. Ako nagluto.
"Okay po bababa na po.." natatawa nya pang sabi.
"Anong nakakatawa?
"Wala?
"Ano sabi?
"Wala nga?
"Hmmp?
"Fine nakakatawa ka lang kasi..
"Bakit nga?
"Wala ang cute mo..
"Excuse me... Maganda ako hindi cute...
"Sabi ko nga maganda ka hindi cute..
"Ewan ko sayo baba na kakain na tayo..
"Ok po Mommy bababa na..
"Ginawa mo pa kong Nanay mo..
"Cause your acting like my mom..
"Hmmp.. anyway aalis pala ako ahh.
"San ka punta?
"Sama ka?
"Puwede?
"Hindi dito ka lang..
"Tamo to labo. San ka nga punta?
"Sa grocery..
"May bibilhin lang ako..
"Okay balik ka agad ahh.
"Bakit mamimiss moko?
"Oo..
"Hmmp ewan ko sayo gutom kana kaya kumain kana..
"Kumuha ka nalang sa wallet ko ng pera..
"Okay na.
"Tara kain na tayo..
Pagbaba namin nandon na ang kids..
"Hi Daddy ok kana po?
"Yes kayo kamusta?
"Magaling napo ako wala na ako fever.Tita Mia took care of me po.." -Abby..
"Ako din Daddy di na masakit ulo ko. Thanks Tita -Lukas
"Me also wala na lagnat. And feelin better na. Si Tita Mia made sure na nakakain at nakakainom kami gamot on time.. Thank you so much Tita..- Nika
"Kami din Sir inasikaso ni Mia..
Nakakahiya nga po kasi pinagdadalhan nya pa kami ng pagkain sa kuwarto at pinapainom ng gamot kahit madaling araw nakatok talaga sa kuwarto namin.
Tas sya lahat nagasikaso sa bahay.
Salamat Mia ahh..
"Okay lang yun masaya ako okay na kayo.. Dahil jan mamaya magluluto ako bago ako uuwe...
"Ay uuwe ka napo Tita?- Abby
"Can you stay muna Tita?- Nika
"Kaya nga po Tita. - Lukas..
"Babalik na lang ako. Wala na kasi akong damit. Promise ill visit soon.." sagot ko naman sa kanila.
"Promise yan Tita huh..
"Yup kaya kumain na tayo..
After breakfast naligo nako para magready pupunta muna ako sa grocery. Dahil magaling na sila pagluluto ko sila Lasagna, burger and chix.
After ko mag grocery nagprepare nako para sa lulutuin ko para sakto lunch time makakain na kami.

Food is ready..



Pinatawag ko na sila Sir kay Bel para bumaba na para sa Lunch..
Ni prepare ko na ang table..
Sana magustuhan nila ang niluto ko..
"Wow Tita ikaw po nagluto nito lahat?- Lukas
"Yes kaya gusto kakain kayo ng madami.." sagot ko sa kanya.
"Looks yummy Tita Mia..-Abby
"Yup kaya eat kana..-sagot ko kay Abby..
"Grabe Tita naluto mo to habang nasa taas kami? Parang galing sa Resto yun Food..-Nika
"Thanks Niks kain kana.." ngiting sagot ko sa kanya.
Tinignan ko si Sir na nakangiti lang sa akin..
"Ikaw kumain kana din..."
"Sabi ko nga kakain na ko.."
"Tita ang sarap ng burger..
Mas masarap pa to sa mga nakain ko burger sa Resto..- Lukas
"New fave ko n to Tita Lasagna burger at chix ni Tita Mia. -Nika
"Ako din like ko po yun Burger at chix and also the pasta. - Abby
"Thanks nagustuhan nyo.." nakangiti kong sagot sa mga bata.
"Pati kami Mia nagustuhan namin ang sarap ng luto mo..Ang sarap mo magluto Day puwede kana mag asawa..." biro ni Dori
"Hahaha salamat. Kain lang kayo ng kain madami pa dito..
Halos maubos yun niluto ko nakakatuwa.
"Grabe busog na busog ako pero gusto ko pa kumain.. Ang sarap Tita..
Bukas po ulit ah.. " -Lukas
"Ill visit soon pagluluto ko ulit kayo..
"Promise yan ahh."
"Promise...
After lunch pinainom ko sila gamot maya maya lang uuwe nako.. Nasa opisina si Sir.
"Sir, aalis nako ahh..Magaling naman na po kayo lahat.
"Thank you Mia sobra..
Salamat sa pagaalaga at sa masarap na pagkain..Grabe binusog mo kami sobra.I owe you one. Just lemme know pano ko makakabawi..
"No problem happy to help..Wala yun..
Pano magpapaalam na ko sa kids.
" Sige samahan na kita nasa taas sila nanonood ng tv..
"Guys magpapaalam na si Tita Mia nyo..
"Tita ingat ka po and thank you so much. Pls balik ka po agad and dalaw ka po lagi..
"Yes pag di busy..
" Okay po ingat..
Bumaba nako at nagpaalam naman kila Manang.
"Manang aalis napo ako.Bel Dori
Aalis nako. Kayo na bahala sa kids..
"Maraming salamat Hija ah. Magiingat ka. At dalawin mo kami ulit..
"Opo Manang pag di busy.
"Promise mo yan Day tas pagluto mo ulit kami..
"Sige sige. Alis nako bye.
Pag labas ko nakaabang na si Sir sa akin..
"Ako na magdala."
"Sure ka baka mabinat ka mabigat yan ako na kaya ko"
"Ako na...
"Okay.. nga pala may iniwan ako sa room mo vitamins ahh dont forget. Kahit yun mga kids ibinilin ko kay Manang.. Pahinga ka muna para makapasok ka na sa Monday..
"Yes boss magingat ka. Salamat. Pls text me pag nakauwe kana.
" I will bye...
Nagulat ako ng niyakap nya ako at hinalikan sa pisngi.. "Thank you...
Ngiti lang ang sinagot ko..
After 1 hr na biyahe dahil di traffic nakauwe na ako.
Tnxt ko si Sir.
"Im home.
"Rest kana.
"K.
Pagpasok ko sa bahay. Ibinilin ko kay Rose yun maleta ko sa car. Parang bigla akong napagod sumakit ang ulo ko kaya sabi ko kay Lolo matutulog muna ako..
Kaso nun kinagabihan nun kinatok ako ni Rose inaapoy ako ng lagnat..
"Ate may sakit ka po. Ang taas po ng lagnat nyo..
"Rose pls wag nyo papasukin si Lolo dito ayoko mahawa sya..If dadalhan nyo ko ng pagkain iwan nyo nlan sa may pinto just knock ako na kukuha.
Para wala na iba mahawa. Baka kasi pati si Lolo magkasakit.
"Nako Mam baka di pumayag Lolo nyo.
"Im fine.. basta katok lang kayo para sa gamot ko at food.. ill txt or call you nalang pag may kailangan ako.
Labas kana baka mahawa kapa.
Dumaan ang Sat at Sunday nagkukulong lang ako sa loob ng kuwarto hinahatiran lang ako ng pagkain. Nilock ko talaga ang pinto para wala makapasok iniingatan ko wag mahawa si Lolo..
Sunday before Lunch bumaba kahit papano lagnat ko. Kaya naligo nako para kako marefresh baka maging okay na..Kaso after ko maligo nun magsusuot nako ng panty nahilo ako. Pinilit ko suotin ang panty ko. Tas humiga nako at nagkumot ang sakit sakit na naman ng ulo ko. Kelangan ko na naman tong itulog..
Dahil sa sama ng pakiramdam ko di ko na naicharge ang cp ko kaya mag3days na lowbat..
Nagising ako kasi may nagbibihis sa akin..Diko alam if nanaginip bako. Pero bakit andito to? At binibihisan ako...
"Kamusta kana? Hinipo nya ang noo ko naramdaman nya mataas pa ang lagnat ko..
Kaya sabi ko giniginaw ako sobra pinagalitan nya ko kasi bakit daw ako nakahubad talaga daw giginawin ako.. kaya binihisan nya ko. Sinabihan ko sya nahihilo ako kaya diko na kayang magbihis at nahiga na lang kaya nadatnan nya ko ganun.May dala sya pagkain at gamot inalok nya ko kumain kaso mas gusto ko matulog.
Napansin nya siguro giniginaw ako sobra kaya sabi nya yayakapin nya daw ako umoo nlan ako at humiga na. Sumiksik ako sa kanya i feel safe kaya nakatulog ako..
Nagising ako nagulat ako may katabi nako akala ko nanaginip lang ako. Totoo pala yun nangyare kanina..
Tumayo muna ko at kinain yun pagkain nasa tray at uminom ng gamot nagbihis na din ako paglabas ko ng restroom gisimg na din sya..
"Okay kana?
"Yup okay nako nakakain nako at nakainom ng gamot? Salamat ah.." hinawakan nya pako para icheck if mainit ba ako.
"Bakit dimo sinabi may sakit ka?
Bumaba na lagnat mo wag ka muna pumasok magpahinga ka nlang muna kahit 1wk ako na magfifile ng leave mo"
"Sige salamat sensya na sa abala.
" Di ka abala nun kami may sakit inalagaan mo din kami.
Uuwe na ko magtxt nlan ako sau para kamustahin ka..
After 2 days magaling nako kaya bukas balak ko pumasok na..
Pagpasok ko sa opisina wala pa si Sir si Leah pa lang ang andon..
" Hi Leah good morning..
"Good morning bakit andito ka akala ko may sakit ka?
"Okay nako Leah..
"Sure ka ahh sabi kasi ni Sir 1wk ka magleleave..
" Okay nako saka tambak na ang trabaho..
"Sya sige pasok ka dun..
"Sige...
After 10mimutes dumating na din si Sir..
"Bakit andito ka?
"Hi Good Morning Sir?
Okay napo ako kaya pumasok na ako..
"Are you sure?" Lumapit pa sya sa akin at hinawakan ang noo at leeg ko.
"Ok na?"
"Tsk kulit talaga sinabi na magpahinga muna..
"Im okay na wag kana mainis jan.. Sige ka tatanda ka lalo..
"At nakuha pang mang inis. Apakabait po talaga
Tumawa na lang ako at nagpeace sign..Umupo na sya sa table nya..
"Sir I already email you all the plates and 3d design model na pending ko..
"Yup im checking it now. Pano mo natapos to e may sakit ka?
"Ginawa ko yan nun andon ako sa bahay nyo.
"Naisinggit mo pa yun?
"Yup di ako makatulog e..
"Bilib talaga ko sayo..
"Ako lang to Sir.. Maliit na bagay...
Natawa naman sya..
"Okay nato makipag coordinate ka kay Camero at Diaz if puwede nila hawakan tong project na to..
"Sige po i will email them..
"Yung sa Tagaytay tatapusin ko pa pero gusto mo ba makita yun natapos ko na?
"Yes pls..
"Okay. "
Lumapit ako sa kanya dala ang ipad ko inayos nya muna ang table nya to make space. Nakatayo ako sa tabi habang nichecheck nya sa Ipad yun design ng bigla syang tumayo at hinawakan pako sa balikat. "Excuse" inilapit nya yun upuan ko..
"Sit"
"Thank you..
Umupo na ulit sya at nicheck yun ginawa kong design.
Bale yan yun propose design ko pero pag may gusto ka ipa bago just lemme know..
"Yan yun veranda maganda naisip ko
Hammock at swing ang ilagay.
Puwede din tayo maglagay ng sofa jan like this


The yun concept naman ng bahay mo is open space diba..So eto yun naisip ko


"Mas gusto ko tong 1st tas maglagay ka ng chandelier.. I like the big sofa and the arrangement...
"Okay if iyan ang gusto mo bagay to sa kitchen something like this

"Yah love that..Palitan nalan natin ng mas maganda chandelier..
"Okay Noted..
"Ngayon yun sa rooms ikaw diko pa natatanong yun sa kids kasi natanong ko na..Bale yun ang mga rooms ang ginagawa ko ngayun.For master bedroom ano gusto mo..
"Hmmm ikaw?
"Ako?
"I mean kung ikaw ang titira ano design ang gusto mo..
"So ako na bahala..
"Yup..
"Okay sige.
" So may walkin closet ka diba? Mamili ka dito..



"Magaganda lahat but i like the last one.
"Okay..
" Sa restroom mo sa master bedroom ano gusto mo may bathtub dun right?
"Yup..



"Pili ka dito..then from there magiisip ako para sa master bedroom
"Ang gaganda lahat ahh..what you think?
"Ikaw na mamili..Ano nagustuhan mo..
"Basta ibagay mo nlan sa gagawin mong Master bedroom kung anong tingin mong maganda..
"Sure ka?
"Yup.
"Okay sige..
Sa pool area mo ba nagpalagay ka ng Bar?
"I think yes okay sige pagbalik ko isipin ko anong maganda gawin.Update n lang ulit kita pag natapos ko yun mga rooms.
"Okay sige. Nga pala may kasalanan ka sa akin?
"Hmmm ako? Huh? Ano naman? Wala naman ako naisip na ginawang masama
"Hmm sure ka?
"Yeah ang bait ko kaya..
"Sobra nga ehh nasobrahan sa bait...
"So ano nga yun.
"Remember sabi ko sayo kumuha ka ng pera sa wallet ko para sa food at gamot?
"Hmmm yah.. " pang dedeadma ko parang alam ko na ang sasabihin nya..
"Now alam mo na.. Bakit yun sa doctor's fee lang ang nabawas dun?
San ka kumuha ng pangbili ng gamot at grocery..Saka diba sabi ko sayo magorder ka nalang ng food nalaman ko kay Manang na ikaw pala nagluto since day 1.E di pa daw sila nakakapag grocery nun kaya halos walang laman yun ref sinabi din nya na naggrocery kapa ng extra.
Nakangiti lang ako sa kanya..
"Wag moko ngitian Mia Serene..
Magkano utang ko?
"Ok na yun. Wag mo na isipin. Maliiit na bagay..
"No 4days mo kami pinagluto.
" Just say Thank you...
"Thank you..
"Your Welcome" sabay ngiti ko sa kanya..
"Ang bait talaga...
"Thank you...
"At talaga naman...
"Shhhh!!" Nilagay ko ang hintuturo ko sa labi nya to stop him from talking..
"Enough na okay na...
Quits na tayo nagdala ka din food sa bahay. Inalagaan mo din ako. And thank you for that. And im sorry also nakakahiya yun dinatnan mo..Pls forget about it huh?
Napatingin sya sa akin at napangiti....
"Oppps shh wala kang sasabihin!!!. Forget about it.
"Okay okay wala nako sinabi.." taas kamay nya pa sabi..
"Hmmmp nakakahiya!!! " takip muka ko naman sabi. Pero natatawa na lang ako..
Nagulat ako dahil niyakap nya ko...
"Dont be. Your beautiful Mia inside and out...
" Pls promise me dont tell it to anyone...
"Ok ill promise ..
"Ok sige okay na...
"Anyway, kinakamusta ka nila Manang at namimiss ka na ng mga bata...Told them nagkasakit ka din.. And nagwoworry sila sayo..
"Awwww tell them thank you but magaling nako...
"Okay but they want to invite you pag free ka...
"Sige pag maluwag schedule natin..Sige babalik nako sa trabaho..
"Okay..
Buong umaga kaming nasa office nagtatapos ng plates at 3d model.. Malapit na maglunch nagiisip ako san ako kakain..Ng biglang magsalita si Sir..
"Mia?
Napatingin tuloy ako sa kanya.
"Yes?
"Magoorder ako lunch. Ano gusto mo?
"Nababasa mo naiisip ko? " nagtatakang tanong ko..
"Huh?
"Nagiisip ako kasi san ako maglulunch bigla ka naman nagtanong...
"So anong gusto mo?
"San ba masarap?
"Ikaw?
"Huh? Ako?
" I mean ano gusto mo pasta bread noodles or rice?
"Parang masarap mag ramen?
Bet mo?San ba may ramen sa malapit?
"Hmm puwede. Tara mag dine in na lang tayo..
"Oi wala pa lunch time 30mins pa..Excited?
"Gutom nako saka para di tayo sasabay mamaya sa bugso ng tao..
"Ok ok tara na." Kinuha ko na bag ko at susi..
Paglabas namin nagtataka si Leah..
"Ah Lea mag site inspection kami. Baka mga 3pm na kami makabalik..
"Ok sige po...
"Puwede kana din maglunch..
"Okay po ty...
(LEAH POV:
"San kaya pupunta yun dalawa yun? Wala naman sila schedule na site inspection.. hmmm...)
Pagpasok namin sa elevator tinanong ko sya.
"San site tayo pupunta?
"Wala sinabi ko lang yun kay Leah kasi magtataka yun ang aga natin maglunch...
"Maloko ka talaga.
Natawa lang sya...
"So kaninong car gamitin natin? -Richard
"Hmm pde convoy nlang. -Mia
"Wag na sayang gas sakin ka nalang sumakay." -Richard
"Okay.Ikaw magddrive? "-Mia
"Yup..
"Okay good..
Pagkasakay namin sa car nya..Tinanong nya ko..
"Di ka ba nahihirapan sa biyahe mo. Anlayo din Antipolo to BGC..
"Nahihirapan kasi lagi nako late nakakauwe.Mas napapagod ako sa biyahe kesa sa work...Pero naghahanap nako malilipatan near sa office..
"Apartment,bahay o condo?
"Baka condo nalang kasi ako lang naman magisa.. As much as posible gusto ko walkin distance lan sa office...
"Sabagay madami for rent dito sa BGC.
"Yeah.." sagot ko
"Nagcheck kana ba sa buy and sell madami nagpopost nun sa FB...
"Hindi pa.. Di kasi ako masyado sa social media. Speaking of buti pinaalala mo maicheck nga sss ko...
"E diba lagi mo kachat at ka videocall friends mo?
"Yup pero sa facetime at w******p or viber. Why ikaw mahilig ka mag sss?
"Ahhh kaya pala..
"Kaya pala ano Sir?
" Sent you a friend request 2week ago pero till now di mo pa inaaccept.Followed you sa IG but di mo pa din inaaaccept...
"Your stalking me?
"No...Grabe sya.
"Biro lang hurt agad?
"Accept mo na kasi.
"Hmmm saka na...." pang iinis ko sa kanya
"Bakit ayaw moko accept sa sss at Ig mo?
"Wala lang..Wait magopen nga ako fb..
"As in di ka pa nagoopen.
Pinakita ko sa kanya Phone ko naka logout yun yun IG at sss.
"Look now ko lang ilologin. 3mons ko na ata to ndi naoopen or 6mons..
"Really?
"Yah. Bakit parang amaze na amaze ka?
"Kasi Mia ikaw lang ata un babaeng nakilala ko na hindi nag FFB at IG..
"Huh? Bakit di ba normal yun?? Im busy you know?
"Yah right pansin ko nga..Kasi yun mga kakilala ko kahit mga ka age ko huh active sa Socmed lahat ipinopost.
"Hmm private person lang siguro ako..Saka diko lang siguro nakasanayan. Pero yun mga friends ko yun active mga yun. Minsan nga napapagalitan pa nila ako kasi di daw ako updated.
"Updated?
"Kasi diba kunwari may mga kakilala kami then may ipopost sa sss new bf engagement new house or travel ako na walang alam.. Or pag nagsleepover kami magbabarkada madami kami pic together tas iuupload nila.Izzie one of my closest friend mahilig sya mag picture as in alam mo yun pati food namin need nya muna picturan bago kami makakain tas kami nagrereklamo kasi alam mo yon gutom kana pero dimo pa puwede galawin un food kasi may photoshot pa... Need nya daw yun pang Myday..Niloloko nga sya ni Beau sinasabihan sya ano ka celebrity?
"Seee that's what i mean.. Girl's love posting sa social media..
"Well not me..
"Yah now i know. Nalogin mo na sss mo?
"Hahaha now pa lang..
"Accept moko magtatampo ako sayo...
"Stalk ko muna sss mo Sir nacurious ako if naguupload kaba..
Pag login ko sa sss sunod sunod ang Notif . Walang tigil yun cp ko kakatunog.99+ friend request 99+ message hala sya ganon ba ko katagal bago nagFb?
"Andami mo notif grabe..."-Richard
"Wait hanapin ko Friend request mo..
Nakarating na kami sa Japanese resto.
("Good afternoon Mam Sir..table for 2?
"Yes ...
"This way po Sir..)
"Let's go.."yaya nya sa akin sabay hawak sa likod ko niguide ako sa pagupo busy ako sa cellphone.. "Tabi na lang tayo okay lang..
"Sige"
" Here's the Menu po Sir."
"Mia ano gusto mo?
"Ikaw na bahala basta i want Ramen." Busy ako magcheck ng sss.
"Ok..sige."
"1 Miso Ramen
1 order of tempura
1 order of Chef's sushi
1 wagyu udon
1 order of takoyaki
That's all thank you..
"Ok po Sir. Ano pong drinks nyo?
"Mia ano drinks gusto mo?
"Hmm iced tea pero paserve din ng water..
"Okay 2 iced tea and 2 water pls..
" Okay po...ty..
"Okay napo sayo yun order ko or may gusto kapa..
At dahil busy ako sa pagbbrowse sa sss nacurious sya. Lumapit sya ng upo sa akin at nakisilip sa cellphone ko..Napalingon tuloy ako sa kanya diko napansin ang lapit na pala ng muka nya sa akin naconcious tuloy ako bigla..
"Hmm ano yan ginagawa mo kanina kapa nakatutok jan sa cellphone mo?" tanong nya sa akin..
"Wala naman niccheck ko lang wall mo?
"Iniaccept mo na ko??
"Yah..Grabe now ko lang nakita iniadd din pala ako nila Leah at mga kasamahan natin Engineer hala baka isipin nila snob ako.
"Inaccept mo?
"Hindi pa..
"Iaaccept mo?
"Pinagiisipan ko pa.hahaha yeah why not. Wala man sila makikita sa sss ko e.
"So bakit nangingiti ka jan?
"Wala naman niccheck ko kasi yun mga picture nyo ng mga bata. Nakakatuwa ang cucute nila..
Nakita ko sya tumingin sa akin at nakangiti lang...
"Hmm ill check din my sss check ko wall mo...
Nakita ko syang kinuha ang cp nya kaya napatigil tuloy ako sa pagbbrowse at nakisilip din sa cellphone nya..
"Hmm puro tagged post.Wala ka masyado post
Eto mga friends mo?
"Yup this Gray Beau Liza Thea And Izzie..
"San to?
"Sa bahay before ako umuwe sa Pinas yan yun huli namin sleepover...
"Close talaga kayo nun Gray noh?." Sabay lingon nya sa akin e ang lapit ko sa kanya kaya halos magkadikit na ang muka namin.
"Ahh diba sabi ko sayo sa kanila ni Beau mas close ako sa kanya at kay Liza...
Tumango tango sya.. "Hmm if di kita kilala then nakita ko pic na to sasabihin kong may something sa inyo ni Gray..
"Huh parang di naman. Pano mo nasabi...
"Sa mga pic nyo sa sleepover. It's either nakayakap sya nakaakbay sya sayo nakahawak sya sa hita mo or magkatabi kayo.. kahit nun natulog kayo o kayo pa din magkatabi...
"Hmm normal na sa amin yan..
"Hmmm thats not normal if friends lang kayo. That's what normal couple do..
"Hmm issue ka Sir..
"Sabagay sa US nga pala kayo lumaki iba nga pala culture don..
"Wala naman ako nakikita masama.
Siguro sanay nako na ganyan kami ni Gray..
" Si Beau ganyan din sayo?
"Not that kind of clingy mas close sila ni Izzie kahit lagi sila nagaaway. Pero kami kasi ni Gray normal na sa amin yan...Alam mo ba kaya sya ganyan ka clingy sa akin nun sleepover?
"Why?
"Kinausap nya ko if puwede daw wag nako tumuloy umuwe sa Pinas. Told him im feel alone im sad kaya gusto ko umuwe yah alam ko anjan sila lagi for me which is totoo naman talaga at thankful ako sa kanila .Actually he offer na lumipat na lang ako sa condo nya dun daw muna ako magstay..Pero sabi ko i need to this para makapag moveon sa pagkawala ng parents ko. Kaya lang sya pumayag..Niloloko pa nga sya ni Izzie na ano daw gusto palabasin ni Gray ibabahay nako.
Pero kasi sanay nako mula nun namatay si Daddy lagi ako nagsleepover sa knila minsan 1week ako nakikitulog sa condo ni Gray or ni liza minsan kila thea at izzie.
Kay beau minsan pero madalas kasama ko sila lahat..
"Ayaw ka nya malayo. Type kapa nito..
"Told you nagusap na kami. Saka may gf na sya ngayon and im happy for him..
"Di ka nagseselos?
"Huh bakit naman ako magseselos?
"Buti naman..
"Anong buti naman?
"Wala...
Dumating na yun waiter at niserve na ang food..
"Hala bakit andami nito?
Madami ikaw Gutom?
"Tayong dalawa.. " pagcocorect nya pa."lets eat na..
"Sabi ko nga gutom ako..tara na kain na.."
"Try this" sabay subo nya sa akin ng tempura..Nagulat man ako pero inaaccept ko nlang infairness masarap..
"Hmm masarap ah...
"Right? Ano gusto mo dito sa sushi? You want this?" tanong nya sa akin..
"Yap that one but i dont like wasabi ah..
"Okay. Here..." sabay subo nya ulit sa akin. Nagtataka man ako pero sige kain lang gutom ako e.
Kumuha ako ng takoyaki at tinikman masarap din..
"Gusto mo? Alok ko sa kanya..
"Yap lemme try.." ending para kaming mag jowa ngsusubuan...natatawa na lang ako..
"What bakit ka natatawa?" tanong nya sa akin
"Wala lang kasi andami mo inorder pero ending malapit na natin maubos look..
"Sabi ko sayo gutom tayo pareho..." sagot naman nya sa akin..
" Obvious nga..kakainis ka?
"Bakit ano na naman ginawa ko?
"Pinapataba mo ba ako?
Grabe halos ipaubos mo sa akin un sushi at tempura tas naubos ko din yun ramen.
"Why not ampayat mo kaya..
"Hmm actually nag gain nga ko ng weight mula nun umuwe ako ng Pinas.. Paano si Lolo panay paluto kila Manang lalo na pag weekend...
"Okay lang yun di naman halata. Dont worrry sexy ka pa din..
"Binola mo pa ko... Grabe busog na busog ako inaantok tuloy ako...
"Hahaha me too gusto mo maglakad lakad muna tayo sa Uptown then magkape?
"Yea need to burn all the calories..
"Waiter bill out...
Kinuha ko wallet ko sa bag at kukuha sana ng perang pambayad..Bigla nya ko hinawakan sa hita.
"Stop my threat..
"No magshare ako..
"Kulit..
"Okay okay thank you.. but mamaya ako na sa kape..
Di sya sumagot at umiling lang. Nagpaalam muna ko magrestroom nagretouch muna ko at nagtoothbrush..
Paglabas ko nakabayad na sya..
"Let' s go?
"Sure ka mag mall tayo?"tanong ko sa kanya..
"Yah why?
"Office hour napo kasi Sir..
"So?
"Okay sabi ko nga ikaw yun boss...
Pagkapasok namin sa mall naglibot libot muna kami sa mall..
"May gusto kang bilhin?
"Hmmm nagiisip ako kung maggrocery bako or sa weekend nalang..
"Its okay with me.. samahan na kita grocery tayo?
"Sure ka? Konti lang naman bibilhin ko..
"Yup. Tara..
Habang naglalakad kami papunta sa Grocery bigla sya nagtanong..
"Mahilig ka mag mall?
"Sa US yes.. but mula nun umuwe ako dito siguro 3x pa lang ako nakapunta sa Mall. Then yun pa yun nasa bahay nyo ako at un isa nun kasama ko si Manny yun katiwala ni Lolo magdrive sa amin.
"Bakit naman di ka nakakapag mall dito?
"Wala naman. Saka wala naman ako kasama.. Sa Bahay kasi sila Manang na ang namimili sabi ni Lolo if i need anything sabihin ko na lang kay Manang bihira naman ako magpabili.Then before ako umuwe dito nagpabox ako ng mga kelangan ko kaya may stocks ako. And nakapamili na ulit ako sa US naipadala na din nila Liza waiting na lang ako dumating yun box ko. Saka busy din siguro.
"Pero sa US lagi.
"Yup kasama mo mga friends ko...
Saka masarap magshopping dun lalo na pag may sale.. ohh namimiss ko tuloy ikaw kasi pinaalala mo...
"Gusto mo na umuwe US..
"Hahahah yup magsshopping lang..
"Tara samahan kita...
"Sige tas isama natin kids .
"Love that...
Ngiti lang sinagot ko sa kanya...
After ko manguha ng mga kelangan sa bahay bumalik muna kami sa Parking para ilagay yun pinamili ko..
"Starbucks nlang tayo?tanong ko..
"Sige tara." Nagulat ako nakaakbay sya sa akin pero deadma nlang kasi ganito din naman kami nila Gray at Beau..
Pagpasok namin sa Starbucks..
"Ako magbabayad ok?
"makulit ka.. ako na..." -Richard
"Ano gusto mo? Hot or cold. Ako Frappe gusto ko..
"Ano ba masarap? Ikaw na bahala.
"Hmm you want iced coffee?"tanong ko sa kanya.
"Okay sige ikaw na bahala umorder para sa akin.
"Hi can i order 1 Venti iced coffee
With heavy cream, 5 pumps of vanilla,3 pumps of caramel and whipped cream and caramel on top..
And 1 Venti Caramel frappe with 2 pumps of caramel and hazelnut syrup.blended with java chips.And pls add caramel and mocha drizzle on top and inside of cup..
"You want cake? " Tanong ko sa kanya..
"Ikaw if you like hati n lang tayo...
Still full..
"Sorry bout that.Pls add 1 slice Pecan and Caramel brownie and 1 slice of blueberry cheesecake
That's all..
"Order for?
"Mia..
"Okay your total is 755 Mam..
Kukunin ko na sana yun wallet ko sa bag pero ang loko bigla ako inakbayan at pinigilan magbayad..
"Ako na...Here.. " bigay nya sa cashier..
"Ang kulit mo diba sabi ko ako na un..Daya mo..
Ang loko pinisil nya lang ilong ko..
"Ang sakit... " sabi ko sa kanya sabay hawak ko ng ilong ko. Ang loko niyakap pako at natawa..
Nasa gilid kami nagaantay ng order..
Hinahawakan nya ilong ko..
"Ganda ng ilong...
"Well...
"Yabang..
"Ikaw din naman maganda nose mo
"Well
"Hmm naniwala naman" biro ko naman sa knya kaya pinisil nya ulit ilong ko.
"Aray ahh masakit" Pinagtawanan lang ako ng loko.
Nadinig kong tinawag na name ko at ready na ang order..
Pero sya na ang kumuha.
"San tayo uupo?tanong nya sa akin
"Tara don nalang tayo sa taas puno na dito e..
"Okay.." umakyat na kami sa taas at magkatabi na naman kami nakaupo..
Nitry nya yun inorder kong drinks para sa kanya..
"Hmm masarap ahh. Galing mo umorder. Pero nagtataka ako sau bakit andami adds on..
"Thats the secret ng masarap na coffee.wanna try my Frappe?
" Can i?
"Here take a zip.." lapit ko sa kanya ng frappe ko...
"Masarap sya kahit matamis..Mahilig ka sa sweets? Sabay subo nya sa akin ng cheesecake...
"Minsan pag nasa mood..Masarap try mo. " kumuha ako ng brownies at sinubo ko sa kanya..
"Hmm mas gusto ko yun cheesecake." Sabi naman nya..
"Grabe di mo naman ako iniinform na may pa mukbang ka today..
Nabusog ako sobra...Salamat sa libre..
"Nagenjoy ako ikaw?" Nakangiti nya sabi sa akin..
"Yah its been awhile nun nakakain ako sa labas na may kasama...Nakakamiss din pala..
Ngumiti lang sya sa akin...