Naging magkarelasyon na nga si Jasmine at Isay. Sinabi nila iyon sa Mama nila at malugod naman iyon na tinggap ni Sampaguita dahil wala naman syang nakikitang mali sapagkat hindi naman tunay na magkapatid sa dugo ang dalawa.
Pero sa kabila ng nakikita nyang kasiyahan ng anak na si Jasmine ay tila ba napapansin nyang parang may bumabagabag kay Isay. Madalas nyang mahuling tulala ito kapag mag-isa. Kapag kasama naman si Jasmine ay tila peke ang mga pag ngiti nito. Pinagsawalang bahala nalang ito ni Sampaguita dahil ayaw nyang manghimasok sa relasyon ng dalawa.
* * *
SAM's P.O.V
"Tulungan ko na po kayo d'yan Ma."
Wika sa akin ni Isay habang nag-iigib ako ng tubig pandilig sa mga halaman sa likod bahay. Kinuha niya yung dala kong balde at binuhat na patungong likuran.
"Salamat 'nak. Bumalik ka na sa loob at baka hanapin ka ni Jasmine." wika ko sakanya.
"Hindi po, natutulog si Jasmine. Gusto ko po talaga kayong samahan." wika niya na sumalok na ng tubig at nagsimulang magdilig.
Nakakatuwa talaga si Isay, hindi ko tuloy napigilang mapangiti. Sumalok na din ako at nagdilig. Habang nagdidilig kami ay napansin kong palinga-linga si Isay sa akin.
"Ano yun 'nak? Kung may gusto kang sabihin sakin ay wag kang mahihiya." ngumiti ako sakanya.
"Ah-eh, Ang ganda mo po kasi. At ang balat mo po, kahit may edad na po kayo ay kay kinis parin. Tunay po ba yan?"
"Aba'y lokong bata ka, Oo naman tunay na tunay ito!" Natatawa kong sagot sakanya habang hinahaplos ang sarili kong braso.
"Oo nga, tunay na makinis. Walang foundation o kaya pulbos."
Sabi ni Isay na ikinagulat ko ng lumapit siya at hinaplos din ang braso ko. Para akong biglang ginapangan ng kilabot na hindi ko maintindihan. Bigla akong lumayo sakanya at sumalok nalang muli ng tubig pandilig.
"Halika na, bilisan na natin at mapapasma ang mga halaman pagka inabot tayo ng tanghali sa pagdidilig." Wika ko na lamang kay Isay.
Dumaan pa ang ilang mga araw. Napapansin kong madalas na akong samahan ni Isay hindi lang sa pagluluto at pagdidilig ng halaman kundi pati na sa iba pang mga gawaing bahay ko. Natutuwa naman ko sa mga ginagawa nyang iyon at malaki ang pasasalamat ko. Ang anak ko namang si Jasmine ay palagi parin abala sa pagbabasa ng libro tuwing weekends, mahilig kasi talaga yun mag-advance study. Kaya malaki ang pasasalamat ko sa Diyos dahil talagang ang swerte ko sa mga anak ko.
"Tadaaah~!" Ani Isay habang hawak ang polseras ng bulaklak ng sampaguita sa kanyang kamay.
"Ano yan?" Ani ko habang pinapagpagan ang daster kong suot.
"Edi bulaklak ng sampaguita, matagal na kasi kitang hindi nagagawan nito." Aniya na may guhit ng magandang ngiti sa labi.
Kinuha nya ang palad ko na tila dinaluyan ng maliliit na kuryenteng kumiliti sa tiyan ko at isinuot ang marikit na mga bulaklak na polseras sa kamay ko.
"Ikaw talaga, hindi mo na naman kailangan gawin pa ito. Hindi ka na sampaguita vendor." Sabi ko sakanya.
"Kundi dahil sa mga sampaguitang 'yan ay hindi kita makikilala . . ." Nakangiting wika ni Isay na nakatitig sa mga mata ko.
Hindi ko alam kung bakit nanghihina ako sa mga tingin niyang iyon kaya agad na akong umiwas nilihis ang usapan.
Tumikhim ako. "Kamusta naman kayo ni Jasmine? Isusumbong mo yun sakin kapag may ginawang kalokohan ha."
Tawanan.
* * *
Isang araw pagdating ko galing sa pamamalengke ay naabutan ko si Isay na nagwawalis sa sala at si Jasmine naman ay nagpupunas ng mga picture frames. Nang makita nila ako ay agad silang lumapit para bumeso.
"Ang sisipag naman ng mga dalaga ko!" Natutuwang wika ko sakanila.
"Dahil dyan may premyo ako sa inyo!" Dagdag ko at umaliwalas ang mukha ng dalawang dalaga sa narinig.
Ibinalita ko sakanilang may perya sa parke malapit sa bayan at nais ko silang ilibre ng mga sakay duon. Labis ang excitement ng dalawang dalaga ko kaya naman pagdating ng kinahapunan ay mabilis silang gumayak.
Sa Perya.
Kay daming mga bata at magkasintahan, magkaholdinghands din sina Jasmine at Isay pero dahil pareho silang pormahang babae ay sa tingin ko'y mapagkakamalan lang silang magbestfriends kaya wala akong kinababahala na baka may mga taong kumutya sakanila.
"Ma! Tara sa Ferris Wheel!" aya ni Jasmine.
"Naku kayong dalawa nalang ni Isay, masyado na akong matanda para d'yan." Wika ko.
"Ano ba yan! Wag ka ng k.j Ma. Wala ka namang high blood, wala ka din naman sakit sa puso. Walang problema kaya tara na!" At hinatak na nga ako paloob ng Ferris Wheel ni Jasmine.
Sumakay pa kaming tatlo sa ibat-ibang rides. At ang panghuli namin na sinakyan ay roller coaster. Magkatabi kaming tatlo, si Jasmine, Isay at ako. Napapagitnaan namin si Isay. Grabe ang tili naming tatlo sa bawat pagtagilid ng kariton namin at ng makita ko ng rarampa na kami sa patiwarik na loop ay napapikit nalang ako sa kaba.
Pagpikit ko ay naramdaman kong may palad na humawak sa ibabaw ng aking kamay na kapit na kapit sa handrails. Pagmulat ko, si Isay pala na nakahawak parin sa kamay ko. Nawala ang kaba ko sa bawat loops ng coaster, napalitan yun ng kakaibang kaba. Hindi na nya binitawan ang kamay ko hanggang sa matapos ang rides namin. Sa mga sandaling yun nagpalitan lang kami ng tili at mga tawa habang hawak nya ang kamay ko. Nuon ko lang ulit naramdaman ang sayang iyon.
Simula noon ay tila ba may iba na akong nararamdaman kay Isay. Isang pakiramdam na hindi ko mawari kung ano. Muli akong nag-ayos ng sarili, naglipstick ng kaunti at isinuot ang mga dati kong blouse at pantalon. Iniwasan ko ng magdaster o magpormang nanay. At kapag tinitingnan ako ni Isay ay medyo naiilang ako. Tulad ng dati, sinasabi nyang ang ganda ko daw na nanay at talagang ikinatutuwa ko 'yun. Masaya ako kapag kasama ko sya at may kirot naman na hindi ko maintindihan sa dibdib ko sa tuwing nakikita ko silang nagkukulitan ng anak kong si Jasmine.
Isang hapon, katatapos ko lang sa paglalaba ng minabuti ko na munang magpahinga sa kwarto ko dahil sa labis yata akong napagod at sumakit ang likod ko. Ang hirap na talaga ng umi-edad. Medyo ininat-inat ko ang balikat ko at likuran ng katukin ako ni Isay sa pintuan.
"Bukas yan. Pasok." Wika ko habang iginagalaw at iniikot ng madahan ang balikat ko.
"Ma, nagtext po kasi sakin si Jasmine. Eh nagtatanong kung ano daw pong prutas yung pinapabili nyo sakanya?" Tanong ni Isay.
"Ah, dalanghita kamo kahit kalahating kilo lang." Wika ko habang nag iinat-inat parin ng balikat.
"Ahm… Ma, masakit po ba ang likod nyo?" pagpansin ni Isay sa dinaramdam ko.
"Ah Oo eh, nangawit yata kanina sa paglalaba ko." Sabi ko.
"Masahihin ko po kayo." Alok nya at malugod ko naman itong tinanggap.