Tania Nanatili ako roon. Gan'on din siya ngunit walang imikan. Nakailang lingon pa ako sa kaniya na kunot parin ang noo. "Tanda, iniwan mo si Chase doon?" Tanong ko sa kaniya nang maibsan naman ang katahimikan. "He's asleep," tipid niyang sagot ngunit seryoso parin ang kaniyang mukha. Nanlaki ang mga mata ko roon sa sinabi niya. "Oh edi gising na iyon ngayon tapos iniwan mo mag-isa doon?!" Bulyaw ko dahil hindi ako makapaniwala sa ginawa niya. Nag-tsk ako at napakamot sa ulo. "Tara na nga!" Yaya ko sa kaniya pero hindi man lang siya gumalaw sa kinatatayuan niya. "Ano?" Lingon ko pa sa kaniya nang malagpasan ko na siya ay hindi parin siya gumagalaw. "Naisemento ka na ba riyan sa kinatatayuan mo?" Pasarkastiko kong tanong sa kaniya. Bumuntong-hininga siya mataman akong tini

