Tania Puro pang aasar lang ang narinig namin mula kina Trevor at Vixen noong nagsimula ulit kami sa pag eensayo. "Mag pa-kiss din kaya ako sa kaniya?" Iling pa ni Vixen. "Tss. Asa ka pa doon. Hindi na nga kayo nagkikita eh," Iling din naman ni Trevor. Wala rin namang imik si Tanda. Seryoso at tahimik lang na naonood sa amin. Hindi ko rin naman alam kung maiinis ba ako o matatawa na lang sa inuusal nilang lahat. Mananahimik pero nginngishan lang kami ni Tanda, kung magsasalita naman ay mang aasar lang. "Busy siya ngayon at mabuti 'yon dahil naiinis ako at ayaw ko muna siyang makita siya ngayon. Naiinis ako." Umirap si Vixen. "Asus…ikaw pa ba maiinis doon? Parang hindi ka naman umiyak noong umalis iyon!" Si Trevor na halos sikuhin pa nga si Vixen. "Ha? Kailan ako umiyak d'on

