Tania Nag uunat pa ako ng katawan dahil kagigising ko lang nang makarinig ako ng malakas na kalampag sa pinto ng kuwarto ko. "Crestania Lopez! Gumising ka na riyan! It's time for your tracking!" Sigaw iyon ni Vixen mula sa labas saka ulit kinalampag ang pinto. "Ngayon na ba talaga? Alas sais palang at saka kagiging ko lang," sabi ko at naghikab pa nang mabuksan na ang pinto. "It's an order from your Boss. Dapat nakababa ka na within ten minutes, kung hindi papaulanan ko ng bala itong kuwarto mo." Nakangising banta niya sa akin. Ngumuso nalang ako at umirap. "Oo na nga," pagsang ayon ko nalang. "And wear the appropriate attire for training. Baka magpalda ka pa." "Che! Alam kong boba ako pero hindi ako tanga 'no." Mahina pa akong natawa. Naligo ako ng mabilisan. Parang wisik w

