Tania Hindi ko alam kung ilang beses ko nang namura si Tanda dahil sa patuloy na pagpapaulan ng mga bala ng mga pangit at asungot na nga pabida pang naka motorbike na humahabol sa amin. "Get fvcking down, Crestania!" Utos ni Tanda sa akin. "Oo na nga! Wait lang. Sasauluhin ko lang ang plate number ng mga motor nila at isusumbong ko sila sa mga pulis!" Sabi ko at sinubukang dumungaw ulit. "Fvck! I said get down!" Muli niyang sugaw sa akin kaya ginawa ko na. Hindi ko rin naman masaulo dahil iyong iba "For registration" lang ang nakalagay, pero siyempre joke lang. Ang kumplikado kasing isaulo eh. Ang damung numbers! "Ano ba kasi ang nangyayari at bakit tayo sinusundan ng mga pangit na 'yan? Mga kamag anak ba ni Stella iyang mga iyan at parehong ma mukhang aswang?" Tanong ko pa na hind

