KING'S POINT OF VIEW:
Those tears coming out from Marie's eyes is just PAIN! Buong akala ko pag nakita ko ang mga luha nya dahil sa sobrang sakit magiging masaya ko pero nagkamali pala ko, mas doble yung naging sakit na naramdaman ko ng mga oras na nakikita ko si Marie na umiiyak at sinasabi sakin lahat ng nararamdaman nya,
Buong akala ko, mawawala yung sakit na nararamdaman ko hanggang ngayon pero hindi pala, mas nadagdagan pa. s**t lang! Napakatanga ko. Bakit ko nga ba gustong saktan si Marie? Dahil sinaktan nya ko noon? Sobrang nasaktan ako noong araw na nakita ko sya na may kahalikan na iba sa unang buwan namin na magkarelasyon, napuno ng galit yung puso ko. GALIT AT AWA sa sarili ang nararamdaman ko nang mga araw na yun, Inisip kong maghiganti at iparamdam din kay Marie lahat ng sakit na naramdaman ko noon at ngayong nagtagumpay ang plano ko, NASAKTAN NAMAN AKO.
Alam kong hindi tama ang ginawa ko para saktan ng sobra si Marie pero nasaktan din naman ako diba? Naramdaman ko din yung sakit na naramdaman nya. Pero sa nakikita ko ngayon, MAS NASASAKTAN SI Marie. Pinagsisihan nya lahat, pinagsisihan nya yung kasalanan na ginawa nya pero ako itinuloy parin ang plano ko na saktan sya. Napakatanga ko.
Talagang mas namayani yung galit sa puso ko kaysa sa pagmamahal ko kay Marie, at yung ang pinakamalaking pagkakamali na ginawa ko. And now, hindi ko na maibabalik yung oras para baguhin lahat ng nagyari, ang tanging paraan lang ay ang humingi ako ng tawad at ipakita sa kanya na nagsisisi nako.
-
Agad akong tumayo sa kama at sinuot na ang damit ko, tumakbo ako para habulin si Marie. I run as i can para maabutan ko sya at humingi ng tawad, pagkalabas ko ng building, Ingay ng ambulansya at ang mga nagkumpulang tao ang nakita ko. Anong meron? Badtrip naman oh! Kung kailan may hinahabol ako saka pa nagkaganito.
Sandali akong lumapit sa lugar na yun at tiningnan kung ano bang nangyari, ang raming tao kaya hindi ko masyadong makita kung ano bang nagyari pero sabi may nasagasaan daw na babae. Kaawa naman. Tumalikod nako para humanap ng daan nang bigla kong marinig ang isang nakakgulat na tanong....
"Sino pong nakakakilala sa babaeng ito na nangangalang Marie, maari po bang sumama sa ambulansya?" narinig kong tanong ng isang babae na worker ata' ng hospital ambulance, naramdaman ko nalang ang isa-isang pagbagsak ng luha ko. Hindi pwede! Hindi si Marie ang tinutukoy nila.
Tumakbo ako palapit sa accidental area, wala akong pakialam kahit na may mabangga ako basta makita ko na hindi si Marie ang babaeng tinutukoy nila na nasagasaan ng truck, pero laking gulat ko nang makita ko si Marie na inaakyat sa loob ng ambulansya. Duguan yung ulo nya ang ang katawan nya, malubha at malaaks ang pagkakabangga sa kanya.
Mas lalo pa kong napaiyak dahil sa thought na ako lang naman talaga ang may kasalanan ng LAHAT! Kung hindi ko sinaktan at ginawa ang bagay na nagyari kanina edi sana hindi masasaktan si Marie ng ganito. s**t lang! Ako ang may kalasanan kung bakit nagkaganyan si marie.
Tumakobo ako at sumakay sa ambulansya, tahimik ang loob at taning wangwang lang ang naririnig ko at ang pag hagulgol ko habang sinasambit ang pangalan ni Marie. Hindi ko makakaya pag may masamang nangyari kay Marie, hindi ko mapaptawad ang sarili ko pag nawala sya. Hindi ko kakayanin mawala sa tabi ko si Marie,
"M-marie, gumising kana dali! SORRY NA. Hindi ko na uulitin. Magsimula tayo ng panibago! M-marie! Gumsing kana! Hindi ko kakayanin pag nawala ka!" pagkausap ko sa kanya but she still on the damage and not responsing. s**t. Kasalanan ko 'to! Kasalanan ko!
Tumigil ang ambulansya at ibinaba si Marie habang ako nakasunod lang habang umiiyak, at hawak hawak ang kamay nya. DInala sya sa operating room kung saan hindi ako pwedeng pumasok kahit na gusto kong makita kung maliligtas ba sya o' hindi.
I pray na sana maligtas si Marie, Godnows, na sobra nakong nagsisisi. Ito na siguro ang KARMA ko sa kasalanan ko, dapat hindi ako naghiganti dapat hindi ko tinuloy ang plano ko instead i gave her time to explain everything. Pero wala na! Huli na ang lahat, nangyari na. Ang tanging paraan lang ay ang manalangin para mailigtas si Marie.
---
"Sir," nagising ako sa pagkalabit sakin ng doctor. Naka-idlip pala ko. Siguro dahil sa kakaiyak kanina, pero ngayon kalamado na ko.
"Kumusta na po sya?" tanong ko naman. Binigyan lang ako ng ngiti ng doctor, sign of a goodnews. I hope so,
"She was hitted hard base on our observation, maraming damage sa katawan nya, but the goodnews is. Nagawan namin ng paraan at okay na ang vital signs nya ngayon but she's on comma, hindi natin alam kung kailan sya magigising." sabi naman ng doctor. Napangiti ako sa dalang balita ng doctor. Its okay. Atleast okay na si Marie, at ligtas na sya kesa naman nagaagaw buhay pa sya.
"Thanks doc," sabi ko naman at tinalikuran nako ng doctor.
THANKSGOD!
-
Tinawagan ko nalang si Sheena ang bestfriend ni Marie, at sya nalang daw ang bahalang mag explain sa mga parents ni Marie at kumausap sa kanila.
I waited for a few inutes at dumating na sila Sheena kasama ang mommy ni Marie, Agad naman nagpanic ang mommy nya at tumakbo palapit skain.
"Where's Marie? Is she fine?" tanong ng mommy nya, ngumiti lanag ako at sinabing./..
"Yeah. She's fine Tita, dont worry." sagot ko naman. She just breath deeply at released.
Nilipat na rin ng kwarto si Marie para dun na magpahinga, since laging busy ang parents nya ako nalang ang inutusan ni Tito at tita na magbantay kay Marie.
Wala lagi akong tulog, dahil sa pagbabantay kay Marie kung magkakamalay naba sya, minsan natutulog ako pero magigising din naman agad, Gusto ko laging binabantayan sya at makita ang magiging kondisyon nya.
"King, ako nalang muna ang magbabantay kay Marie, magpahinga ka muna," nakangiting sabi ni Sheena. But i declined, gusto ko ako lang ang magbabantay sa kanya.
"No thanks, ako nalang." sagot ko naman, ngumiti lang sya.
"Sige bahala ka, bibili nalang muna ako ng makakin natin," sabi naman nya at tumango nalang ako.
====
1 month later, I was in the bed while sleeping. Sobrang napagod ako kaya siguro natulog ako nagising lang ako ng maramdaman ang pag galaw ng daliri ni Marie, agad akong napangiti at tinawag si Sheena para tawagin ang mga doctor,
Lumabas muna kami ni Sheena dahil iche-check up pa daw si Marie,
"Gising napo ang pasyente," sabi ng doctor.
"Pwede napo ba namin syang kausapin?" tanong ko naman sa doctor.
"Pwede napo, since maayos na naman ang pakiramdam nya," sagot naman nya pero nag iba ang hitusra ng mukha dahil hindi ko pa alam kung anong mukha ang ihaharap ko sa kanya. Ang dami kong nagawang kasalanan sa kanya, kaya hindi ko alam kung makakya nya bang makita ko, ang lalaking nanakit sa kanya.
"Sheena, ikaw na muna ang pumasok," sabi ko kaya Sheena at agad naman syang pumasok sa kwarto ni Marie, magiipon pa ko ng lakas ng loob para magpakita sa kanya. Sa ngayon hindi ko pa kaya iharap ang mukha ko sa kanya.
-
MARIE'S POINT OF VIEW:
Nagising ako at nalalabo pa ang paningin ko, kinusot ko ng ilang beses ang mata ko at naging maayos naman ang paningin ko, Nilibot ko ang paningin ko at nakita ko si Sheena ang bestfriend ko na papalapit sakin, bigla akong napatayo dahilan ng pag sakit bigla ng ulo ko,
Ano bang nangyari sakin? Bakit nasa ospital ako? Ano ba talagang nangyari sakin?
"Mabuti naman Marie nagising kana, isang buwan kang nasa Comma stage, Thanksgod!" sabi ni Sheena. Nagulat ako sa sinabi nya dahil ang tagal ko na pala dito sa ospital. Hindi ako makapaniwala na ang tagal tagal ko dito at umabot ako ng isang buwan? At naka comma pa ko?
"Ano bang nagyari sakin?" tanong ko naman sa kanya, ngumiti lang sya ng matipid at sinagot ang tanong ko,
"Nagasaan ka ng malaking truck, alam mo sobra kaming nag-alala sayo, buti nakaligtas ka Marie, alam mo ba na si King ang laging nagbabantay sayo? Halos hndi na nga natutulog yun' sa kakabantay sayo, ang swerte mo talaga kay King," dinig kong sabi nya. Naramdaman ko nalang na kusa napalang bumagsak ang mga luha sa mga mata ko, at lahat ng nagyari ng gabing yun' ay bumalik sa alaala ko, kung bakit nandito ako ngayon ay dahil sa kanya, Kay King. Lahat ng akit bumabalik na naman, lahat ng luha sa mata ko bumabagsak na naman. Bakit ganyan ko ba kamahal si King? Naggalit ako sa kanya dahil sinaktan nya ko ng sobra! "Teka, bakit ka ba umiiyak?" dagdag pa ni Sheena, ngumiti nalang ako ng peke at pinunasan ang mga luha ko,
"Wala 'to,"sagot ko naman.
"O'sya ikukuha muna kita ng makakin para mabawi mo ang lakas mo Marie," sabi naman nya sakin, ngumiti nalang ako at sinabing OO. Agad naman syang lumabas ng kwarto ko para kumuha ng makakain.
Si King daw ang nagbabatay sakin? Kulang pa yun sa lahat ng sakit na dinulot nya sa puso ko, kulang pa yun para patawarin ko sya. Napaka-unfair naman kung hahayaan ko na naman 'tong nararamdaman ko para saan pa? Masaktan lang ulit? Ayoko na! Nagsasawa nako. Pagod nakong masaktan at magpakatanga. I've learn all my lessons. At hindi hinding nako magtitiwala pa kahit kanino, even King. He cause too much Pain, at dahil sa kanya nasasaktan ako ng sobra, sakit na ako lang ang nakakaramdam ngayon. Kailangan kong maging matatag, at mas maging matapang para hindi nako masaktan ulit dahil kung paulit ulit lang akong nagpapakatanga, paulit ulit lang akong masasaktan ng sobra.
"M-Marie," bumilis bgla ang t***k ng puso ko at kinabahan sa narinig ko, isang pamilyar na boses, hindi ako nagkakamali kay King nangagaling ang boses na 'yun. Hindi ko pa kayang humarap sakanya ngayon. Wala pa kong lakas ng loob. "Marie, Okay ka naba? Are you still on hurt?" dagdag pa nya. Sandali akong napatawa sa sinabi nya.
"Talagang tinanong mo pa 'yan sakin King? Kahit naman hindi nangyari sakin 'tong mga injuries na'to alam ko naman na pagkatapos ng gabing 'yun mas sobra pang sakit ang mararamdaman ko, and im very thankful na nangyari 'to. " at tuluyan nang bumagsak ang mga luha na kanina ko pa pinipigilan.
"Im sorry Marie," yun lang ang nasabi nya. Pinunasan ko na ang mga luha ko, ayokong makita nya ko na mahina at kaawa awa. Ayokong makita nya kong nasasaktan.
"Sorry? 'Yan naman ang alam nyo diba? Ang magsabi ng sorry pagkatapos makasakit ng babae? Alam mo ba King, awang awa ako sa sarili ko ngayon dahil nandito ako ngayon, nakahiga sa isnag kama at nagpapagaling ng dahil sayo! Sobra kong nasaktan sa ginawa mo sakin King, gusto ko ngang mawala nalang ako sa mundong 'to, dapat nga namatay nalang ako pero hindi siguro makakatulong sakin ang magpakamatay at hinding hindi ko sasayangin ang buhay ko ng dahil lang sa lalaking katulad mo na walang puso," panimula, I clear my throat and say, "King, sa oras na 'to. Panahon ko naman para AKO NAMAN ANG MAGLARO, UMALIS KANA!" sigaw ko,
"Patawarin moko Marie," yun lang ang nasabi nya, napatawa nya ulit ako sa sinabi nyang 'yun at tuluyan na syang umalis. Infairness, ang gailng ng actig nya with teary eyes pa ha!? Pero hindi pa rin effective.
At inuulit ko, ayoko nang magpakatanga at masaktan pa ulit, sa oras na 'to, hindi na ako ang paglalaruan.... AKO NA NGAYON ANG MAGLALARO.