JAKE'S POINT OF VIEW:
-
Ngayon na ang araw ng pag-alis ko papuntang america. Sa America ko balak magbakasyon, Sinabi ko nalang kay Marie na may sakit ang daddy ko kaya pupunta akong US. Hindi ko alam kung ano bang mga maaring mangyari ngayon, siguradong babagsak ang mga luha ni Marie sa araw na 'to. Again, nanalo ako. I just get her trust nang walang kahirap-hirap. Ano bang magagawa ko? Nakakasawa din pala magbait- baitan at paglaruan itong si Marie.
Masaya naman ako ngayong aalis ako, sandali lang naman ako mawawala. Hindi ako magtatagal dun. Magpapahinga lang ako, And babalik ako to play with her again.
"Jake," narinig ko ang pagtawag nya kaya't agad kong tinago yung natirang drugs na ginamit ko kanina."T-teka... Umiiyak kaba Jake?!" tanong nya. Ngumiti ako, at pinunasan ang mga luha sa mga mata ko. She really find that this tears are true. Hindi nya alam ang salitang Peke kaya ngayon nandito sya at nagpapakatanga na naman.
"Nalulungkot lang ako, kasi kung kailan okay na ang lahat saka pa kailangan natin maghiwalay," sagot ko naman kay Marie, hinawakan nya lang ako sa pisngi at pinisil pisil ang pisngi ko at ngumiti. What kind of poor girl, gusto kong mairita sa kanya.
"Jake, sandali ka lang naman mawawala diba at babalik ka rin naman diba? Kaya wag kang malungkot, sandali lang tayong maghihiwalay at magkikita pa rin tayo, bahala ka! Baka humagulgol pa ko dito!" pananakot nya sakin, nakikita ko yung mga pekeng ngiti ni Marie, pero nakikita ko naman sa mata nya nasasaktan at nalulungkot din sya sa nangyayare. Tama nga talaga, kayang magsinunghaling ng bibig pero hindi kaya ng mga mata. Para kami ngayon nasa isang drama scene na lovestory, she's not even my princess nor my someone. She's just my toy. Just a toy.
"Pag ngumiti ba ko? Sasaya kana rin?" tanong ko naman. Nasusuka ako sa mga walang kwentang bagay na pinagsasabi ko. Masyado akong nababaliw kay Marie, Masyado nya kong inaakit na mas saktan pa sya. And I am willing to waste my time just for her.
"Jake!!!! Huhuhuhu! Wag kang magtatagal dun ha?!!! Patay ka sakin pag di ka bumalik! Ako mismo susugod sayo dun! Maghanda ka!" pagababanta nya sakin, tumulo naman ang luha ko pero nakangiti pa rin ako, hindi ko lubos maisip na isang katulad ko, masyado nang out of control. At kung sino man, ang malaman kong humawak sa laruan ko. Mananagot sakin.
"Oo! Babalik ako dito. Babalikan kita Marie," sagot ko naman sakanya.
Niyakap ko lang sya ng mahigpit. Mahigpit na mahigpit. Marie you're just mine. You cant be played by others just mine.
"Pero sa totoo lang Jake, mami-miss kita," sabi ni Marie sakin. Nagiba naman yung ekspresyon ng mukha nya sobrang lungkot. Puno ng lungkot!
"Ganun din naman ako Marie eh! Pero sana wag natin punuin ng lungkot ang araw ng pag alis ko. Gusto ko maging masaya tayong dalawa ngayon" sabi ko naman para palakasin ang loob ni Marie. Kailangan nya ng lakas para pag handaan lahat ng sakit at surpresang mararamdaman nya.
"Pipilitin ko Jake," sabi nya at matipid na ngumiti.
"Mahal kita Marie,"
"Mahal din kita Jake," she answered.
I just gave her a kiss. Passionately, yung hindi nya makaklimutan sa lahat ng halik na ibinigay ko sa kanya. At sana pati ako hindi nya makalimutan, dahil Jake the heartbreaker will be the most unforgetable heartbreaker she met.
"Calling all the passengers of flight E655548215,....." narinig kong tawag sa flight number ko, tinigil ko na ang halik kay Marie,
"Kailangan ko na umalis Marie, magingat ka. Wag kong kaklimutan, mahal na mahal kita!" sabi ko at niyakap nya lang ako habang humahagulgol.
"Mahal na mahal din kita Jake! Huhuhuhu."
"I love you goodbye,"
---
MARIE'S [POINT OF VIEW]
Its been two years.
I really miss him.
Until now, I want him back,
I waited for him everytime,
Seasons are changing..
But until now, wala pa rin sya.
Si Jake.
Akala ko ba sandaling panahon lang sya mawawala? Akala ko ba babalikan nya ko? Akala ko nangako sya na sandali lang sya at hindi ko kailangan mag drama habang hinihintay sya, pero bakit ganon? Dalawang taon na lumipas, may wrinkles na ko shets! May dalawang puting buhok nako at nagka kuto nako pero shets hanggang ngayon kahit anino ni Jake hindi ko nakikita. Ano na bang nangyare sa kanya?
Lagi ko naman syang mine-message sa f*******:, pero nagyon naging mailap na sya, ni' hindi na nya ko nirereplyan kahit online sya hindi katulad dati, nag i-skype pa kami para daw kahit papano hindi namin makalimutan ang isat isa at palagi kaming nagkakakusap pero bakit ngayon? Iba na. Nasan na si Jake? Kahit isang 'okay lang ako' ang sabihin nya masaya na ko. Hindi ba nya alam na sobra na kong nag aalala kung ano nabang nangyayare sa kanya dun. Makita ko lang talaga yang si Jake! Potcha!
Pero sa totoo lang, bakit hindi sya nagpaparamdam sakin? Halos 3 buwan syang hindi nagparamdam sakin eh! Ano na bang nagyare dun?
Naka graduate nako't lahat pero hindi pa din sya umuuwi sakin. T.T Tinanong ko na rin yung mag relatives nya pero wala din daw silang balita tungkol kay Jake. Shets naman o! Ano ba talagang kalagayan nya dun?
Hindi ko maiwasan hindi mapuyat dahil sa pag aalala, gustong gusto ko na nga pumunta sa U.S para puntahan si Jake pero syempre hindi ko ginawa dahil hanggang ngayon naniniwala pa rin ako na babalik sya para sakin, dahil mahal nya ko.
Hindi ko naman kinakalimutan yun eh! Sabi nya mahal nya ko, babalik sya pero pota lang! Nasan na si Jake?
Hindi ko din maiwasang hindi maiyak sa twing inaalala sya, hanggang ngayon mahal na mahal ko pa din si Jake, mas lumalim pa yung nararamdaman ko sa kanya kesa dati, mas minahal ko sya ngayon. Mas hinahanap ko sya,
Ang sakit lang kasi eh! Pwede naman sya magparamdam pero bakit hindi nya gawin? Mahirap bang mag type sa laptop nya? Mahirap bang itouch yung cellphone nya? Shets! Natutuliro na talaga ko!
"Anong drama mo dyan Marie? Sinong iniisip mo? Ako nu?" napatingin ako sa nagsalita, nakita ko si King na nasa likuran ko. Parang kabute talaga 'to kahit kailan!
"Wala 'to! FYI lang no? Hindi ikaw iniisip ko! Assuming ka masyado! HAHA!" SABI KO NAMAN. Tapos hinawakan nya pa yung puso nya na parang sinasabi na it hurts naman! Hahha.
Si King nga pala yung lagi kong nakakasama habang wala si Jake, sya yung naging bestfriend ko, yung laging nagppasaya sakin dahil simula ng grumaduate ako, kumuha pako ng masteral degree na another two years at parehas kami ni King ng course na kinuha,
Una talaga wala akong maka close sa mga classmate ko, pero sya lang talaga ang naglakas loob na lumapit sakin, EWAN KO Dyan?!
Una kasi ayaw ko syang pansisnin at lagi ko syang nilalayuan dahil kung naalala nyo pa yung ginawa sakin ni Jared two years ago, mahirap ng ibigay ang tiwala lalo na't hindi mo pa masyadong kilala ang isang tao diba?
Pero sa nakita ko naman na hindi ganun ang ugali ni King dahil nasubukan ko na 'to. Dinalaw nya kasi ako samin nun' pinapasok sya ni Mom sa kwarto at eksaktong naka bra lang ako nun' at ang gago tumakbo palabas at isinara ang pintuan, at sumigaw pa na parang babae! Juding ata eh!
Isa si King sa nagpapasaya sa malungkot kong buhay ngayon, lahay ng responsilbilidad na dapat si Jake ang gumagawa ngayon, sya ang gumagawa. SYA ang humalili kay Jake, Si King.
Malaki ang utang na loob ko sa kanya dahil sa twing umiiyak ako, sya lagi ang nagapapapatahan sakin at lagi kong nakakasama. Lagi nya kong napapatawa. Lagi nyang binibigyan kulay ang buhay ko sa twing magiging black and white na naman ito. Haaay! Thanks talaga King!
"Kain na tayo?" sabi nya. Ngumiti lang ako at sinabing 'oo'
Sabay kaming naglakad papunta sa cafeteria para kumain, Umorder lang kami ng tag-isang kanin at ulam at sabay na kumain, muntik ko na ngang maibuga yung kinakain ko dahil biglang nagtatawa si Jak---Ayyyy si King pala! Hahahah. Loko talaga yun!
"Minzy, may boyfriend kana ba?!" narinig kong sabi ng katabi kong table.
Wait! Minzy? Minzy?
Tiningnan ko sandali kung sino ba yung mga kumakain sa table na yun at nakita ko si Minzy, Dito rin sya nagaaral? Potch! Antanga ng tanong ko. Malamang dito kasi andito sya at parehas ng unifrom ko. Ay agag ko talaga!
Hinintay ko kung anong isasagot ni Minzy, ngumiti pa sya saglit.
"Oo, meron na. almost 2 years syang nasa U.S dahil nagkasakit yung daddy nya at ngayon bumalik na sya, actually, 3 months na ang nakalipas ng dumating sya at ngayon lang nya napag isipan na mag aral ulit eh! O,---Andito na pala sya eh! Hi Babe," sabi ni Minzy at lumapit sa kanya ang isang lalaki.
Wala syang pinagbago, ganun pa din sya. Ganun pa din yung mukha nya na nagpabihag sa puso ko na ngayon ay sasaktan na naman ako,
"Hello Babe, are you ok? Sorry natagalan ako kasi ang raming inaasikaso dun sa cashier eh! Pero kumain kana ba babe?" tanong naman ni JAKE kasabay ng isang halik kay Minzy,