CHAPTER THREE:
-Marie'sPOV:
Dalawang araw na makalipas nung huli kaming magkita ni Jake, Hindi rin ako pumasok ng dalawang araw dahil hindi ko parin alam kung ano ba ang mukhang ihaharap ko sa school, malamang nalaman na rin sa guidance yung video at ipapatawag nila ang parents ko. Siguradong masasaktan at madi-dissapoint ko sila Mommy at Daddy pag nalaman nila ang ginawa ko, ang katangahan ko.
Ngayon, gusto ko muna magpalipas ng sama ng loob pero kahit anong gawin ko hindi pa rin talaga mawala yung sakit na ginawa ni Jake sakin. Kahit ang daming luha na ang naubos ko hindi ko pa rin talaga makalimutan yung nangyare sakin, Naaawa ako sa sarili ko dahil nagpaloko ako at nagpakatanga.
Gusto kong makaganti sa ginawa sakin ni Jake, gusto ko syang masaktan. Gustong gusto!
KNOCK KNOCK* narinig kong ay kumakatok sa pinto ko, hindi nako nagsalita dahil bigla na naman syang pumasok, nakita ko si Jared na nasa harap ko, si Jared ay isa sa mga matalik kong kaibigan, sya lagi ang taga pagtanggol ko pag nasasaktan ako, sya lagi ang pinagsasabihan ko ng sama ng loob, sya lang ang lagi kong kakampi sa twing mag isa lang ako.
"Anong kailangan mo?" tanong ko sa kanya at sinagot nya ko ng isang ngiti.
"Marie, Okay ka lang ba? Kung gusto mo ng makakusap andito lang ako para damayan ka," sagot naman nya, lumapit pa sya sakin at tinabihan ako sa kama ko, ilang minuto rin ang katahimikan na namamalagi sa loob ng kwarto at ng hindi ko na kaYA, binasag ko na ito.
"Jared, pwede bang payakap?" tanong ko kay Jared at ngumiti lang sya na parang sinasabi nyang 'pwede'. Agad ko syang niyakap ng mahigpit, kasabay na nun ang biglang pagbagsak ng mga luha ko.
"Ilabas mo lahat ng sama ng loob mo Marie, at pag nagawa mo na yun, andito lang ako, makakasama mo para gumanti." sagot naman nya. Katulad ng sinabi nya, umiyak lang ako ng umiyak, walang tigil. Sandali akong tumingin sa kanya at isnag ngisi ang nakita ko.
"Jared, nagpakatanga ko! Nagpaloko ako Jared! Gusto kong gantihan sya! Jared!" sa mga oras na ito, humahagulgol nako. Okay lang sgiruo dahil wala naman tao sa bahay kundi ako lang at si Jared, kaya kahit mag umiyak ako hindi naman ako maririnig nila mommy.
"Susuportahan kita sa gusto mo Marie, but once you already done from your revenge, Stop loving him, Just always put on your mind. Na nandito lang ako," sabi nya. Pinahiran ko na yung mga luha ko, at binigyan si Jared ng isang peke na ngiti. Natutuwa ako na dahil kahit ganito ang nagyayare ngayon, andito pa rin si Jared para suportahan ako, samahan at damayan sa problema ko, si Jared lang talaga ang taong hindi nang iiwan sakin.
----
Umalis na si Jared, naiwan akong nag iisa sa bahay, napag isip isip ko lang na, total hindi na rin naman mababago ang tawag nila sakin bilang isang b***h, papanindigan ko na. Ipapakita ko sa kanila na Okay lang ako na ayos lang ako sa kabila ng nangyare. Lalo na kay Jake, ipapakita ko sa kanya na it is worthless and useless ang ginawa nya, ipapakita ko sa kanya na ako lang ang babaeng hahanap hanapin nya lagi,
Nag-ayos nalang ako, total wash day sa school, nag suot ako ng isang pang girly na damit, at nag ayos na rin ng sarili, nagmake up at kung ano ano. Mag ha-half day ako, papasok ako at ipapakita ko sa kanila na okay lang ako.
Sumakay nalang ako ng Taxi dahil wala naman ang sundo ko, its almost 15 minutes bago ako nakadating sa school, katulad dati, nagkalat ang mga estudyante kung san san. Bumaba nako ng taxi ng may pagmaamlaki sa sarili. Na parang walang nangyare.
Nakita ko na naman ulit ang mga tingin nila sakin, pero ngumisi lang ako, wala akong pakialam sa kanila. Dumiretso nalang ako sa room namin at agad ko naman nakasalubong si Minzy,
"Well, may lakas ka pa pala ng loob para ipakita iyang nakakdiri mong mukha dito?" sabi nya, binigyan ko lang sya ng isang ngiti at sinabing ....
"Im bitcher than you Minzy kaya wag ka na magtaka na hindi ako mahihiya na ipakita ang MAKAPAL KONG MUKHA SA SCHOOL NATO! Atleast, ako naikama si Jake, eh ikaw?" Sagot ko. Nagulat sya sa sinabi ko dahil as you all know, Si Minzy ang girlfriend ni Jake, at ngayon kailangan nya ng malaman ang lahat na niloloko rin sya ng boyfriend nya.
" Si Jake? You're missing something Marie, hindi ka papatulan ni Jake." sagot nya. Ngumisi ulit ako bago sabihing
"Bat' hindi sya mismo ang tanungin mo? Sinabi nya pa ngang masarap ako? Ikaw nasabihan kana ba nya ng MASARAP? May nangyare naba sa inyo? Kami dalawnag beses na." naningkit ang mga mata ni Marie, halatang galit sya sa reaksyon nya ngayon, malamang hindi nya alam ang kagaguhan na ginawa ng magaling nyang boyfriend, well, we're same. Parehas kaming tanga!
"No, hindi ako magagawang lokohin ni Jake," she insisted but i always keep insisting that she's always wrong and that she was just fooled by Jake.
Iniwan ko si Minzy na nakanganga dun, balak ko naman puntahan si Jake ngayon, sya naman ang pupuntiryahin ko.
"Marie," naglalakad ako padaan sa park ng marinig ko ang pamilyar na boses, kilalang kilala ko ang boses na yun, Kay Jake.
Lumapit sya sakin at hinawakan ang kamay ko, agad kong tinanggal ang kamay ko sa pagkakahawak nya.
"Anong kailangan mo?" tanong ko.
"Im sorry Marie, hindi ko alam na---" hindi ko na sya pinatapos sa sasabihin nya at agad na kong umentra.
"Hindi alam? Wow Jake, hindi mo alam na ganito ang kahahantungan nito? Siguro hindi nga, dahil gusto mo lang naman akong itaboy diba"pinilit kong wag bumagsak ang mga luha ko pero lumalabo na yung paningin ko dahil namumuo na yung mga luha sa mata ko, Ay shet wag ngayon!
"Oo ganun maire, pero nagsisi nako, hindi ko alam na masasaktan kita ng ganito Marie, mahal kita Marie, Mahal na kita," sabi nya. napangisi nalang ako, ano ito? Lokohan na naman? Pwes! Hindi ako magpapatalo sa panggagago nya.
"Gusto mo bang mapatawad kita Jake?" tanong ko,
"Oo marie, lahat gagawin ko lahat."
"Magkita tayo sa Motel na pinuntahan natin nung gabing yun," sabi ko. Nagtaka si Jake sa sinabing ko iyun.
"Pero bakit? " TANONG NYA.
"May kailangan lang tayong pag usapan, diba gusto mong magkaaayos tayo diba?" tanong ko pa. Papaikutin ko ang ulo nya. Gusto kong maramdaman nya ang naramdaman ko.
"Oo," matipid nyang sagot.
"Pwes, sundin mo lang ako."
-