EPILOGUE

1512 Words
-You came this part and i want to thankyou all for reading. Alam kong maraming typos and grammatical error, pero i hope and thankyou guys that you bear with it. Mwuah! Seeyou guys to my new story. EPILOGUE: ~ MARIE'S POINT OF VIEW: - "Hindi pako tapos maglaro Marie," balak ko na sanang tumakbo para makatakas ng biglang hawakan ni Jake ang mga paa ko. Pilit kong pwinersa ang mga paa ko na matanggal sa pagkakahawak ni Jake pero sadyang mas malakas sya sakin. Tumayo sya sa pagkakahiga at hinawakan ako sa buhok, napasigaw ako sa sakit ng pagkakahawak nya. Natatakot nako. Nasan kana ba kasi King? "Jake please... pakawalan mo na ko," pagmamakaawa ko pero hindi nya ito pinansin. He's high in drugs kaya siguro kahit anong pag mamakaawa ko hindi nya napapansin. "Diba Marie, kakasabi ko lang? Hindi pa ko tapos maglaro, DYAN KA!" SIGAW NYA SAKIN. Tumulo ang mga luha ko, sobrang napapagod nako sa ginagawa ni Jake at ngayon parang may binabalak na naman syang gawin, Itinali nya ko sa isang upuan at umalis sandali, agad naman syanng bumalik na may dalang isang baril. ISANG BARIL?!! Agad akong kinabahan sa pag-iisip ng mga bagay na maaring gawin ni Jake, maggawa ba nya talaga 'yun? Ano na bang nangyayari kay Jake? "Jake, wag please, Nagmamakaawa ako....Pwede ka naman magbago! Pwede kitang tulungan, andyan si Patricia ang girlfriend mo, pwede ka nyang tulungan," sabi ko dahilan ng pagtigil nya at pag sama ng tingin sa akin, "Si Patricia? Iniwan na nya ko dahil SAYO! Nagselos sya sayo at hindi ko alam kung bakit! Ikaw ang dahilan Marie kaya dapat ka ng mamatay!" napapitlag nalang ako at napapikit ang mga mata dahil itinutok sakin ni Jake ang baril, "Jake, hindi sapat na dahilan yun para gumawa ka ng ganitong bagay! Kung gusto mo ako na ang kakausap kay Patricia," SABI KO UPANG pakalmahin sya pero wala talagang epekto. "Wala ka ng magagawa pa Marie! Ang silbi mo nalang ngayon ay ang PATAYIN KA NALANG!" sabi nya. Nanginginig pa ang kamay nya habang nakatutok sakin yung baril na hawak nya, tanging takot lang ang nararamdaman ko ngayon, gusto kong makatakas dito. Pero kahit anong gawin ko wala akong maisip na paraan, hanggang sa makakita ako ng isang BLADE na nasa tabi ko. Gumawa ako ng paraan para maabot ito ng hindi napapansin ni Jake, at sinubukang putulin ang mga tali sa kamay ko at nagawa ko naman. Eksaktong pagkatanggal ko ng tali ay bigla nyang ipinutok ang baril at napapikit nalang ako. - KING'S POINT OF VIEW: ~ Kasalukuyan akong nagmamadali makaakyat sa Unit ni Jake. Sobrang Kaba at takot ang nararamdaman ko ngayon dahil sa tawag na natanggap ko galing kay Marie, hindi ako nagdalawang isip na pumunta sa lugar na 'to para puntahan sya, ang alam ko lang ay nanganganib ang buhay nya. Kahit na nagkalayo kami at bumitaw ako, hindi pa rin talaga mawawala yung pagmamahal ko sa kanya, Hindi ko alam bakit ganito nalang ang takot na nararamdaman ko ngayon, dahil ba natatakot ako na may masamang mangyari kay Marie? Siguro ganun nga dahil hanggang nagyon naman mahal ko parin sya at hindi nababawasan yun. Hinanap ko yung unit no. ni Jake at agad ko namang nakita ito, sinubukan kong buksan ang pinto pero may password ito. Paano ko bubuksan 'to? Isang bagay agad ang pumasok sa isip ko, Agad akong tumakbo sa client service ng condominium para kuhanin ang susi ng condo no. ni Jake, ayaw nilang ibigay ito pero pinilit kong agawin sa kanila at tumakbo ako papunta sa unit ni Jake at binuksan ang pinto. Agad akong tumakbo at nakita ko si Jake na may hawak na baril, gulo gulo ang buhok at tanging pantalon lang ang suot. Para syang naka drugs. Nakatingin lang ako sa kanya habang nakatutok ang baril kay Marie, Agad akong tumakbo dahil biglang kinalabit ni Jake ang baril, alam kong kay Marie, tatama ang bala kaya tumakbo ako sa abot ng makakaya ko at niyakap si Marie, Naramdaman ko nalang na may kung anong tumama sa PUSO ko at nanghina nako. - BACK TO >> MARIE POV: ~ Eksaktong pagkatanggal ko ng tali ay bigla nyang ipinutok ang baril at napapikit nalang ako. Pero hanggang ngayon wala akong nararamdaman na bala na tumama sa katawan ko kaya iminulat ko ang mata ko at nakita ko si King, Si King, na nakayakap sakin. Paano sya napunta dito? Sino ang tinmaan ng bala, hindi pwedeng... Tumingin ulit ako kay King na unti unting nanghihina at biglang bumagsak sa sahig. Hindi! Napatingin ako kay Jake na kasalkuyang itinutok ang baril sa ulo nya, nababaliw na sya. "PATAYIN MO NA RIN AKO JAKE! HAYOP KA!" at pagkasabi ko nun' ay ibinaril nya ang sarili nya ng baril na hawak nya. Pinatay nya ang sarili nya. Agad kong niyakap si King at naramdaman ko ang pagbagsak ng luha sa mga mata ko, "King, gumising ka!" pagmamakaawa ko sa kanya. "TULONG!!!!!" sigaw ko. Naramdaman kong gumalaw si King at nakatingin lang ng diretso sakin at sinabing, "Marie, mawawala man ako ngayon, hindi parin ito ang huling pagkikita natin, Patawad sa lahat Marie. S alahat ng kasalanan ko sayo. Ako ang nagturo sayo kung paano mawalan ng puso, Patawad Marie. Mahal na mahal kita" at nawalan na sya ng buhay. Wala nakong ibang nagawa kundi isigaw ang pangalan ni King at humagulgol nalang. WALA NA! Tapos na. Dito na nagtatapos ang kwento namin ni King, isang masaklap na kwento na sa buhay ko pa nangyari, Bakit sakin pa pinaranas ang buhay na 'to? Ang laging masaktan? Kahit anong gawin ko, hindi ko magising si King. Tuluyan na nya kong iniwan, "King, mas mahal na mahal kita," sabi ko at ibinuhos ang mga luha ko. Lahat ng sakit na nararamdaman ko ngayon, lahat ng sakit na nasa puso ko. Lahat ng sama ng loob, Paalam na King, Kahit anong salita ang sabihin ko nagyon, Kahit ilang patawad ang gawin ko alam kong wala na ring mangayayari at dito na talaga ang katapusan ng lahat. - MANY YEARS LATER. Oo, maraming taon na ang lumipas at matanda nako. Pakiramdam ko nanghihina na ko ngayong mga oras na 'to. Pero ikwekwento ko muna ang naging buhay ko nang mawala sakin si King, Hindi kami nagkaroon ng happy ending ni King, Nakakatuwa lang na hindi pala totoo ang happy ending. Hindi pala talaga ito nag e-exist, naging miserable ang buhay ko nang mawala si King. Halos gabi -gabi ako umiiyak dahil hindi ko matanggap na ako ang dahilan ng pagkawala nya, pero naging masaya ko dahil nalaman ko na kahit sa huling hininga nya, sinabi nya pa rin na mahal nya ko. Tumanda akong dalaga, nagkaroon ako ng mga boyfriend pero wala talaga eh! Hindi nag work out, hindi rin nag tagal. Syempre, ayoko naman tumanda mag-isa kaya nag-ampon ako ng isang batang lalaki. Para kahit papano sa pagtanda ko, may makakasama ako at mag aalaga sakin katulad ngayon na 78 years old nako at nararamdaman ko na sa mga oras na 'to, malapit na rin akong bawian ng buhay, Kasalukuan akong nasa ospital at naghihintay nalang ng oras ko, tanging pag iyak ni MAKI ang naririnig ko, sinunod ko yung pangalan ng batang lalaki na inampon ko sa pangalan ko at sa pangalan ni King dahil isa na rin yun sa nagpapaalala sakin sa kanya. Limipas man ang panahon at matabunan man ang mag itin kong buhok ng puti, mawala man ang makinis kong balat at magmuka ng amplaya, yung pagmamahal ko kay King nasa puso ko parin at hindi pa rin nagbabago. MAHAL NA MAHAL KO PARIN SYA HANGGANG NGAYON. "M-Maki anak, tandaan mo lahat ng bilin ko sayo ha? Malaki kana at kaya mona ang sarili mo. Wag kang iiyak, magagalit ako. Mahal na mahal kita Anak," sabi ko kay Maki at huling narinig ko nalang ang pagtawag nya sa pangalan ko at tuluyan nakong nawalan ng buhay. - Sandali akong nagising, nasaan ako? Tanging kulay puti lang ang nakikita ko, at mga bulaklak at mga halaman kasama ang mga ibat' ibang kulay ng mga paro-paro, Ito naba ang langit? Naglakad lakad ako at nakakita ako ng isang bukal, tiningnan ko ang sarili ko sa bukal at nakita kong nawala ang mga puting buhok ko at naging makinis ulit ng mga balat ko, bumalik ako sa dati kong itsura, naging bata ulit ako. Yung mga taong nagkakilala kami ni King Pinagpatuloy ko pa ang pagalalakad at inaamoy amoy ang mga mababangong bulaklak hanggang sa makita ko ang isang lalaki. Hindi ako ngakakamali, hindi parin nagbabago yung mukha nya, Si KING. Nakaramdam ako ng kung ano, at sobrang narmdaman ko ang pag ka-miss ko kay King. Nakaramdam ako ng saya dahilan at lumapit agad ako kay King upang yakapin sya ng sobrang higpit. Naramdaman ko na ang pagtulo ng mga luha ko kasabay ng mga ngiti sa labi ko. Nanatili kami sa ganoong posisyon na nakayakap lang ako kay King, "Antagal kitang hinintay Marie, Mahal ko," = THE END /////// ~ Salamat sa lahat ng sumuporta! SALAMAT! GOD BLESS,
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD