Sina Crisiente’s Pov (Diamond Kingdom’s First Princess) Hindi ko inaasahan ang lahat ng ito. Hindi talaga! Inis kong pinadulas ang sarili ko sa sahig at sumandal sa pader habang pinupunasan ang pawis ko. “Wala ba talagang kahit na anong impormasyon tungkol sa lugar na ito?” tanong ko kay Sage. Siya kasi ang in-charge sa pangangalap ng impormasyon tungkol sa mga quest na tinanggap namin. Umiling siya. “Nitong nakaraan lang din nalaman ng mga taga-Kuri Village ang tungkol sa lugar na ito kaya hindi pa masyadong nae-explore ng mga adventurer ang lugar na ito.” Ginulo ko ang buhok ko. Kasi naman, parang isang malaking maze ang lugar na ito at napakaraming mechanism na siyang nagti-trigger ng mga trap sa bawat sulok ng lugar. Maliban pa doon ay sa bawat kwarto na nap

