Sina Crisiente’s Pov (Diamond Kingdom’s First Princess) Hindi kinaya ng mga nasa konseho ang mga huling salita na kanilang narinig. Nabalot sila ng takot na naging dahilan ng kanilang panghihina. Mayroon pa ngang nawalan ng malay at nagpanic kaya agad nang tinapos ng hari ang pagtitipon at aabisuhan nalang ang lahat sa mga susunod na hakbang ng kaharian. Ang tanging naiiwan nalang dito sa throne hall ay ang hari at reyna, ako. Si Alicia at ang kanyang mga magulang. Nagpaiwan din si Sage kahit na pinipilit siya ng kanyang ina na huwag nang sumama sa usapang may kinalaman sa babaeng tinatawag na mangkukulam ng buong Thamani. “I don’t understand.” Napabaling sa akin ang lahat. “I admit that I felt fear when I saw that woman. Pero kailangan bang maging ganoon ang reaksyon ng lahat

