Sina Crisiente’s Pov (Diamond Kingdom’s First Princess) “Marami sila, Luna,” sambit sa akin ni Alice matapos niyang sabihin sa akin ang lahat ng mga bagay na posibleng sumalubong sa akin sa buhay na tinatamasa ko ngayon. “Marami silang mamamatay kaya kailangan mong mag-ingat. At hindi si Hyun ang dapat mong pag-ingatan. Mayroong hindi lang isa kundi dalawang makapangyarihang nilalang ang siyang hahabol sa iyo upang kitilin ang iyong buhay. Kaya kailangan mong mag-ingat.” Idinagdag pa niya na hindi lahat ng nakilala at makikilala ko ay dapat kong pagkatiwalaan. Ibinilin din niya sa akin na huwag masyadong magre-rely sa pagiging empath dahil may mga nilalang sa mundong ito ang may kakayahang manipulahin ang kanilang nararamdaman para lamang makuha ang tiwala ko. Ayoko sanang mani

