Sina Crisiente’s Pov (Diamond Kingdom’s First Princess) Direct descendant ni Hunter ang mga Crisiente na pinagmulan ng pamilyang namumuno sa Diamond Kingdom. Habang ang mga Nuesca naman na pinagmulan ng kasalukuyang reyna ng kahariang ito ay walang kahit anong koneksyon kay Hunter maliban sa pagtatalaga nito bilang tagapangalaga ng barrier na siyang bumabalot sa Black Crystal Kingdom na siyang kaharian ni Eleanor. Hindi kasi siya maaaring mamili sa mga namumuno sa ibang kaharian dahil posible iyong pagmulan ng hindi pagkakaunawaan sa bawat pinuno. Posible kasing isipin nila na may pinapaboran si Hunter kaya mas pinili niyang ipaubaya sa ibang angkan ang responsibilidad na iyon. At hindi ko inaasahang ang pamilya pang pinagmulan ng reyna ang naatasan doon. Ngayon ay naiintin

