Sina Crisiente’s Pov (Diamond Kingdom’s First Princess) Matapos magamot ang mga kasama namin ay agad na akong lumibot sa paligid ng gubat upang ikalat ang mga barrier card na ginawa ko kanina at agad itong in-activate. Sa ganitong paraan ay walang kahit na anong halimaw ang makakapasok at makakalabas sa gubat na ito hangga’t wala pa kami sa kondisyon upang ipagpatuloy ang naudlot naming quest. Kahit kasi tinulungan kami ni Phyro kanina ay hindi pa din talaga naubos ang mga halimaw na nagkalat sa loob noon. Marahil ay marami pa ding mga goblin lalo na’t hindi pa namin nakikita ang goblin lord. At nang makasiguro akong maayos na ang lahat ay agad na kaming bumalik sa village upang makapag pahinga. Sumama na din ang karwahe na sinasakyan ng reyna at ni Alicia dahil hindi p

