Sina Crisiente’s Pov (Diamond Kingdom’s First Princess) “I am proud of you, hija.” nakangiting sabi ng inang reyna matapos naming kumain at ngayon nga ay papunta na kami sa library kung saan ko sasabihin sa kanila ang aking pakay. “Noon ay halos hindi ka makapagsalita sa tuwing nandyan ang mga ina ng iyong mga kapatid ngunit ngayon ay buong tapang mo na silang hinaharap.” “Tingin ko po kasi ay kailangan kong gawin iyon.” sabi ko. “I need to establish my authority inside the palace if I want to make the people respect me.” After all, kilala ang Sina Crisiente bilang isang duwag na prinsesang nagtatago sa tore. Kailangan kong ayusin ang tingin ng tao sa akin. Hinaplos niya ang aking pisngi at malungkot na ngumiti. “Siguradong maging ang iyong kuya ay matutuwa din sa pagbabago

