Sina Crisiente's Pov (Diamond Kingdom's First Princess) "So, paano?" tanong ko kay Kronen. Nakasandal ako ngayon sa dibdib niya at ramdam ko ang mabilis na pagtibok ng kanyang puno. "Paano ka namatay?" "It is unexpected," aniya. "At maging si Sina ay hindi inaasahan na maging ako ay mamamatay sa gabing iyon." Napaupo ako ng tuwid at tumingin sa kanya. "Are you telling me that you were also in that tower when they attacked?" Tumango siya. "Sina never told anyone kung kailan siya mamamatay. O kung kailan ka magigising sa mundong ito. Kaya naman ng gabing iyon, naisipan kong dalawin si Sina dahil gusto kitang makita. At ang bumungad sa akin ay ang mga nag-aagaw buhay na sina Sina at Alicia." "W-what?" "I tried to save them pero hindi ko inaasahan na nandoon pa pala ang mga sumugod sa ka

