Sina Crisiente’s Pov (Diamond Kingdom’s First Princess) Hindi ko alam kung ano ang nangyayari ngayon sa Diamond Kingdom. Sa mga oras na ito kasi ay siguradong nakabalik na doon si Alicia at may posibilidad na sinabi na niya sa mga matatanda ang tunay kong katauhan. Kaya medyo kinakabahan ako. Aba’y kahit sinabi kong tatanggapin ko ang anumang makapag desisyon ng palasyo sa kung anong gagawin sa akin ay hindi ko pa din maiwasang hindi matakot. Dahil sa ikalawang pagkakataon ay isang maikling buhay lang ang ipinagkaloob sa akin. Though, wala akong pinagsisisihan sa ikalawang buhay ko sa mundong ito. Nagawa ko ang lahat ng gusto ko eh. Hinayaan ako ng mga magulang ni Sina na gawin ang anumang nakakapagpasaya sa akin. Hindi nila ako pinigilan pa kahit alam nilang mapang

