Sina Crisiente’s Pov (Diamond Kingdom’s First Princess) Magdamag ding gumugulo sa aking isipan ang tanong na iniwan sa akin ng reyna at sa totoo lang ay hanggang sa mag-umaga ay wala pa din akong napagde-desisyunan. Kaya naman hindi ko alam kung paano ko nga ba kakausapin si Alicia tungkol sa iniisip ko para na rin alam niya ang mga posibleng mangyari kapag desidido na talaga ako sa gusto kong gawin para sa kapakanan niya. “Alic--” Nanlaki ang mga mata ko nang bigla akong sampalin ni Alicia nang tuluyan siyang makalapit sa akin. “Akala ko ba, wala nang secrets.” naluluha niyang sabi. “Akala ko ba magre-rely ka na sa akin simula ngayon? Pero bakit, Sina? Bakit pinag-iisipan mong ilayo ako sayo? Bakit?” “A-Ali…” “You said it yourself, Sina.” Marahas niyang pinunasan a

