Sina Crisiente’s Pov (Diamond Kingdom’s First Princess) Wala na. Wala na akong kawala at hindi ko na matatakasan ngayon ang sitwasyon ko. Hindi na din ako makakaatras pa dahil sila na mismo ang pumunta dito upang kumprontahin ako sa mga bagay na siyang may kinalaman kay Sina. Siguro ay dahil nga ilang beses ko nang tinanggihang sundin ang summoning letter nila kaya sila na ang pumunta sa akin. Dahil sa mga oras na ito ay kaharap ko na si Sienna Nuesca-Crisiente, ang kasalukuyang reyna ng Diamond Kingdom at ina ni Sina. Ngumiti siya sa akin. “Matagal-tagal din tayong hindi nagkita, Sina.” Nang sabihin sa akin ni Alicia kanina na alam niya ang tungkol sa plano ni Sina ay agad niya akong hinila papunta sa isang karwahe na nakatigil sa gilid ng kalsada hindi kalayuan ng

