Sienna Crisiente’s Pov (Diamond Kingdom’s Queen) Alam kong hindi na ako welcome sa lugar na ito pero naglakas-loob pa din akong bumalik sa aking angkan upang makakuha ng mga impormasyong kailangan ni Luna upang mapigilan ang pagkawasak ng mundo. At sa totoo lang ay inaasahan ko na ipagtatabuyan nila ako pagsulpot ko pa lamang sa entrance ng kanilang tahanan. Pero hindi iyon ang nangyari. Pinapasok nila ako at payapang sinalubong hanggang makarating ako sa kanilang bulwagan kung saan hinarap ako ng kanilang pinuno. “Sienna,” banggit nito sa aking pangalan. “Matagal na panahon din tayong hindi nagkita.” Akma akong yuyuko para magbigay galang ngunit mabilis itong lumapit sa akin at niyakap ako. “Anak,” Tama, ang aking ina ang kasalukuyang pinuno ng Nuesca clan. “Mo

