Sina Crisiente’s Pov (Diamond Kingdom’s First Princess) Agad naming pinuntahan ang shop na ni-recommend ni Chein at hindi naman kami nahirapan hanapin iyon dahil tulad ng hinala ko ay kusang itinuro ng arrow na nasa card ang direksyon na dapat naming puntahan. Pagdating sa shop ay agad din naming nahanap si Yuzu at malugod niya kaming tinanggap at inasikaso. Sinabi namin ang mga detalyeng gusto namin sa mga gamit at damit na kailangan namin. At madali naman niyang nakuha ang gusto ni Alicia ngunit kinailangan ko pang i-drawing ang lahat ng request ko base sa kanya ay ako palang daw ang nakaisip ng ganoon kaya wala pa siyang ideya kung paano iyon sisimulan. Namangha nga siya ng makita ang sariling design ng damit ang mga armas na gusto kong ipagawa sa kanya kaya naman ka

