Sina Crisiente’s Pov (Diamond Kingdom’s First Princess) Kasalukuyan na kaming nandito sa throne hall at kaharap namin ang halos lahat ng miyembro ng pamilya ni Kronen. At dahil ito palang din naman ang unang beses na nakaharap ko sila ay hindi ko alam kung paano ba ako dapat kumilos lalo na’t kakaiba din ang pakiramdam ko sa kanila. Sinabihan ko si Rin kanina bago kami pumasok dito na panatilihing walang emosyon ang kanyang mukha kapag kaharap na namin ang pamilya ni Kronen. Gusto kong makita ang magiging reaksyon nila pagkatapos ng matagal-tagal na panahong hindi nila pagkikita. At syempre, pinapanatili ko din na hindi magpakita ng kahit anong emosyon sa kanila. At ngayong nakikita ko sila ng harapan, tingin ko ay tama ang isa sa mga iniisip ko. “W-welcome home

