Sina Crisiente’s Pov (Diamond Kingdom’s First Princess) “So, as I was saying, magtitira ka ng isang parte ng toxic swamp sa parteng ito ng gubat at mag-iiwan ka din ng mga rabbit na siyang patuloy na mag-e-evolve para maging isang poi rabbit.” “Gaano kadami ang dapat kong itira?” tanong ni Amber, ang forest spirits na siyang ka-deal ko upang lutasin ang problemang nangyayari ngayon sa gubat na ito. “Iyong tama lang upang patuloy na mabigyan ng sapat na nutrisyon ang mga puno ng akatus,” sabi ko. “Hindi masyadong madami at hindi din masyadong kaunti. Iyong bilang na tingin mo ay kakayanin mong i-handle.” “Hmm,” Napaisip siya sa sinabi ko. Kapalit kasi ng pagpapanatili niya sa mga poi rabbit, akatus tree at isang maliit na toxic swamp, patuloy na po-protektahan ng mga adv

