“Sa BISIG ng KAPRE”
(By: themintyheart)
Fiction
Disclaimer: Ang kwentong ito bagaman kathang isip lamang ay nabuo ayon sa mga tunay na karanasan ng mga totoong tao. Kung may kahalintulad man itong pangyayari, pangalan at lugar ay di sinasadya. Naglalaman din ito ng maseselang detalye ng p********k. Paumanhin po sa mga mambabasa. Ang “Sa Bisig ng Kapre” ay unang nailathala sa ilang blog sa ilalim ng luma kong account (thelustprince) mga taong 2012. Please practice safe s*x guys! All rights reserved. nicolo69@gmail.com
*****
“Bulaga!!!
Si Toper, di namalayan ni Andoy na nasa likod nya na pala ito.
“May problema ka best? Mukhang napaka lalim ng iniisip natin dyan ah?"
"Iniisip mo bang malilinis mo ang marumi at natutuyuang tubig ng ilog sa pagkakatitig mo.” Ang mahabang daldal nito.
Ano na nga ba ang nangyari pagkatapos ng huling bakasyon nilang magkakaibigan.
Pakatapos ng hayskul ni Andoy ay sa Maynila din siya nag kolehiyo at maluwalhating tinapos ang kursong pang accountant. Nakapasa sa board exam at pinalad pang makasingit sa isang pwesto sa top ten.
Si Gelo naman ay papunta na ng Saudi noon upang magtrabaho matapos makapasa nito sa Mechanical Engineering Board Exam.
Nung panahon na yun kahit wala ka pang karanasan sa trabaho ay kinukuha agad ang mga may academic achievements ng mga sikat at malalaking kumpanya. CumLaude kasi si Gelo nung nag gradweyt sa isang sikat na engineering school.
Naiwan naman si Toper sa probinsya at tinapos nya ang kursong Agriculture. Hindi kaya ng pamilya nila ang paaralin sya sa Maynila kung kaya sinunod na lang niya ang kursong gusto ng mga magulang niya sa kanya.
Ayaw man niya ang kursong iyon ay napamahal naman ito sa kalikasan at sa mga bagay na may kinalaman sa pagtatanim at pagsasaka.
Si Edong naman ay Hindi na tinapos ang huling isang taon ng kolehiyo sa kursong Political Science. Nabuntis nito ang kanyang girlfriend at agad naipakasal ng mga magulang at bumuo ng sariling pamilya.
Napakahabang panahon na nga naman ang lumipas buhat nung mangyari ang mga huling kababalaghan at saya na pinagsaluhan nilang apat.
Ngayon ay narito siyang muli mag-isa kundi pa sumulpot bigla ang matalik na kaibigan.
May nakaharang na barbed wire ang ilog na dating dalisay sa linis.
Ngayon ay mistula na itong isinumpa ng kalikasan. Napakataas at napakahaba ng bakod kung saan ay hindi rin niya matanaw ang magkabilang dulo.
Nakatayo siya ngayon at idinikit ang noo sa bakod. Mainit ang barbed wire dahil sa matinding sikat ng araw sa katanghaliang iyon. Pumapaso ito sa kanyang balat at di inalintana. Iniyakap pa niya ng kanyang mga daliri sa alambreng may tulis nagsisilbing bakod.
Mula roon ay tinitigan niya ang kinatatayuan ng puno at natuon sa partiular na bahagi nito. Ang bisig ng kapre. Nakakulong.
Sa di kalayuan ng mga ugat nito ay kapansin pansin ang natutuyuang ilog na abuhin na ang kulay. Wala na ang dating linaw at kinang nito. 'Di mo aasamain pang magtampisaw. Wala na ang nakakaginhawang lamig ng tubig.
Muling dumako ang kanyang paningin sa puno. Tuyot na itong nagmistulang kalansay na ang kamay dahil sa naglalagasang mga dahon. Hindi dahil sa labis na tag-init kundi sa polusyong galing sa pabrika ng semento na nasa kabilang dako ng ilog.
Nagmistula itong walang silbing elepante na tampok sa isang zoo park dahil sa katandaan. Hindi na siya ang dating pinupuntahan ng mga bisita upang masaksihan ang kalakihan at kagitingan nito. Wala nang gusto pang makakita sa kanya.
Nag-iisa. Nakahandusay. Nakakulong. Walang kumakalinga. Naghihintay malagutan ng hininga.
Naramdaman niya ang sunodsunod na butil ng luhang lumatay sa kanyang pisnging pinamumulahan dahil sa tindi ng sikat na araw.
Pumatak ang mga luhang iyon sa tuyong-tuyong lupang kulay abuhin na din. Napansin niyang tila umusok pa ang bawat patak nitong sinipsip ng abuhing tuyot na lupa malapit sa kanyang paanan.
Wala na din ang dating mga luntiang damuhan na nagsilbing higaan ng kanilang kamusmusan.
Pinahid ng likurang bahagi ng kanyang palad ang basa ng luha sa kanyang mga mata. Nang muli siyang dumilat at luminaw ang paningin ay saka niya lang napansin mga naglalakihang karatula sa bakod.
Pinagtatakahan niyang hindi ito mapansin noong unang lumapit siya dito kanina.
Sa tantiya niya ay mga limang dipa ang bawat pagitan ng naglalakihang mga karatula na may nakasulat na “DO NOT CROSS, PRIVATE PROPERTY”.
Napansin din niya ang banners, plackards at iba pang mga signages na nakasabit dito na ang iba ay naglalaylayan na dahil nakalag sa pagkakatali. Binasa nya ito isa-isa.
“Save the environment”, “Kapitalistang banta sa kalusugan ng mamamayan, alis dyan!”, “Hindi kami mga hayop, maawa kayo samin”, “alisin ang pabrika, banta sa kalusugan ng mamamayan!”, “Ang ilog ay daluyan ng buhay!” at napakarami pang iba.
Napalingon siya sa kanyang likuran. Nawaglit sa isip na naroon na pala ang kanyang matalik na kaibigan. Lumayo lang ito sandali upang bigyang daan ang kalungkutan nito sa kanyang mga mata.
Minasdan lang niya sa di kalayuan ang kalungkutan ng kaibigan habang isa-isa nitong tinatapatan ang mga karatulang nakasabit sa bakod.
Hindi man niya nakita ang mga luha nito ay di naman nakaligtas sa kanyang paningin ang pag alog ng mga balikat ng kaibigan nang mapasubsob ang mukha nito sa bakod.
"Ang sabi ko... Okay ka na ba...!?" Pag iba ng tanong ni Toper sa kanya nang makalapit itong muli sa kanya.
“Nakakalungkot lang, hindi kasi ganito itsura ng ilog nung huling punta natin dito, ibang iba na best.,,” Ang malungkot na sagot ni Andoy sa bagong dating na si Toper.
“Wala tayong magagawa best, kahit din ako nalulungkot akala mo ba...?" Sagot ni Toper
"Pero kasama daw talaga yan sa sinasabi nilang pag-unlad, ang pagkasira naman ng kalikasan.” Dugtong pa nito habang napatitig na din sa ilog at sa bisig ng kapre.
“Matatanggap ko naman yan best, kaya lang alam mo kung gano kahalaga sakin ang bisig ng kapre, dyan ko nakilala ang sarili ko.” Mahabang sentimyento ni Andoy.
“Sakin din naman, at alam ko ganun din kay Edong at higit sa lahat sa Gelo mo…” May gumuhit na selos at lungkot sa tinig ni Toper.
“Eto na naman tayo eh...! Nagkaintindihan na tayo dyan di ba?” Matulis na ngiti ang pinukol niya kay Toper. Bigla ding naiba ang kanyang emosyon mula sa kalungkutan ngayon ay sa inis dahil sa pagbanggit nito sa pangalan ni Gelo.
“Ano paba mgagawa ko? E nabulag ang puso mo sa Gelo na yun!” Sabay buntong hiningang napakalalim sa pag ulit pa nito.
“Joke Taaaym... hehehe..!” ang biglaang bawi din nito.
Isang malakas na suntok ang ibinigay ni Andoy sa maumbok at malaking braso ni Toper na namumula lang dahil sa init ng araw. Parehas kasi silang maputi ni Andoy.
Hindi naman ininda ang suntok. Pinagpag lang ng kaunti ang tinamaang bahagi at binigyan ng malagkit na ngiti si Andoy.
Nakasuot lang ito ng manipis at maluwag na kulay itim na sando. Halos dumungaw ng salitan ang mapupulang u***g sa gilid ng sando dulot ng pag galaw ng katawan at ihip ng hangin.
Pinarisan ito ng masikip na pantalon na maong gaya ng ginagamit niya sa bukid at rubber shoes na kulay puti.
Saka lang napansin ni Andoy na malaki na ang pinagbago ng pangangatawan ni Toper dahil sa mga gawaing mabigat sa bukid at sa inaalagaang farm na kanilang nirerentahan. Malalaki na at blugan ang mga hita, at puwitan nito.
Pinagtakhan tuloy bigla ni Andoy kung bakit di niya din agad na napansin ang kakisigan nito kaninang dumating ito.
Bigla ay hinila ni Toper sa kamay si Andoy patungo sa kanyang owner type jeep. Halos pakaladkad naman siyang napasunod.
“Uwi na nga lang tayo sa bahay niyo ni ninang... sobrang mainit na dito...!"
"Para makita mo na alagang alaga ko ang bahay... Gaya ng pag-aalaga ng pagmamahal ko sa yo...!”
"Si Gelo ba minsan naalala ka...!? Sunod-sunod na daldal ni Toper.
"Topeeeeeer...!" Muling saway niya dito. Nagsisimula na naman siyang mainis dahil pagpapaalala niya kay Gelo.
"Mga bata pa tayo... Wala pa ang gagong yun sa eksena natin..! Alam mo namang minahal na kita noon pa...!" Pahabol na sumbat ni Toper pagkasampa nila sa kanyang sasakyan.
"Paulit-ulit na tayo Topeeeeer...!" Napadiin ang palad ni Andoy sa kanyang noo at isa muling matulis na tingin ang ipinukol nito sa kaibigan. Totoong napipikon na sa kaibigan.
"Fasten your seatbelt...!" Birong bawi ulit ni Toper.
"Saan...! Eh uuga-uga nga itong sinasandalan ko... Baka sa kalawang nito pa ang ikamatay ko hindi disgrasya...!" Ganting biro ni Andoy. Nakita din niya sa gilid ng kanyang mga mata ang pagsimangot nito.
Nanahimik na si Toper habang ipinapasok ang susi sa tangkay ng manibela. Pinihit ito ngunit hindi umandar. Inulit muli ang pagpihit ng susi ngunit wala pa rin. Nangalay na ang paa sa kakaapak sa silinyador.
Naktingin lang sa kawalan si Andoy. Nagpapagpag pa din ng inis. dinig na dinig naman niya ang makailang ulit na pag subok ni Andoy na mapaandar ang sasakyan.
Init na init na siya at basa na ng pawis ang kanyang polo. Nilingon na niya ang ginagawa ni Toper.
"Sorry... Sa Lingo pa kasi ito mapupuntahan ng mekaniko para tingnan. Pero kanina okay naman ito..." Blangkong mukha ni Toper habang nagpapaliwanag.
Lumipat ang titig si Andoy sa guwapong mukha nito at nakitang naghalo ang lungkot at dismaya sa hindi gumaganang makina ng sasakyan. Pero naiinis pa din siya sa kakulitan ng kaibigan.
"Sinabi ko na kasi sayo kanina na yung kotseng nirentahan ko ang dalhin mo...! Hindi ka nakikiniiiig...! Paulit ulit tayooo...!" Ang pigil na bulyaw ni Andoy ngunit halata ang inis.
Natigilan si Toper. Unang pagkakataong iyon na maranasan sa kaibigan.
Malungkot ang mukha nito at napahiya sa narinig.
Naawa si Andoy sa kaibigan na nabulyawan dahil sa kakabanggit nito tungkol kay Gelo.
Pero naiinis pa din siya. Alam naman nito ang kanyang pangungulila sa isang tao na hindi na nagpaparamdam ng matagal na panahon inuulit-ulit pa niya. Dagdag pa ang init ng araw at hindi pag-andar ng sasakyan.
"Sandali... Tingnan ko yung makina baka kaya ko..." Napakahinang tugon na lang nito pero hindi na tinapos ang sasabihin.
Nangibabaw na ang kunsensya ni Andoy.
Sa akmang pagbaba ni Toper ay bigla niyang hinawakan at pinigilan ang kanang bisig nito. Napabagsak paupo tuloy si Toper at nilingon si Andoy.
"Sorry naaa..." Masinserong turan ni Andoy kay Toper. Hindi naman siya nito pinansin at muling tumalikod upang bumaba.
Kinabig muli ni Andoy si Toper at idinampi niya ang kayang mga labi sa kanyang bibig. Ito lang ang paraang naiisip ni Andoy upang pababain ang tensyon ng kaibigan.
Ayaw din niya kasing pinagtatagal ang tampuhan sa kanilang dalawa. sila lang ang magkakampi sa buhay.
Pinanatili lang niya ng ilang saglit ang pagkakadikit ng kanyang mga labi sa bibig ng kaibigan. Pinapahupa ang inis.
Si Andoy naman ang nabigla ng dakmain ng dalawang palad ni Toper ang kanyang mukha upang hindi makapalag. Pakiramdam niya ay naka lock ang kanyang mukha sa malabakal sa tigas na kamay ni Toper. Hindi niya maigalaw ang kanyang mukha.
Lalo pa siyang nandilat ng idinidiin ni Toper ang pagkakadikit ng kanilang mga labi. Hindi rin niya maitulak ang maskuladong dibdib ni Toper na ubod din ng tambok at tigas.
Sinubukan niyang dakmain at puwersahang pigain ang malamang dibdib gamit ang kanyang dalawang palad. Nag tig isa ang kanyang mga kamay. Sa halip na sakit ang maidulot niya ay sarap ang nadama ni Toper. Napaungol pa ito.
Sobrang lakas ni Toper at napakaliit lang niya kumpara dito. Nagulat na lang siya nang mag umpisang pumuslit ang dila ni Toper at pinasadahan ang ibabaw ng mga labi ni Andoy.
Parang karneng pinapahidan ito ng mantika upang isalang sa ihawan. Napapasigaw na si Andoy sa inis dahil hindi siya makakilos.
Nagpapapadyak lang siya sa sahig ng sasakyan pero hindi ito nakatulong.
Mahigpit ang pagkakatikom ng kanyang mga labing punong puno na ng laway ni Toper. Naaamoy niya ang stork na nakababad sa bibig ni Toper. Nakita niyang isinubo ito kanina sa kanilang pagmamasid sa kabilang bakod ng ilog.
Napadilat siya ng magsimulang pumilit na pumasok ng pangahas na dila ni Toper sa loob ng kanyang bibig. Ang sigaw niya ng pagtanggi ay nakukulong lamang sa loob ng kanyang bibig.
Mariing kinagat ni Toper ang ibabang bahagi ng kanyang bibig na nagpaigik kay Andoy. Sa wakas ay nakapasok ang matigas na dila ni Toper sa loob ng kanyang bibig at masigasig na ginalugad ang lahat ng masalat nito.
Binubugahan ni Toper ng mainit na hininga ang loob ng bibig ni Andoy habang nilalaplap nito ang kanyang mga labi. Nalasing si Andoy sa sarap ng kapusukan ni Toper. Gumaan na ang pagpiga nito sa kanyang malamang dibdib. Naging haplos na ito.
Napapikit na si Andoy nang magimsulang salubungin na rin niya ang malikot na dila ni Toper. Madulas at mainit ito sa kanyang bibig. Masarap sa isip niya.
Hinigop naman ng masidhi ni Toper ang dila ni Andoy nang mahuli niya ito ng kanyang mga labi at mapuwersang hinila ito palabas sa kanyang bibig.
Napaungol ng mahaba si Andoy sa ginagawa ni Toper. Nakita pa niyang humaba papalabas sa kanyang bibig ang kanyang malaway at mapulag dila.
Tinitigan niya ang mga mata ni Toper at nakitang nakangisi ito na tila nagtatagumpay sa kanyang kapangahasan at pang aakit.
Binitawan ng mga labi ni Toper ang dila ni Andoy saka siya muling sinabsib ng malaplap na halik. Mas naging mapusok
"Oooomppp... huuummmppp... Huuummmmhhhh..." Ungol ni Andoy.
Napapakurot na siya sa mga u***g ni Toper. Hindi niya akalaing naipasok na niya ang kanyang mga palad sa gilid ng butas ng sando nito at malayang nalalamas ang malamang dibdib ni Toper.
Nang biglang gumaan ang kanyang pakiramdam. Biglang nag iisa na lang siya. Idinilat niya ang kanyang mga mata at nakitang pnipihit na muli nito ang susing nakakabit sa tungkod ng manibela.
Umandar ang makina nito na swabeng-swabe tumunog. Umapak sa silinyador at nagsimulang umusad ang sasakyan. Tulala lang si Andoy at kita sa mukha nito ang pangingintab dulot ng pinaghalo nilang laway.
Nakaawang pa ang pumulang mga labi nito sa pagka bitin.
"Joke taaaaaaymmm...!!!" Malakas na tawa ni Toper. Nakita rin ni Andoy ang mukha nitong basa ng laway.
"Ang gago mo Topeeer...! Tangina naman eh...!" Asik ni Andoy habang dinudukot ang panyo sa kanyang bulsa at nagpunas ng laway at pawis na nakakulapol sa kanyang mukha at bibig.
"Bakit mo ginawa yun tangina naman eh...!" Salita muli ni Andoy hawak pa din nito ang panyong pinampunas.
Masarap ang halik na iyon ni Toper ngunit biglang lumutang sa isip niya ang mukha ni Gelo.
"O bakit...? Hindi ka ba nasarapan...?" Tukso ni Toper ngunit nakatutuok ang tingin nito sa kalsada. Nakangisi.
"Hindi...! Nooo...! Bakit ako masasarapan...!!!?" Madiing tanggi ni Andoy.
Saglit na nilingon niya si Andoy.
"Talaga baaa...! Eh ano to...!?" Paninigurado ni Toper. Dinakma nito ang harapan ng walking shorts ni Andoy na agad din namang binawi.
Namula ang mukha ni Andoy. Bakit hindi niya namamalayang tigas na tigas na siya. Biglang bumagal ang sasakyan at tumabi.
Hinarap ni Toper ang mukha ni Andoy at umumang muli ng halik.
"Bakit kasi nakakaakit ang pamumula ng pisngi mo...?" May nginig ang boses ni Toper.
Umangat ang kanang kamay ni Andoy na nakakuyom. Bumanta ito ng sapak. Natawa ulit ng malakas si Toper at di na itinuloy ang balak. Sapat na yung naipalasap niya sa kaibigan ang sarap ng kanyang halik.
Aminado naman siyang hindi rin iyon sapat para makalimutan na niya si Gelo. Muling Umusad ang sasakyan.
"Andito naman ako best... Hindi kita pababayaan... Kalimutan mo na siya..." Pagbasag ni Toper nang pumagitna muli ang katahimikan sa pagitan nilang dalawa. Nakatuon lang ang kanyang mata sa kalsada.
Hindi naman siya nilingon nito na nakatanaw lang sa kawalan sa labas. Nagbuga lang ito ng malalim na hininga at iniayos lang ang pagkakaupo.
"Pag nakita mo buratt ko ngayon nako, baka di mo na kailangan yung sa isa...? Hirit muli ni Toper. Nakita niyang sa gilid ng kanyang mata tumaas ang kilay nito.
"Topeeeeer... Please...!"
"Saka panigurado ko mas malake nato at mas matikas kesa sa gagong nang iwan sayo...!" Dugtong ni Toper.
Hindi pa rin siya nito nilingon. Pero nakita niya ang mababaw na paglubog ng biloy nito. Sigurado siyang npangiti niya ang kaibigan.
"Nung huli nga namin ni gf... Minumura na niya ako... Umaayaw na..." Tinapunan na muna niya ng tingin si Andoy.
"Sobrang laki na daw kasi...! Di kinaya kahit ano daw gawin niyang tuwad at buka ng hita." May landing panunukso na sa boses ni Toper.
Nakita niya naman ang pag alog ng balikat ni Andoy at nakarinig ng mahinang tawa pero pinigil.
"Gusto mo na ba makitaaaah... Pwede mo ding hawakaaan..." Ang maharot na sabi nito na may kasamang pangagatal ng boses. Nagmukha tuloy siyang sinto-sinto sa paningin ni Andoy na nagpipigil pa din ng tawa.
Kinuha ni Toper ang kamay ni Andoy at iginiya ito banda sa zipper ng kanyang masikip na maong pants. Binawi agad ito ni Andoy. Kita niya kasi ang napakalaking bukol. Tinawanan siya ni Toper.
"Topeeeeeeer...!!! Parang kang tanga...!" Pulang-pula na naman ang mga pisngi ni Andoy. Pero hindi na matigas ang kanyang kaangkinan. Naisip na namani niya si Gelo.
Malapit na sila sa bahay ni Andoy. Bumaling muli ang kanyang mata kay Toper. Nginitian lang siya nito nang salubungin din siya ng lingon.
Napagtanto na naman niyang napakalaki ng pinagbago nito sa pangangatawan. Sa taas na halos anim na piye bumagay sa kanya ang paglapad ng balikat at pamumutok ng dibdib at braso nito.
Hindi man niya nakikita ngunit alam niyang may itinatago din itong masarap na pandesal dahil nakabakat ito sa manipis na tela ng sandong nakahimlay sa kanyang tiyan. Itinutulak ito ng hangin at yumayakap sa kanyang balat.
Pero kahit napakalaki na nito naroon pa rin ang likas na lambing nito. Parang bata magtampo at matuwa. Tandang-tanda pa dati ni Andoy kung paano niyakap ng mahigpit ang kanyang inay sa una nilang pagbabalik sa kanilang bahay.
Walang tigil ito ng kakatawag ng ninang habang naiipit naman ang maliit na katawan ng kanyang ina sa napakalalaking braso ni Toper. Halos kasing liit lang kasi ni Andoy ang kanyang ina.
Nagmukhang Shriek si Toper habang yakap-yakap ang napakaliit na si Fiona. Tawang-tawa si Andoy noong panahon na iyon.
"Maswerte si gf..." Bulong sa sarili na lang ni Andoy.
"Maswere ka din sakin..." Pakindat-kindat ni Toper habang sinasabi niya ito kay Andoy.
"Gago...!" Bulyaw nito kay Toper. Lumakas ulit ang kanilang tawanan.
"Kalaki-laki mong kalabaw...! Sagwa mo...!" Dugtong pa ni Andoy.
“Gwapong kalabaw...!?? Hehehe... Gwapong macho, wag nang kalabaw...! Liit titti noon eh!!" Yabang ni Toper.
"Talaga ba...?.!" Maang ni Andoy.
"Di din ako sure... Hahahaha...! Basta ang sigurado ako malake to...!" Sabay hawak sa harap nya.
Napasunod naman ang mata ni Andoy. Pagbalik niya ng tingin kay Toper ay binigyan siya nito ng malapad na ngiting mapang akit pagkatapos ay nagbasa ng labi at tumaas-taas ng kilay.
"Bakit parang di umiimpis ang harap...? Ano yun, laging matigas...?" Sa isip ni Andoy.
"Tarantado...!" Sabay bumitaw ng malakas na suntok si Andoy sa maumbok na braso nito.
Maagap na pinatigas naman ni Toper ang kanyang muscle kung kaya tumalbog lang ang kanyang kamao at nasaktan. Napangiwi si Andoy inipit ang kamao sa kanyang tiyan.
Tinawanan lang siya ni Toper.
"Hatid kita sa airport bukas ha? Miss ko na talaga si ninang... Isama mo ulit sa susunod...!" Basag ulet ni Toper.
"Bakit kasi kelangan ninyong lumipat pa ng Maynila...? Eh pwede ka naman magtrabaho dito satin...!"
Bumaling ang lingon ni Andoy sa kanan at muling nagmasid sa mga dinadaanang mga puno.
"Isama mo si ninang pagbalik mo dito ha...?” Lungot-lungkutan si Toper habang nagmamaneho.
“Nagsesintimyeto ka na naman ba...!" Sapakin kaya kita,..! Paulit-uleeeet...!" Iritableng sagot ni Andoy.
“Andito ka nga! Pero yung property nyo naman ni ninang inaasikaso mo dito...!" Pangungulit muli ni Toper.
"Kundi pa kita sundan dito di tayo magkikita.” Tumulis ang nguso pagkatapos magsalita. Pero nakatutuk pa din sa kalsada.
"Paulit-ulit na naman tayo Topeeeerrr...!!!"
"Hahaha... Sorry na...!" Balik ulet sa pagmamaneho ni Toper.
Hindi masisisi ni Andoy ang bestfriend nya, dahil nagtapat ito ng pag-ibig sa kanya nung makagraduate sila ng hayskul. Pero tinapat nya din ito na may iba nang nagmamay-ari ng puso nya.
At sa pagdaang panahon ay may mga pagkakataon na nahuhulog sila sa tukso, subalit pagkatapos nito ay si Gelo padin ang hinahanap ni Andoy. Hanggang natutuhan na ding tanggapin ito ni Toper.
Gayon pa man naging matalik padin silang magkaibigan. Natuwa din si Andoy nang bigla nalang nabalitaan nitong may girlfriend na ang kaibigan mula sa kabilang baryo. Ninanais niya ding makilala ito sa mga darating na panahon.
Nakarating na sila sa bahay. Nakatayo sila ngayon sa harapan ng hagdanan.
“Oy, ikaw na bahalang tumingin dito sa bahay ha...?" Pakiusap ni Andoy kay Toper. Ngunit iba ang naging dating nito sa kaibigan.
"Para pag nauwi si nanay ganto padin ang itsura nito gaya nung maliliit pa tayo...” Habol na sabi pa ni Andoy.
"Yes boss amo... Masusunod po...” Ang pagbibiro ni Toper.
Hinila ni Andoy ang patilya nito pataas.Sabay silang napatingkayad. Si Toper sa sakit. Si Andoy sa liit.
"Arrraaaaayyyy...!" Pigil-pigil ni Toper sa kamay ni Andoy na nakahila sa kanyang patilya.
"Kausapin mo ko ng matino aaaah...?" Napakamot si Toper sa bahagi ng nahiklat na buhok.
Tinawanan siya ng malakas ni Andoy.
Pag bitaw naman niya sa patilya ay muntik naman siyang matumba paliyad. Maagap namang nahila ni Toper ang bewang nito at napasubsob sa kanyang balikat.
Mas malakas ang tawa ni Toper. Pero natigil din dahil kinagat ni Andoy ang kanyang balikat.
"Haaaaaarrrrrrrrgggggghhhhh...!!!" Ang sigaw ni Toper. Nilingon niya si Andoy at nakita pa niyang nagsinulid ang laway nito nang mahiwalay ang ngipin sa kanyang balat na kinagat.
"Tara na sa loob gutom na ko...! Nagluto ako adobong baboy kanina umaga...!" Kaswal lang na sabi ni Andoy.
Pinapahid naman ng palad ni Toper ang bahaging may kagat sa kanyang balikat. Kumalat ang laway ni Andoy saka itinapat ito sa kanyang ilong.
"Hmmmmhhh... ang bangooooh..." Pumikit-pikit pa si Toper.
"Tarantado...!" Tawanan silang dalawa habang umaakyat ng hagdanan kapit pa din ni Toper ang bewang ni Andoy.
"Adobong baboy lang ang pa peace offering mo sakin...?" Parinig ni Toper.
"Ha...!" Maangan ni Andoy.
Bumulong si Toper sa tenga ni Andoy. Isinayad pa niya ang kanyang mga labi at nilakasan ang buga ng hangin.
"Baka naman pwede maka kantott ulit sayo gaya nung graduation natin... Di mo ba namimiss ito...!?" Malapad ang ngiti nito habang inihihimas ni Toper ang isang kamay sa kanyang harapang namamaga.
"Bastos neto... Yung laplap mo sa kin kanina sobra-sobra na yun no...!!!" Sabay batok nito kay Toper.
"Bastos netooo...!" Ang ulit pa nito pero may bahid ng matamis na ngiti ang sulok ng mga labi.
Alas dos na tanghalian.
Himas-himas nila ang kanya-kanyang tiyan sa kabusugan.
Naupo sa hagdanan. Inaantok si Andoy. Inihehele si Andoy ng lumalamig na simoy ng hangin. Hindi naman na sila tinatamaan ng init ng araw.
"Tulog muna tayo... Inaantok ka na eh...!" Aya ni Toper
"Ha...? Alam mo Toper, hindi ka pa ba uuwi...!?" Iritableng sagot naman ni Andoy.
"Makataboy naman neto...! Parang ang layo naman ng bahay namin... Hahaha..." Natawa sila parehas. Ilang metro nga lang pala ang pagitan ng mga bahay nila.
"Hindi ka ba hinahanap senyo kako...!" Pag iba ng usapan ni Andoy.
"Nasa farm sila nanay diba hinatid ko kanina kaya dumerecho na ko sa pusod ng gubat para sinundan ka dun..." Mahabang paliwanang ni Toper.
"Maglinis ka ng bahay...! O kaya maglaba ka...! Wala ka nang maisuot na damit...! Puro ka sando...!" Iritableng sagot naman ni Andoy. Gusto niya kasing mapag-isa at ayaw niyang makaisa ulit sa kanya si Toper dahil lumalambot na siya sa panunukso nito.
"Malinis lahat ng damit ko... Kakalaba lang ni nanay kahapon... hehehe!" Pang asar ni Toper.
"Saka ang init-init oh...! Di ko kaya mag polo kagaya mo...!" Himas-himas ni Toper ang kanyang malamang dibdib na nasa ilalim ng itim niyang sando. Nahihiklat ito ng kanyang palad at lumilitaw-litaw ang mga uttong nito
Napasunod naman ng tingin si Andoy sa ginagawang pagkurot-kurot pa nito sa kanyang uttong. Nakita niya din ang pakagat ng labi nito. Patuloy siyang inaakit. Tinutukso.
"Topeeeerrr...!" Naiinis na sigaw ni Andoy. Tinawanan lang siya nito.
May dinukot si Andoy sa kanyang bulsa at ipinukol sa kaibigan. Tinamaan niya ito sa noo.
Napahaplos sa kanyang noo si Toper dahil sa sakit ng pagtama ng matigas na bagay. Sinundan niya ng tingin ang binagsakan nito. Holen.
“Tara laro na lang tayo ng holen...” Pag iiba ng mood ni Andoy. Sinusukuan ang kakulitan ng kaibigan.
“Holen ko na lang ang laruin mo...” Ang tukso na naman ni Toper.
“Gago, puntahan mo nalang nga ang girlfriend mo baka gusto niya...!"
"Hahaha...!" Tawa lang nito.
"Uwi ka na Topeeeerrr...!!!"
Alas otso ng gabi.
"Ano na best... baka naman pwede nia...! Kanina pa ko tigas oh...!" Si Toper habang ipinapasok niya ang kamay ni Andoy sa kanyang pantalon. Magkatabi sa kawayang sofa at nanonood ng tv.
"Bastos talagae neto...! Umuwi ka na nga! Walang kasma nanay mo...!" Asik ni Andoy sabay bawi ng kamay derechong hampas ng malakas sa braso nitong matambok. Sumakit ang palad ni Andoy. Tumawa lang ng si Toper.
"Umuwi ka na kasi Topeeeeeer...!" Walkout si Andoy sabay sinalya ng malakas ang pagsara ng pinto ng kanyang silid. Naiwan sa sala si Toper
"Hahahah...!"
Alas dos na ng madaling araw.
"Papasukin mo na ko dyaaan... malamok dito..."
“Utang na loob Topeeeeer...! maaga pa tayo bukas sa kapitolyo.”
“Eto naman sandali lang eeh... Pagbigyan mo na ko pleeeeease… di kita sasaktan pramiiiiisss...!”
"Dadahan-dahanin ko lang..."
"Matulog ka na...!!!"
"Kinakagat na ako dito ng lamok oh... Nakabrief na lang ako beeeest... Tigas na tigas na buratt koooo..."
Pa-kantoooooooottt...!"
"Topeeeeeeeeeeeeerrr...!"
"hahahaha...!"
Alas onse ng umaga nanananghalian na sila. kakagaling lang nila sa kapitolyo.
"Si ninang isama mo pagbalik mo ah...?" Si Toper namamaga ang mata sa puyat.
"Oo naaa... Ulit-uleeet..." Sagot ni Andoy habang nilalagyan ng ulam ang plato ni Toper.
Alas dos ng hapon sa airport. Pabalik na ng Maynila si Andoy.
"Ingat ka... Si ninang ah...?" Ulit ni Toper.
"Yung kotse hangang bukas pa yan ng tanghali gamitin mo muna... Kung gusto mo i-extend itawag mo lang sakin ipasyal mo si nanay mo o kaya si girlfriend mo...!" Mahabang bilin ni Andoy.
"Maayos naman ang owner ko... Okay na yun...!" Blangkong mukha ni Toper.
Biglang tumingkayad si Andoy at inilambitin ang kanyang mga bisig sa leeg ni Toper. Siniil ito ng halik sa labi. Naamoy na naman niya ang stork sa laway nito.
Nagulat man ang kaibigan ay naramdaman niyang tumugon na din ito sa kanya. Tumagal din ito ng mga halos kalahating minuto.
Natigil lang sila nang may magpalakpakan.
Nakita na ni Andoy ang pagpuslit ng matamis na ngiti ni Toper. Makakauwi na siya ng payapa. Nakaligtas na siyang muli sa tukso. Para kay Gelo lang siya.
Naalala ang bakod sa pusod ng gubat. Meron din palang karatula ang kanyang puso.
'Private property-Keep Out'
Halos magkasabay ang kanilang pagtalikod at lumakad na sa kanilang kanya-kanyang paroroonan.
Sa loob ng kotse ay masayang nakikinig ng kanta si Toper. Sumasabay pa siya kantang 'Sana Kahit Minsan' ni Ariel Rivera.
*****
“Sir, Mr. Ricafrente is on the line.” Tinig ng kanyang executive assistant via intercom sa labas ng kanyang office.
Parang binuhusan ng malamig na tubig ang buong katawan ni Andoy. Natulala na parang nakakita ng multo.
“Sir, he’s waiting for you.”
Natauhan si Andoy.
“Ok I’ll get it…” Nagpakawala muna ito ng malalim na hininga.
“Hello...!?” Maiksi man ang salita ngunit hindi naitago ni Andoy ang pananabik sa kanyang boses.
*****
Itutuloy...