"Okay, class. After ninyong i-drawing ang first sketch niyo, pakipasa sa President niyo at siya na ang magpapasa sa akin. That's all for today." Our prof dismissed us. Nakahinga naman ako nang maluwag dahil last subject na at weekend na bukas. "Gusto mong sumama mamaya sa Publiq?" tanong ni Craige habang naglalakad kami sa hallway. It's already four in the afternoon, ilang oras na lang ay papasok na ako sa trabaho. I need to hurry up. "Sorry, kayo na lang." I feel out of place every time I'm around Craige and Fritzie these past few days. Palagi kasi silang magkasama after ng school hours at ako lang 'yong hindi nakakasama kasi nga ay may trabaho pa ako. Hindi ko naman puwedeng iwan na lang basta 'yong trabaho ko, at hindi ko pa rin gustong ipaalam sa kanila situwasyon ko. Ayaw kong mag

