Before I knew it, few months passed after the Masquerade Ball. Ang daming nangyari at dahil tinataguyod naming tatlo nila Fritzie 'yong photography club, nadagdagan 'yong responsibilities ko. Idagdag mo pa ang trabaho ko. Somehow, hindi ko naging problema 'yong financial namin ni Raziel. The condo unit I have is already mine and named after me kaya hindi na rin 'yon makukuha sa akin ni Mommy. Ang tanging pinoproblema ko na lang ay 'yong tuition fee ko, 'yong every day needs namin ni Raziel at 'yong sa kuryente at tubig. Raziel's tution fee is being paid by Carlo's parents. Aniya, 'yon na lang daw ang kaya nilang itulong kay Raziel dahil kahit anong pilit nila rito ay ayaw nitong tumanggap ng kahit anong tulong galing sa kanila. Hanggang ngayon ay wala pa ring nakakaalam tungkol sa trabah

