Akala ko kukulitin pa ako ni Fritzie at Craige about sa Ball pero nagulat ako kasi ni hindi na nila ako kinausap about doon. Weekend went by without me seeing Raziel. Balik na naman siya sa dati, but it's not new to me already. Nang maglunes ay pumasok ako nang maaga. Balak ko sanang sumali ulit sa photography club pero pagkarating ko sa office ay hindi ko inaasahan 'yong sinabi. "Photography club was dissolved." Inilusot ng babaeng nagbabantay 'yong isang folder at nang ibinuklat ko 'yon ay nakita ko 'yong notice na na-dissolve na nga 'yong club. "Did anyone even try to start anew?" tanong ko habang binabasa 'yon. Kulang sa members 'yong last photography club. "Actually, mayroon." Umarko 'yong mukha ng babae na para bang inaalala niya kung sino. "Few students tried. Pero ni hindi sil

