"Anong ginagawa niyo rito?" bungad na tanong sa amin ni Rhaven nang lumapit sila sa amin. Hindi nagsasalita 'yong babae at nakahawak lang siya sa dulo ng damit ni Rhaven.
"I don't want to go home yet. So, I asked her to come with me." Nagkibit-balikat si Raziel. Tumingin naman sa akin si Rhaven pero umiwas ako ng tingin. Errand? Hindi na sana siya nagsinungaling.
"Blair, I'm sorry--" I cut him off.
"Okay lang. You got to do an errand naman, 'di ba?" I sarcastically asked at natawa si Raziel dahil doon. "Paalis na rin naman kami ni Raziel."
"Huh? Sabi mo sasakay pa tayo ng ferris wheel?" Kumunot ang noo ko sa tanong ni Raziel. Wala naman kaming napag-usapang ganoon.
"Sakto, roon din kami papunta ni Rhaven," sabi ng babaeng kasama ni Rhaven. Sa pagkakaalala ko, she's the new vice president of the student council. "I'm Abigail pala, but you can call me Abby." She smiled and took my hand for a hand shake.
Tumingin ako kay Rhaven pero umiiwas siya sa akin, na para bang ayaw niya akong kausapin dahil may malalaman ako. Naglakad na kami papunta sa ferris wheel at pumila. Nilapitan ako ni Rhaven pero hindi ko siya pinapansin.
"Galit ka ba kasi hindi tayo sabay kumain at umuwi?"
I rolled my eyes in annoyance pagkatapos ay nilingon ko siya. "Galit ako sa 'yo kasi nagsinungaling ka." Hindi ako ganito kabilis magalit, pero ewan ko. Nang makita ko silang dalawa kanina ay hindi ko malaman kung bakit ako naiinis.
Apat kaming pumasok sa isa sa parang cubicle ng ferris wheel. Pagkatapos ay nagsimula na 'yong gumalaw. Nanatili akong tahimik, Gusto ko nang umuwi.
"Blair, okay ka lang ba?" Abby touched me pero tinaboy ko ang kamay niya na ikinagulat nilang lahat.
"S-Sorry, okay lang ako. Takot lang ako sa heights," pagsisinungaling ko. Natigilan ako nang tumabi sa akin si Rhaven at hinawakan ako sa braso.
"Hey, are you really okay? You should have said so kung takot ka sa heights. Hindi na sana tayo sumakay rito," nag-aalalang sabi ni Rhaven. Kaya pagkababa namin sa ferris wheel ay nagpasundo na kaagad kami sa driver.
Ang tahimik sa loob ng kotse. Nasa backseat kami ni Abby at nasa gitna namin si Raziel, habang si Rhaven naman ay nakaupo sa passenger's seat. Nakasasakal 'yong katahimikan. Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari ay hindi na sana ako sumabay sa kanila pauwi.
"Salamat sa paghatid, Rhaven. See you tomorrow." Ngumiti si Abby kay Rhaven at naglakad na papasok sa bahay nila. Bumagsak ang balikat ko at sumandal na lang. Gusto ko nang umuwi pero bakit ba kasi ang layo pa ng bahay namin?
"Is she your girlfriend, Kuya?" Natigilan ako sa tanong ni Raziel. Gusto ko na lang tumalon palabas ng kotse kahit umaandar kasi ayaw kong marinig ang isasagot ni Rhaven.
"Hindi," tipid na sagot ni Rhaven pero mukhang hindi satisfied si Raziel sa sagot niya dahil kinukulit pa siya nito. "Ang kulit mo, hindi pa. Okay ka na?" Roon ako tuluyang natigilan. Hindi pa? So he's planning to be in a relationship with her?
"Maganda naman siya, mabait pa. Bagay kayo, Kuya. Hindi ba, Blair?" I bit my lips and tried not to react, irrationally. Parang sinasadya pa ni Raziel na tanungin ako.
"O-Oo, pero masyado pa kayong bata. We're only on grade nine. Isa pa, hindi ba't bawal sa student council ang relationship? You're the President of the whole school. Kailangan mong sumunod," I said and then looked at Rhaven. Nakatingin din siya sa akin at nakangiti.
"Sa bagay. Besides, having you is enough, Blair." Ngumiti siya lalo at binaliki na niya ang tingin sa harap. Somehow, pakiramdam ko, mas mahalaga ako kaysa kay Abby. Kahit pa sa sinabi niya kanina ay parang may plano siyang makipagrelasyon sa babaeng 'yon.
Raziel clicked his tongue as if he's pissed. Pero ako, naginhawahan ako sa narinig ko.
--------------
Kinabukasan, sabay ulit kaming pumasok ni Rhaven at pagkapasok ko sa kotse ay nasa backseat ulit si Raziel. Hindi niya ako pinapansin kahit nang batiin ko siya ng magandang umaga. Napakasungit, kabaliktaran ng ugali ni Rhaven.
Nagulat ako kasi pagkarating namin sa school ay hinatid ako ni Rhaven sa room. Siguro nakokonsensya pa rin siya dahil sa kahapon kahit na sinabi kong ayos lang 'yon. Pagkaupo ko pa lang sa classroom ay nagtaka na ako nang magtinginan sa akin ang ilan sa mga kaklase ko.
"May something talaga sa inyo ni President Rhaven, 'no?" tanong ni Frea, one of my classmates. Palagi nila akong tinatanong n'on kahit pa paulit-ulit naman ang sagot ko sa kanila. "Kailan ba kasi magiging kayo? Ang tagal na naming sinusubaybayan ang love story niyo!"
"Oo nga!" sang-ayon ng iba kong kaklase na tinawanan ko lang.
Kahit gaano pa sila katagal maghintay at sumubaybay, hindi mangyayari ang gusto nila.
Nagsimula na ang klase at nang matapos ang morning schedule ay pumunta na kaagad ako sa kabilang meeting para magpunta sa photography club room dahil pinatawag kaming lahat.
Pagkabukas ko ng pinto ay bumungad sa akin si Jelay, ang President ng club namin. "Kanina pa kita hinihintay, Blair! Puwede bang pumunta ka sa student council room para manghingi ng permit for our club sa darating na foundation day? Please?! Alam ko kasing ipa-prioritize ka ni President Rhaven since malakas ka ro'n."
Wala naman akong nagawa dahil kailangan 'yon ng club namin kaya nagpunta na kaagad ako sa student council office. Pagkarating ko roon ay kumatok kaagad ako at binuksan ang pinto. Natigilan ako nang makita ko si Abby at Rhaven na nagtatawanan habang magkatabi. Sabay pa silang napatingin sa akin at kaagad namang napatayo si Rhaven.
"Blair, anong ginagawa mo rito? Wala pang lunch time--"
"Nagpunta lang ako para humingi ng permission para sa photography club. You know, for the foundation day." Umiwas ako ng tingin. Sino nga ba ang niloloko ko? Hindi porque sinabi ni Rhaven na sapat na ako ay ibig sabihin n'on ay iiwasan na niya si Abby.
"Sige lagay mo na rito 'yong request. Bumalik ka na lang bukas para sa permit," pagkasabi n'on ni Rhaven ay umalis na kaagad ako. Maiinis lang ako kapag nag-stay pa ako roon nang matagal.
Pagdating ng lunch break ay nag-text ako kay Rhaven na hindi ako makasasabay sa kaniya kumain dahil sa club activity but that's a lie. Lumabas ako ng campus para kumain sa nearest convenience store.
Bumili ako ng pagkain at umupo sa tabi ng malaking salaming bintana. Uminom ako pero halos mabuga ko 'yon nang makita ko si Raziel mula sa eskinita hindi kalayuan sa convenience store. He's holding a cigarette while talking with a group of boys. Tinitigan ko pa siya nang maigi para malaman kung siya nga ba talaga 'yon. What is he doing here?
Ganitong oras ay dapat nasa school siya at may klase. Kaagad kong kinuha ang mga gamit ko at naglakad papunta sa direksyon niya. Hihithit pa lang sana siya ng sigarilyo nang hilahin ko 'yon at tapakan.
Napatingin sa akin ang mga kasama niya. "Stay away from Raziel o isusumbong ko kayo sa school principal ninyo?" Parang mga duwag naman silang nag-alisan at naiwan si Raziel na tinarayan lang ako at tumayo.
"What do you think you're doing? You told me to make friends," inis niyang sabi.
"Yeah, I did! But I didn't tell you to be friends with those kind of kids." Parang sinisisi niya pa ako sa ginagawa niya. Nakakaiinis. "Kapag nalaman 'to ni Rhaven--"
"Tell him, then. I don't care!" Tinalikuran niya lang ako kaya hinila ko siya paharap sa akin na ikinagalit niya. "What?!"
"Fine, hindi ko sasabihin sa kaniya o sa magulang mo. But promise me you won't do this ever agaiin." Saglit siyang natahimik na para bang nag-iisip siya kung ano ang gagawin.
Bumagsak ang balikat niya. "Sure, but in one condiiton..." Lumapit siya nang bahagya sa akin kaya napaatras ako. "... You'll be my tutor."
Tutor? Bakit parang ako pa ang nawalan ng choice? In the end, pumayag ako kahit parang dehado ako. Honestly, pumayag din ako dahil alam kong makikita ko rin si Rhaven kapag pumayag ako since sa bahay nila ang napili naming place. It's a win-win situation.
Dahil sa nangyari, pareho kaming hindi nakapasok dahil late na ako at ganoon din siya na inakyat lang ang pader ng school nila. Tumambay muna kami sa park para hintaying mag-5:30. Maraming dumaraang napapatingin sa amin kasi naka-school uniform kami at oras ngayon ng klase. This is my first time skipping classes.
"Why do you like my brother?" Raziel asked out of nowhere. Hindi kaagad ako nakasagot dahil maging ako ay hindi alam ang isasagot doon. At kung alam ko man ay wala akong balak sabihin sa kaniya.
"I like him as my best friend."
Natawa naman siya dahil sa sinabi ko. "Even I know the difference between liking someone as a friend and more."
Hindi ako nakasagot. Hindi pa niya 'yon maiintindihan sa ngayon dahil bata pa siya. Hindi ko na lang sinabi 'yon sa kaniya dahil alam kong ayaw niyang tinatrato siyang bata.
Nang mag-5:30 na ay naglakad na kami papuntang San Fridel Univesity at mula sa hindi kalayuan ay nakita kong nakaparada na ang kotse nila kaya roon na kami dumiresto. Pagkasakay namin ay nagtaka pa ang driver dahil kami ang magkasama imbes na kami ni Rhaven.
"Maaga po kasi akong pinalabas," pagsisinungaling ko.
"Ayan na pala si Sir Rhaven." Lilingon na sana ako sa labas nang hawiin ni Raziel ang mukha ko at hinarap niya ako sa kaniya.
"Manong, may gagawin pa raw si Kuya. Mauna na tayong umuwi/ Let's go." Umandar ang sasakyan kaya tinanggal ko ang kamay ni Raziel mula sa mukha ko at lumingon ako sa labas na kaagad ko namang pinagsisihan.There, I saw Rhaven holding Abby's hand. Kahit umaandar na ang kotse ay nakatingin lang ako sa kanila hanggang sa tuluyan na silang nawala sa paningin ko.
I'm stupid for hoping just because Rhaven said few words to me. Sapat ako pero bilang isang kaibigan. Bakit ba ako umaasa?
Rhaven, hanggang kailan ko kayang tiisin hanggang sa masabi ko na sa 'yo 'yong nararamdaman ko? Hanggang kailan ako magiging kaibigan lang?
Nang makarating kami sa bahay ay hindi ko na kinibo si Raziel at nagpasalamat na lang ako sa driver nila bago bumaba. Nagkulong ako sa kuwarto. Hindi ko namalayang nakatulog na ako sa pagod,
Nagising ako nang makatanggap ng text mula sa unknown number.
From: Unknown number
Hey, I'm not Kuya Rhaven, but I'm here.
Napapikit ako. It was Raziel, I'm sure. But even though he said that he's here, I kept on wishing that Rhaven would text me, too and say the same words.