"Are you sure you're not going to take your things in your condo unit?" tanong sa akin ni Mommy nang nasa sasakyan na kami na magdadala sa amin sa airport. I shook my head. Hindi ako umuwi kagabi. Rito ako dumiretso sa main house namin. Sinadya ko 'yon dahil ayaw kong makita si Raziel. Pakiramdam ko kasi, kapag nagkita kami, baka magbago 'yong isip ko na umalis. I didn't get the chance to take my things. Or to even fix the issue between Fritzie and me. Basta't ang alam ko lang, sa mga oras na 'to, kailangan ko na namang tumakbo paalis. Run away from a dire situation. That's what I'm good at. Kahit alam kong may masasaktan ako in the process, 'yon lang 'yong tanging alam ko para matakasan ang lahat ng bumabagabag sa akin. Even if it means hurting other people. I really am a selfish per

