Life sure has
A cruel way
Of showing us
How good it can be.
- Leo Christopher
Chapter Nineteen
At daggers drawn
Lunes ng umaga ng bumalik si Wyler. Nagulat pa nga ako ng makita si Daniel sa hapag, kasama ang pinsan na nag-aagahan. Hindi ko inaasahang makikita sya dito, dati naman kasi ilang linggo pa ang lilipas bago sya ulit papasyal dito sa villa Franchesca.
"Tutulong ako sa pagtatanim," sagot ni Daniel sa tanong na gumugulo sa utak ko na para bang alam nya ang dahilan kung bakit ko sya pinapasadahan ng tingin.
Nakasuot sya ng sweatshirt, rugged jeans, cowboy boots at cowboy hat. Napatango na lang ako at tinaasan sya ng kilay. I don't know if he can even take the rays of the sun and the hot humid environment lalo na oras na pagpawisan ka. He's light-skinned, his body is not that big though but he's still fit and sturdy. He's the opposite of Lyon.
Well, nakaya nga ni Lyon, iyon na ipinanganak para maging hari, sya pa kaya. But Lyon is stronger than Daniel, he's a vampire while Daniel is a mortal.
Matapos makabalik ni Wyler galing sa paghatid kay Gail sa school ay nagbihis din sya ng pang-bukid bago kami tumungo sa farm. Wala naman akong balak na pumunta ng araw na iyon pero ayaw ko namang palampasin ang pagkakataong makita si Daniel na nagbubungkal ng lupa.
Ang mga trabahador ay nagulat sa pagdating namin, mukhang ang iba ay kinabahan pero mas marami ang natuwa. Nang makasilong sa ilalim ng puno ay inilibot ko ang tingin sa paligid, may partikular na lalaking hinahanap. Bumuntong hininga ako ng hindi sya makita, siguro nasa ibang bahagi ng farm.
O baka naman umalis na.
The men started digging the soils, nakitulong na rin sila Wyler at Daniel at hindi ko maiwasang hindi sila asarin at tawanan. I even took videos of them even they don't want to. Sa huli, tumulong na rin ako.
"Maupo ka na lang kasi don." Pagtataboy sa'kin ni Daniel habang nakapatong ang siko sa pala.
"Stop trying, Jane. You don't fit here." Si Wyler na pinupunasan ng bimpo ang noo.
Eh, paano pa pala sila. Umikot ang mata ko at napabuga saka pinunasan ang pawis sa noo gamit ang likod ng palad ko. Hindi pala talaga madali ang magtanim, nakakahingal at talagang nakakapagod. Bumaling ako sa mga lalaking nagtatanim sa di kalayuan sa'min, mabilis at wala silang pahinga.
Ngumuso ako ng isuot nya sa'kin ang cowboy hat nya.
"Mas kailangan mo ito, Daniel."
He chuckled. "Look at you, you look like a ripe tomato."
Sinimangutan ko sya at pinandilatan, napatili ng tusukin nya ang pisngi ko dahilan para malagyan ng putik ang mukha ko.
"Daniel." I shrieked.
Humalakhak silang dalawa, pati din ang mga nasa malapit sa'min ay nakitawa na rin. Lumabi ako at sa huli, natawa na lang din.
"Tubig, Deucalion."
Mabilis akong napalingon ng marinig ang pangalang iyon at nakita si Lyon na inaabutan ng tubig ng ilang mga kababaihan habang nakatingin sa'kin. Saglit nyang tiningnan ang mga babae para magpasalamat at kulang na lang himatayin ang mga iyon sa konti nyang atensyon. Bumalik ulit sa'kin ang kanyang tingin habang nasa bibig ang baso at umiinom, seryoso sya at nakakunot ang noo.
He's wearing his usual farmer attire, sweatshirt, faded jeans and rubber boots.
Napalunok ako at kinalma ang puso. Ang mga babae ay kinakausapan pa rin sya kahit halata namang hindi sya interesado at nasa iba ang kanyang buong atensyon.
"Is that headmaster Lyon Stonesifer?" Daniel asked, confused and shock.
"Yeah! Trust me, nagulat din ako ng mag-apply sya dito bilang magsasaka." Wyler shrugged his shoulder.
"What? They're poor now?" Daniel utter with plain mockery.
Kinuyom ko ang kamao, pinigilan ang sariling huwag itong singhalan. Ramdam ko ang mata sa'kin ni Wyler na para bang kanina nya pa pinapanuod ang reaksyon ko, hindi ko na napigilang lingunin sya at tama nga ako. Tumikhim sya saka nag-iwas ng tingin at ipinagpatuloy ang pagbubungkal.
Bumuntong hininga naman ako at ibinalik ang tingin kay Lyon pero wala na ito sa dating kinatatayuan, ang nakita lang ay ang mga babaeng nandon. Mabilis kong inilibot ang tingin sa paligid para hanapin sya pero hindi ko sya makita. Inalis ko ang cowboy hat at ibinalik kay Daniel saka nagpatuloy sa pagbungkal ng lupa.
Tanghali ng magpakita si Tyrrell, sumabay ito sa'min sa tanghalian, sa farm na rin kami kumain kasama ang mga magsasaka. Sa dalawang mahabang mesa ay sabay-sabay kaming kumain. I'm not expecting that Lyon will eat with us kaya nagulat ako ng makita sya sa kabiserang mesa, with girls beside him.
Umigting ang panga ko at uminit ang ulo sa nakikitang eksena sa'king harapan, ang mga babae embes na kumain na ay aalukin pa ng kung anu-ano si Lyon.
"Jane, easy, you already murdered your fish."
Napatingin ako kay Tyrrell, nasa kanan ko ito samantalang si Daniel ay nakaupo naman sa kaliwa ko. Nag-init ang pisngi ko ng makita ang kawawang isda sa plato ko, sa sobrang inis ay iyon tuloy ang napagbuntungan ko.
Lahat kami nakakamay, ng bumaling ako kay Lyon. Nakakamay na din sya, ang isang braso ay nakapatong sa mesa at nakakunot ang noong nakatingin sa direksyon ko. Madilim ang mukha at matalim ang mata. Inirapan ko sya. Sya pa ang may ganang magalit samantalang pinapalibutan sya ng mga babae na kulang na lang ay pagsilbihan at subuan sya.
"Ay! Mga malalanding mga 'to, tigilan nyo nga si Deucalion para makakain sya ng maayos at kumain na rin kayo." Sita ng matandang lalaki sa mga babae doon.
Ang mga babae ay umismid at nahihiyang nagsibalikan sa mga upuan.
Kumunot ang noo ko, kanina ko pa naririnig ang pangalan na iyon. I glance at Lyon again and he's still staring at me with the same intensity but with darkness and displeasure this time. I raised my eyebrow at him like I'm not scared or affected even the truth is I'm nervous and uncomfortable. His hand squeezed into fist and a muscle in his jaw twitched while his lips is in grim line.
I don't know why he's mad. Ako nga, kahit kanina pa inis na inis sa mga babaeng lumalapit sa kanya, nagagalit ba ako? Yes, I'm mad but I'm controlling it because that's how a matured woman should act. Even the monster me and the darkness is in rage.
"Deucalion," I sneered and crossed my arms over my chest as I raised my eyebrows at him. Nakaupo sya sa mahabang kahoy na silya habang isinusuot ang kanyang rubber boots.
Nilapitan ko lang sya ng bumalik na ang mga trabahador sa kani-kanilang gawain. Ngayon ko lang napagtanto ang lahat at naguguluhan ako. Why did he keep it from me? Why did he send me flowers and letters back then? What's really his purpose?
Ipinagpatuloy nya ang pagsuot sa rubber boots habang nakatitig sa'kin, galit at banidoso.
I can't believe it, why is he freaking mad at me?
"Huwag kang umakto na ako pa ang may kasalanan. Ako ang dapat na galit, Lyon." Singhal ko sa kanya.
Umigting ang kanyang panga at napaatras pa ako ng tumayo sya, kinabahan at nabalisa.
"Why didn't you tell m-me, Lyon?"
"Does it matter," malamig nyang sabi saka ako tinalikuran habang mabigat ang paghinga.
I am utterly confused why is he acting this way, I really don't have any clue. Tumikhim ako, napabuga na lang.
"So, tell me." I trailed off. "Why are you mad?"
He ran his hand though his hair then disheveled it saka sya napahilamos bago lumingon sa'kin. His face hardened, fear and doubt is apparent in his eyes.
"How can't I be mad? Your ex is here then the guy you like--- f**k!"
My lips slightly parted. Para akong nililipad sa alapaap, dinadambol ang puso at namigat ang mata. I know it's not appropriate to feel this but I can't really stop it, namamangha ako sa nakikitang galit at selos sa kanyang mukha. Naliliyo ako sa nakikitang pangamba at takot sa kanyang mata na para bang dehado sya, talunan at sya ang pinakamahina.
Tumagilid sya habang ang mga kamay ay nasa bewang at nakatanaw sa malayo, tila pinapakalma ang sarili.
Is he jealous? Is he freaking mad because he's jealous of Daniel and... Tyrrell?
"Wait. Hmm, a-are you jealous?" I asked softly.
Magkasalubong ang mga kilay at tamad na nilingon nya ako pagkatapos ay umupo ulit sya sa silya.
"I don't like the way they look at you," he growled and cursed harshly.
Well, Lyon, I don't like the way those girls talk and look at you too.
"But you're not jealous?"
I bit my forefinger as I stared at him amusingly.
"Damn it! Of course I'm jealous, you stubborn pain in the ass."
Hindi na napigilan, unti-unting umangat ang gilid ng labi ko at ang puso ay parang hinihele. Napadiretso ako ng tayo ng tumingin sya sa'kin, he tsked and stand then walk away. Napakurap-kurap ako sa bigla nyang pag-alis ng wala man lamang paalam.
"Deucalion Stonesifer." I called him in a flirtatious way.
Malayo-layo na ng tumigil sya sa paglalakad pero ilang minuto pa bago tuluyang lumingon sa'kin, kunot ang noo at seryoso. Ngumuso ako habang magkahawak ang mga kamay.
Ang gwapo mong mag-selos. Gusto ko sanang isigaw pero pinigilan ko ang sarili. Instead, I smirked playfully.
Mas lalong kumunot ang noo nya, "What?"
Nagkibit-balikat ako pagkatapos ay kinindatan sya saka mabilis na tumalikod para maitago ang pamumula ng pisngi. Bahagya akong natigilan ng mahuling nakatitig sa'kin si Tyrell. I smiled and waved my hands at him and I heard Lyon tsked beside me. Tyrell nodded and smiled too.
Buong hapon na masungit si Lyon at hindi namamansin, ang iba nga ay nagtataka sa inaakto nya pero wala namang nagtangkang lumapit sa kanya. Pati iyong mga babae, hindi na rin lumapit sa kanya.
"Nagtataka ako noong nakita ko dito si headmaster Lyon at mag-aaply bilang magsasaka."
Napalingon ako kay Wyler. Matapos ang mahaba at nakakapagod na araw ay naghahanda na kaming umuwi, papalubog na rin kasi ang araw.
"I've done my researched about him three years ago,"
"What?"
He chuckled then scratched his head. "You can't blame me, you're my cousin of course I want only the best for you."
Napangiti ako sa sinabi nya. I don't know if this is how he charm his girls, but for sure, yes.
Ngumisi sya. "And now I know why he's here."
Nag-init ang pisngi ko at nag-iwas na lang ng tingin sa kanya.
"Alam mo bang wala syang sweldo dito."
Mabilis akong napatingin sa kanya, pinandilatan sya. "A-Ano?"
"He told me that he have his reasons why he's here, at hindi kasali ang pera don. So obviously, he's working with us without payment."
"At pumayag ka naman?"
"I know what he is, Jane and I know you're aware of him too. Three years ago, nakatanggap ako ng USB at galing iyon kay... Frances. Pero alam kong hindi sya ang nagpadala kasi..." Nagbaba siya ng tingin. "Matagal na syang wala."
Hinawakan ko siya sa braso at bahagya iyong pinisil. Malungkot siyang ngumiti. Bumuntong hininga ako saka tumingkayad para mayakap siya.
"Don't fight it, Jane. If you really like him, tell him before it's too late."
Napaluha ako doon. I loathed and feared Lyon back then, dahil sa hindi magandang una naming pagtatagpo isama pa ang binuo kong patakaran sa isipan para sa mga tulad nya, sa mga sagutan at ilang beses nyang pangengealam sa buhay ko... Hindi ko alam na mararamdaman ko ito dahil sa kanya, I didn't expect to feel this emotion towards him.
At tinatanong ko ang sarili, kung nasa akin pa rin ba ang dati kong puso, mararamdaman ko pa rin ba ito sa kanya?
Kanina pa ako nakatitig sa cellphone ko, gusto ko syang tawagan pero pinanghihinaan ako. Nagtatalo ang isipan at puso. Isa pa, hindi ko rin naman alam kung ano ang sasabihin. Basta gusto ko lang ulit marinig ang boses nya. In the end, the monster me won. I followed the darkness and my heart.
I'm dialing his number when suddenly the door of the balcony opened, ibinaba ko ang cellphone sa kama. Malakas ang kabog ng dibdib na tinungo ko ang pinto at napasinghap ng makita sa dulo ng balkonahe si Lyon, nakapatong ang kanyang siko sa barandila at bahagyang nakayuko habang nakatanaw sa malawak na lupain ng Villa Franchesca.
Umirap ako at nakakrus ang mga braso na sumandal sa hamba ng pinto. Pinasadahan sya ng tingin, nakasuot sya ng sweatshirt, denim jeans at sneakers.
"Lyon," I called his name softly and weak.
Nakagat ko ang labi ng hindi man lamang sya lumingon.
"Deucalion." I said again in a strangle voice. Damn, I sound so desperate.
Namula ang pisngi ko ng hindi na naman sya lumingon o nagsalita. Nag-init ang mga mata at nagbabadyang maluha, umismid pero mabilis na kinalma ang sarili ng bigla syang lumingon sa'kin.
Bumuntong hininga ako at nilapitan sya kahit nanginginig ang mga tuhod ko. Pinanuod nya lang ang bawat hakbang ko hanggang sa huminto ako sa tabi nya, agad na humawak sa barandilya dahil pakiramdam ko mabubuwal ako. Tahimik naming tinanaw ang kadiliman.
"Hindi ka na galit?" Mahinang tanong ko.
Lumapit sya sa'kin at pigil ang hininga ko ng bahagya nyang nasagi ang braso ko, muntikan pang mapapikit. Nagbago sya ng pwesto, tumalikod at sumandal sa barandilya habang nakapatong ang mga braso don at nakatagilid ang ulong nakatitig sa'kin.
He heaved a sigh. "I'm not mad,"
Ngumuso ako. "So, you're just jealous?"
Hindi ko alam kung bakit naaaliw ako sa isiping nagseselos sya.
He groaned. "You find this funny? Huh? Janina?"
Hindi ko na napigilan ang pagsilay ng ngiti. Natawa na lang at muntikan pang mapatili ng pumwesto sya sa likod ko at yakapin ako mula sa likuran.
Bumuntong hininga sya saka ibinaon ang mukha sa'king leeg at pinanindigan ako ng balahibo ng maramdaman ang labi at mainit nyang hininga doon, mabigat at tila nahihirapan ang kanyang bawat paghinga.
"You're wrong when you said that you're the darkness because for me, you are the light. You're my light, Jane."
Ipinikit ko ang mata nang makaramdam ng kapayapaan sa yakap nya saka napakapit sa kanyang mga braso na nasa tapat lang ng dibdib ko para makakuha ng lakas dahil pinanghihinaan na ako.
"And if you're the darkness, then, baby, let me be your light."