Kidnap me from my reality And crushed pieces of my soul Color me outside the lines Until my shattered heart is whole. - Perry Poetry Chapter Twenty-Nine Blood and Redemption "What? No." Mariing sabi ni Aiken at tumayo pa sa kinauupuan saka kunot-noong binalingan si Lyon na nakatayo sa likod ng kinauupuan kong sofa habang ang mga kamay ay nasa sandalan. Sumunod ang mga ito dito kasama si Kael na umiinom ng alak sa kopitang hawak while Elric is staring at me like he's reading my mind. Wala na ang mga katawan ng mga nightwalkers, may bahid pa rin ng nagdaang labanan pero kahit pa paano ay maayos na ang Darkstone castle. Aiken frowned. "Did you already talk about this to Lyon?" Dahan-dahan akong tumango na mas lalong ikinakusot ng mukha nya saka niya tiningnan ng masama si Lyon. "Ta

