Labis na takot ang naramdaman ni Maribel ng nakita niya kung paano ang ibang maninimba ay unti-unting nagkapira-piraso na lamang. Hindi na nila mawari ang bawat parte ng mga maninimba dahil nagsikalat na ang mga bahagi ng kanilang katawan sa loob at labas ng simbahan. Halos kapusin siya sa paghinga ng halos yakapin siya ni Juancho habang ang nanag nito ay halos mahimatay sa labis na takot.
"Diyos ko!" bulalas ng nanay ni Juancho. Napakunot ang noo nito ng napasulyap ito kay Maribel na gulat pa rin sa nangyari. Alam niya na dapat siyang magpasalamat sa Diyos dahil ginamit ng Diyos si Maribel upang balaan sila ngunit... sa simulat sapul naniniwala siya na kasama niya ang Diyos sa simbahan na pinagsasambahan nila. Kasama nga ba nila o sadyang inakala lamang niya?
"Juancho! Halika nga rito!" gigil na wika niya. Lumapit siya agad sa kanyang anak na lalaki saka mabilis na hinila ito papalayo kay Maribel. Galit ang pumaloob sa kanyang puso sa tuwing naiisip niya na kasalanan ito ng mismong kulto na kinabibilangan ng batang babae. "Lumayo ka nga sa babaeng 'yan!"
"Pero, nay! Hindi bat dapat tayo magpasalamat sa Diyos dahil kung hindi kay Maribel ay baka patay na rin tayo?" tanong ni Juancho. Napatingin siya kay Maribel na nakayuko na lamang.
Tanging ang malakas na tunog ng ambulansya ang kanilang naririnig. May mga nagsisiiyakan sa labis na pagdadalamhati. Sino nga ba ang mag-aakalang sasabog ang simbahan sa araw mismo ng palaspas?
"Diyos ko ang anak ko!"
"Tatay!"
"Hindi totoo ang Diyos! Kung totoo Siya bakit nangyayari ito?"
Napahawak ng mahigpit ang nanay ni Juancho sa kanya. Unti-unting namuo ang luha nito saka mabilis na hinila siya papalayo kay Maribel. Tumatangis siya sa pagluluksa sa kanyang kapwa maninimba. Hindi niya akalain na iyon din pala ang huling araw na makikita niya ang mga kasama niya sa pagpapasan ng krus.
"Nay, bakit po ganoon ang ginawa mo? Ginamit ng Diyos si Maribel upang maisalba tayo.." malungkot na tanong ni Juancho.
"Tumigil ka, Juancho. Sa tingin mo ba gagamitin ng Diyos ang isang batang babae na galing sa kulto! Baka nga siya pa ang nagsabi sa pinuno nila na patayin tayo. Lumayo ka sa kanya dahil walang maganda na mangyayari sa'yo kapag kasama mo siya!" gigil na turan niya. Halos kapusin siya sa paghinga ng tuloy-tuloy niyang bigkasin ang bawat kataga na 'yon.
"Baka nga anak siya ng demonyo! Hindi siya ginagamit ng Diyos, naiintindihan mo ba? Sa araw na makita kita na kasama mo siya, talagang papaluin kita!"
"Nay naman!" Hindi na nakaangal si Juancho. Gusto man niya na ipagtanggol si Maribel sa kanyang ina ay wala naman siyang tapang na gawin iyon. Kilala ang pamilya ni Maribel bilang parte ng kulto sa gitna ng bundok. Maliban pa roon, nalaman din nila na si Maribel mismo ang kadalasan na sinasamba ng mga miyembro. Ngunit nakakapagtaka na walang alam si Maribel tungkol doon.
Napasulyap siya kay Maribel sa huling pagkakataon ngunit nakatingin lamang ang kanyang kaklase sa mga bangkay na nakakalat sa labas ng simbahan. Tinalikuran na lamang ni Maribel ang mga bangkay na iyon. Labis siyang nagsisisi dahil kung dalaga sana siya ay baka naniwala ang mga ito sa kanya. Nagdesisyon na lamang siya na bumalik sa kanilang lugar.
"Maribel, saan ka nanggaling? Bakit ka lumabas ng ganitong oras?" galit na sigaw ng kanyang nanay. Halos makurot na siya nito kaya napaigik na lamang siya.
"Ako ang nagpaglabas sa kanya. Nalulungkot daw siya rito at gusto niyang may makalaro..."
Nanglaki ang mga mata ng kanyang nanay ng narinig nito ang boses ng kanilang pinuno. Napaurong pa ito sa labis na takot saka hindi na lamang nagsalita.
"Bakit ka umiiyak, Maribel? At bakit may mga sugat ka?" tanong ng pinuno. Hinaklit nito ang batang paslit na si Maribel saka pinaupo sa kanyang tabi. Hindi niya maialis ang kanyang mga mata na para bang nakakita siya ng magandang dalaga sa kanyang harapan.
"Na--nadapa po ako.." pagsisinungaling ni Maribel. Malakas ang t***k ng kanyang puso ng tingnan niya ang mga mata ng kanilang pinuno.
~~~~~~
Napadaing na lamang si Maribel ng unti-unti niyang ibukas ang kanyang mga mata. Ilang beses ba siya dapat gumising sa loob mismo ng hospital? Napalingon siya sa kanyang paligid at nakita ang dextrose na nakakabit sa kanyang kamay.
"Miss, mabuti na lamang ay gising ka na! Sinubukan namin na hanapin ang mga kamag-anak mo ngunit walang naka-save sa contacts mo.." nakangiting sabi ng lalaki. Kumakamot ito sa kanyang ulo na para bang nahihiya ito. Napaupo na lamang siya sa hospital bed. Napalunok siya ng napansin niya na dinala siya sa isang pribadong hospital. Sigurado siya na mauubos lahat ng natitira sa ATM niya!
"Miss, are you okay? Saglit kakausapin ko ang doctor!" dagdag ng lalaki.
"Hindi ko kailangan ng doctor dahil hindi naman nila ako kayang pagalingin. Ang kailangan ko ay pastor mismo! Iyong marunong mag-exorcist!" seryosong sabi niya sa lalaki.
Napatanga naman ang lalaki sa kanya. Hindi nito inakala na maririnig niya ang weird na salitang iyon. Napangisi ito.
"Miss, ito ba ang strategy mo para makuha ang atensyon ko?" luko-lokong tanong niya.
Napakunot ang noo ni Maribel. Umirap pa siya. Sa itsura pa lang ng lalaki ay mukhang mama's boy na ito kaya ayaw niya! Gwapo man ito at mukhang daks ngunit na-trauma na siya.
"Gago ka ba? O nakahithit ka mismo ng shabu?" pigil ang inis na tanong niya pabalik.
"What?" Halos lumabas na ang eyeballs ng lalaki sa kanyang narinig. It's his first time to hear someone accusing him for using drugs! "Are you for real? Ganito ka ba talaga? Hoy! Ako lamang ang tumulong sa'yo!"
"Pakialam ko! Kung inaakala mo na mababayaran kita nagkakamali ka! Poorita ako! Pokpok ako naiintindihan mo ba?"
"What?"
"What-what mo mukha mo! Umalis ka sa harapan ko!"
Hindi na nakaimik ang lalaki. Kitang-kita niya kung paano magpigil ng inis ng galit si Maribel. Umalis na lamang siya upang kausapin ang doctor nito dahil baka may sira ito sa utak.
"Miss! Bakit ka umalis? ang tigas ng ulo mo!" habol niya kay Maribel ng nalaman niya na nagpupumilit itong umalis sa hospital. Laking pasalamat niya na mismong nurse ang nag-inform sa kanya. "You don't need to worry about your expenses. I'm willing to help you.."
"Anong kapalit? Okay, may motel ka ba na alam dito? Kung gusto mo diyan na lamang tayo sa may kanto para makamura ka. Tutulungan mo ako kapalit ng mga gagawin ko sa'yo. Magaling ako sa kama hindi ka na luge!"
Napanganga na lamang ang lalaki sa lakas ng loob ng babaeng nasa harapan niya.
"I can swallow your c*m like what I always do to my customers. What do you think?"