Chapter 3: Sudden death

1586 Words
Erin’s POV Tahimik kaming nakaupo sa bench sa may field. Hanggang ngayon nanginginig pa rin ang mga kamay ko. Masyadong mabilis ang pangyayari, hindi na rin naming nagawang sumama sa mga kumuha kay Xander dahil sila na raw ang mag-aasikaso, sila na raw ang kokontak sa parents nito. It’s strange, I really have a bad feeling about this. “Hey.” Hinawakan ni Zero ang kamay ko at tinignan ko lamang siya ng blangko. “Ano bang nangyayari?” Tanong ni Jester. He’s also frustrated, just like the rest of us. Oo may nagawang kasalanan sa amin si Xander noon pero pinagsisihan na niya ‘yon. Red org ba ang gagawa nito? No, imposible, patay na ang leader nila and I’m sure of that. Hindi kaya sina Josh? Kevin? Sila kaya? Ugh! Walang sabi-sabi, bigla akong tumayo at paalis na sana ngunit hinila ako ni Zero. “Saan ka pupunta?” “Titignan ko ‘yong kuha ng cctv sa may entrance ng cafeteria.” Lumuwag ang paghawak niya sa kamay ko kaya naman tumakbo ako. Naramdaman ko naman ang pagsunod nila sa akin. Hindi na rin ako nag-abalang kumatok sa control room kaya napatayo ang nagbabantay roon nang bigla akong pumasok. “Teka teka. Anong ginagawaㅡ” “Isusunod kita kay Xander kapag hindi ka umupo.” Kahit wala siyang idea sa sinabi ko ay naupo pa rin siya. “Erin, relax.” Paalala ni Xian. “Nasaan ‘yong kuha sa entrance ng cafeteria? I want to watch it.” “H-ha? Ano... Walang kuha.” “Anong wala?” Pagsingit ni Alex. “Pina-delete po.” “Sino?!” Sigaw ko. What the hell. Sino naman ang magpapa-delete noon?! “Hindi ko po pwedeng sabihin, mapapatalsik ako sa trabaho.” “Alam mo bang binaril ko ‘yong leader ng intrepid noon? Gusto mo ba na isunod kita sa kanya?” Madiing banta ni Zero. “Guys, seriously. Huminahon kayo.” Naiiling na sambit ni Chloe. Tinitigan lang namin ang security na nagbabantay rito. Pinagpapawisan siya kahit malamig naman dito sa loob. “Kuya, sumagot ka na kasi. Sino? Sino ang nagpa-delete?” Mahinahong tanong ni Rozee. “Hindi ko talaga pwedeng sabihin.” “Kuya, ‘wag mo ko hintaying mapikon.” Ani Jester. “Sasagot ka lang naman kasi. Hintayin mo pa bang masaktan ka? Walo kami. Isa ka lang.” Dagdag pa ni Jennie. Panandaliang natahimik ang security. Naghintay lang kami sa sasabihin nito and for some strange reason, kumakalabog ang dibdib ko. “Hindi ko alam kung sino pero utos ‘yon ng school’s management.” Nagkatinginan kami nila Zero nang marinig iyon at nag-decide na umalis na roon. Tahimik lang kaming naglalakad, ni isa ay walang kumibo. What the hell was going on?! ㅡ “Don’t you think it’s very suspicious?” Tanong ni Chloe, magkakasama kami ngayong apat dito sa kwarto namin. “Something’s wrong with this academy.” Dagdag pa ni Rozee. “Yeah, I know. Matagal ko nang nararamdaman na may mali rito sa school na ‘to. Remember that time? ‘Yong sa anniversary party?” Tanong ko kay Chloe. “Expect ko nang mapapatalsik ako sa academy dahil ang laking gulo no’ng nangyari pero sabi ng dean, gusto akong panatilihin ng school’s owner.” Napataas ng kilay si Jennie matapos iyong marinig. “Hindi kaya kamag-anak mo ‘yong may ari nitong school?” Tanong niya at lahat kami ay natahimik. Miski ako, hindi ko alam kung anong isasagot ko sinabi niyang ‘yon. Imposible naman yata, I meanㅡ‘yong mga pasakit na nangyari kay mom at sa akin? Imposibleng kamag-anak ko ang may ari nito. But what if, konektado nga sa akin ang taong ‘yon? At kung totoo, sino? Sino naman?! “Argh!” Nasubsob ko na lamang ang mukha ko sa unan sa sobrang frustrated! Nakakainis. Ano na naman ba ‘tong nangyayari? “Don’t let your guard down. Hindi natin alam ang mga pwedeng mangyari sa mga susunod na araw.” Paalala ni Chloe, dahilan para pasadahan ko silang tatlo ng tingin. Alex’s POV Magkakasama kaming apat sa kwarto nila Zero nang maka-received ako ng text galing kay Rozee na nagsasabing magkakasama silang apat sa kwarto ni Erin. We don’t have any idea what’s going on inside of this campus. Kahina-hinala lang ang mga nangyari. Bakit ipapadelete ng school’s management ang kuha ng cctv doon sa lugar kung saan natagpuan ang katawan ni Xander? Isa lang naman ang ibig sabihin noon. It’s either ayaw nilang malaman ng kahit na sino ang totoong nangyari or ayaw nilang malaman namin ang sikretong tinatago ng academy. “So, what’s the plan?” Tanong ni Jester. “Wala pa tayong sapat na ebidensya. Wala tayong alam sa nangyari kaya wala tayong plano. Let’s just stay calm for now. Kapag may kakaibang nangyari, saka tayo kumilos.” Suhestiyon ko. “Hintayin nating may mamatay ulit?” Tanong ni Zero. “No. Like I said, wala tayong alam. What if kaaway ni Xander ang gumawa noon sa kanya at pinagbantaan lang ng tao na ‘yon ang security na nagbabantay sa control room? Kung maulit man ang insedenteng ‘yon. Doon lang tayo kikilos dahil paniguradong kagagawan na ‘yon mismo ng school’s management.” “Tama si Alex, hindi dapat tayo magpadalos-dalos. Hindi naman siguro hahayaan ulit ng school na mangyari ang insendente. Not unless, sila mismo ang may kagagawan no’ng nangyari.” Dagdag ni Xian at natahimik lang kami. Kanya-kanya kaming nag-iisip ng mga pwedeng posibilidad. “So what are we going to do now?” Tanong ni Zero, magsasalita na sana ako nang bigla na lang mag-ring ang phone ko. “Rozㅡ” “Hey! Pumunta kayo rito. Faster!” “W-why? Nasaan ka? Bakit ang ingay?” “Dead body! There’s a dead body inside of our dorm!” “What? Wait. Pupunta kami d’yan.” Nakatingin lang sa akin ang tatlo, tila nagtataka. Mabilis ko namang naitago ang phone at saka tumayo. “What’s going on?” Tanong ni Xian. “May patay raw sa girl’s dorm. Let’s go.” Nagmadali kaming lumabas at saka tumakbo papunta sa girl’s dorm. Hindi na kami nagdalawang isip at pumasok na sa loob hanggang sa makita namin ang maraming babaeng nagkukumpulan sa hagdan paakyat ng third floor. “Alex!” Sigaw ni Rozee na nasa itaas. Sumiksik naman kami sa dami ng tao para makaayat kung nasaan sila.. “What happened?” “I don’t know, nag-uusap kaming apat nang bigla na lang kaming nakarining ng sigaw. Tapos pagbaba namin, naabutan na lang namin na walang malay ‘yong babae. Just like what happened to Xander.” Paliwanag niya at saka ko naman nilapitan ang babaeng umiiyak sa tabi noong bangkay. “Kilala mo siya?” Tanong ko. “S-she’s my roommate. Pupunta dapat kami ng infirmary dahil sabi niya ay masama ang pakiramdam niya pero nabigla na lang ako nang bigla siyang natumba. Akala ko na out of balance lang siya pero noong hawakan ko siya. H-hindi na siya humihinga.” “May mga kahina-hinala ba siyang kinikilos nitong mga nakaraang araw?” “Madalas siyang tulala. Madalas din siyang mawala tuwing gabi, kapag tinatanong ko naman kung saan siya nanggagaling, isasagot lang niya na may inaasikaso lang siya.” Tumango lang ako at saka sinabihan sila Erin na roon na muna kami mag-usap sa kwarto nila. Zero’s POV “See? Hindi na kaaway ni Xander ang gagawa nito.” Ani Jester nang makapasok kami sa kwarto nila Chloe. Agad naman kaming naupo sa kama kung saan kaharap namin sila Erin. Tahimik lang siya, para siyang may sariling mundo. And I’m sure, she’s planning to do reckless things again. “Hey. I have a plan, let’s exchange roommates.” Suhestiyon ko kaya nakuha ko ang mga atensyon nila. “What the hell are you talking about?” Tanong ni Erin. “Si Xian muna ang kasama ni Erin sa kwarto. Si Chloe naman kay Alex, si Jennie kay Jester at kami naman ni Rozee.” “What? Kung makapagsalita ka parang nakikipagtrade ka lang ng can goods ah! Babae kami! And that’s prohibited.” Histerikal na reklamo ni Rozee. “What are you planning?” Mahinahong tanong ni Jennie. “Don’t you think hindi ko malalaman na may pinaplano kayong gawin?” Seryosong tanong ko, dahilan para magkatinginan ang apat at sabay-sabay na mapalunok. “Your reactions says it all. And come on, we have two keens in our group remember?” Tanong ko at saka inakbayan si Alex. “Sorry, girls. Sabi ni dad na isa sa mga traits ng aberrant ang paglutas ng mga problema by their own. Curiosity will make them to do reckless things and that’s proven. Right Erin?” Napataas lang ng kilay si Erin. “You’re different from us, you need to be more careful. I will agree with Zero’s idea.” Pagsangayon ni Xian. “Wait, what? So you’re going to sleep with Erin?” Reklamo ni Jennie. “You know you’re the one I like. Stop being hard headed. I know may plano si Zero.” Natahimik na lang si Jen at hindi na nakakibo matapos iyong marinig. I bet hindi niya inaasahang sasabihin ‘yon ni Xian. “Don’t forget us. Magkakasama tayong lulutas ng mga problema.” Ani Jester at saka kumindat kay Chloe dahilan, para mamula ang pisngi nito. “Bukas pa naman natin magagamit ‘yong idea ko na magpalit-palit ng roomate so... Let’s get some rest for now. Bukas na natin pag-usapan ang plano.” Sabi ko at sumangayon naman ang lahat. This day caught us off guard. Masyadong biglaan ang mga pangyayari. Bago kami tuluyang makaalis ng boys ay nilapitan ko muna ang girlfriend kong kanina pa tahimik. Inangat ko ang baba niya para mapunta ang tingin niya sa akin. Ayoko siyang nakikitang ganito, ini-stress na naman niya ang sarili niya. “Hey, everything’s going to be okay. We will solve this problem.” Paninigurado ko at bahagya naman siyang ngumiti. “I know butㅡ” I cut her off by stealing a kiss. Agad naman niya akong sinamaan ng tingin dahil doon. “No buts, just think positive. Sama-sama nating aalamin ang misteryong nangyayari sa academy.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD