Chapter #2: Vacation

1623 Words
II: Vacation Third Person's Point of View Monday 2:34 pm "Wow! One week vacation for Asia. Huhuhu! Hope all..." Naiinggit na sigaw ni Queen habang hinihimas himas ang mahaba't magandang buhok nito. Si Queen Perez, ang isa sa mga kaibigan ni Asia sa kanilang Agency. Kaagad siyang tumungo sa opisina ng kaibigan na kasalukuyang nag-aayos ng mga gamit para sa kanyang isang linggong bakasyon. Pumasok siya't kaagad niyakap si Asia. "Bakit ka magbabakasyon? I mean, give me the real reason why you've decided to take a one- week vacation." Napatingin na lamang sa kanya ang tahimik na kaibigan. Binigyan siya nito ng malamig na titig, parang pinapakita nito sa kausap ang ganitong sagot, “At bakit hindi?”. "For what I've remembered, hindi mo actually gusto ang mga ganun." Dagdag pa ni Queen. "Nothing, I just wanted to relax for a while. Is it bad to have a one- week leave in the agency?" Sagot naman ni Asia. Naglakad siya at umupo sa mahabang sofa na matatagpuan sa tabing pintuan ng kanyang sariling opisina. Sumunod naman si Queen at umupo sa tabi niya. Sinusubukan niyang mag-isip ng topic upang kausapin ng mas matagal ang malamig na kasama sa silid. "Then tell me, where do you want to spend your vacation days?" Ningitian niya ang kaibigan, at talagang makikita sa bakas ng pagmumukha nito ang pagkasabik na malaman ang kasagutan. Tumingin naman si Asia at binigyan siya na isang mahaba't malamig na titig, kagaya ng palagi niyang ginagawa sa kahit sino sa kanilang opisina. Alam naman ni Queen na hindi kaibigan ang turing nito sa kanya, kahit ilang beses pa siyang lumapit at ngumiti kay Asia. "It's totally none of your business." She replied. "Ehh?! Ngayon ka nga lang nagkaroon ng chance na makapagbakasyon, and then ayaw mo pang i-share sakin." At tuluyan na ngang nagtaray si Queen. "Am I a total stranger to you?" “Yes, a perfect stranger…” Tugon ni Asia. Napahinga siya ng malalim sapagkat magpasahanggang ngayon ay kinukulit pa rin siya ng kasama kahit matagal na niyang dinidedma ito. Malamig pa din ang pakikitungo niya kay Queen, ni’ hindi niya iniisip na kaibigan ang turing sa kanya. But as usual, nasanay na rin si Queen sa pagiging cold at tahimik niya. “It's a secret, and a personal matter for me..." Mahinang sambit ni Asia. "Fine! But, you better call me if you need my help." She smiled. "I will, Queen." Queen stood up. And then, she started to step through the near door. She turned after she remembered something. "Before I forgot, be careful! Now a day, lots of investigators are searching for us. They will hunt us down. And you don't want that to happen, don't you?" "Y-yeah..." "So better keep your eyes open, and keep your profile clean and trustworthy too." Masiglang saad niya. "I will, thank you!" Madalas napapaisip na lamang si Queen kung talaga bang napililitan lang si Asia na sagutin ang mga pinag-uusapan nila. Lumabas na siya sa silid at agad na isinara ang pinto. Kahit nakalabas na siya, huminto pa rin siya at pinagmasdan ang pinto ng opisina ni Asia. "Hayyy! Nakakainis..." Tahimik na sigaw ni Queen sa sarili. Hinawakan niya ang kanyang pisngi at biglang napaisip. "Huhuhu! Hindi ko man lang nagawang kausapin siya ng mas matagal. Sa tingin ko, nagtagal naman ng limang minuto ang mga pinag-usapan naming dalawa." Napangiti siya at biglang napatawa. Hindi niya alam kung matutuwa ba, sapagkat 'yun na ang pinakamahabang conversation nilang dalawa. Itinuturing niyang greatest achievement ang mga nangyari kanina, tumaas ang confident niya sa sarili. Sino naman ang hindi matutuwa kung nagawa mong makausap sa loob ng limang minuto ang heartless angel ng kanilang agency? "Nakakaawa pala ako, huhuhu! Di' bale, mas madami na kaming pag- uusapan sa susunod. Lalo na't ang magiging bakasyon niya ang magiging topic namin. Hahahaha..." Hindi niya napigilan ang sarili at napatawa na siya sa excitement na nararamdaman. Pakiramdam niya ay bestfriend na ang magiging next relationship nilang dalawa. Niyakap niya ang sarili at sumayaw na parang nalalasing. Sa sobrang saya, hindi niya namalayang napatingin pala sa kanya ang mga katrabaho sa loob ng kanilang agency. Napahinto rin ang mga ito dahil sa ingay na sinimulan niya. … "This place was full of idiots." Narinig niya mula sa lalaking napadaan sa kanyang likuran. Napahinto si Queen ng mga sandaling iyon. Unti- unting nawala ang bakas ng saya sa pagmumukha niya. Agad niyang hinanap ang taong nagparinig noon sa kanya. At nakita niya ang nag iisang lalaki na nagmula sa direksyon niya. Lumingon ito at napatingin sa kanya, nagtaka sapagkat nanlilisik na sa pagkainis ang mga mata ni Queen. Huminto ang lalaki sa paglalakad at agad humarap sa nagbabagang dalaga. "Are you mad? I'm just telling you the truth." And he smiled. "I hate you, Mr. Pillow man!" Queen replied. … "Mr. Pillow man?!" Napatawa siya. “Yan pala ang tawag mo sakin, hahaha…” "Yeah! You don't know why, Mr. Seth? You're actually clumsy and soft like a pillow." She stared at him, trying to fight through by showing her murderous eyes. "And, I also like to put your head on this shining floor to smash your skinny face..." palaban na dagdag pa niya. Bigla namang nag- usok ang ilong ni Seth. Si Seth, ang isa sa mga special hacker ng kanilang agency. At ang taong nagpahiya kanina kay Queen. Napatingin na lamang sa kanilang dalawa ang mga nagta-trabaho sa agency. Napapahinto maging ang mga abala sa kanilang ginagawa, ito’y dahil alam nilang matagal ng magkaaway at hindi nagkakasundo ang mga Top killers sa kanilang agency. "Don't you dare to call me Mr. Pillow man, you big- mouthed idiot!" Palaban at malamig na saad naman ni Seth sa kaharap na dalaga. "Whaaat! Don't call me idiot, you filthy as*..." Queen shouted. Mabilis na nagsikilos ang mga nakasaksi sa kanila, mga katrabaho at maging ang mga janitor at tagalinis ng banyo. Kumilos upang tumakbo't tumago, at hindi upang pigilan ang gulo sa pagitan ng dalawang psycho na nagbabaga na sa buong Centro ng agency. Parehong masama ang tingin nila sa isa't isa. Subalit walang naglakas loob na lumapit upang pigilan sila, kaya't lalo lamang nabalot ng nagbabagang inis ang buong silid. Inis ng dalawang makitid ang utak, ‘yun ang parating bulong ng iba. "You know me, tagaligpit ako ng agency..." Pagbabanta ni Queen sa binata. "Tama, tagaligpit ka nga! Tagaligpit ng mga bangkay at hindi ng mga buhay." Nanlaki ang mga mata niya, "Bakit malakas ba ang loob mo para linisin at iligpit ang mga bangkay? And for your information, tagalinis din ako ng mga evidence na iniiwan ng mga killers natin. As if kung kaya mong gawin, sa computer ka lang naman magaling..." "I don't care. Hindi naman ako kagaya mo, ikaw na di' kayang hanapin kahit ang Google sa internet." Napangiti si Seth na parang minamaliit ang kasamang dalaga. "Stop this nonsense! Both of you are the same," biglaang sambit ni Asia nang makalabas sa sariling opisina dahil sa ingay ng dalawa. "We're not the same. I am handsome, and she's a freak." Sagot kaagad ni Seth. "What?! Go to hell, you piece of junk." Galit na saad naman ni Queen. Napabuntong hininga na lamang si Asia dahil sa katigasan ng mga ulo nila. Nag-ngingitngit siya sa inis, parang anumang oras ay baka hindi niya mapigilan ang sarili na parehong bugbugin ang dalawa. "Both of you are totally the same, and it's true." Nagtaka ang dalawa sa sinabi niya, di' malaman ang kanyang ibig sabihin."Both of you are full of— pride! So be quiet..." … Hindi nakasagot ang dalawa at napatulala na lamang sa isinigaw niya. They can't even say any words, perhaps she's right about that. At lalo’t higit sa lahat, ayaw naman nilang kalabanin ang Top 4 assasin sa kanilang agency. “Pareho din kayong Idiot, parehas may sira sa ulo, at ano pa? Lahat na ata nasa inyo na, and the worst idiot awards goes to—the both of you…” Masungit na saad ni Asia. “Oh, come on! Siya naman ang nag-umpisa eh…” Malungkot na tugon ni Queen. “Oh, really? Nice, kung hindi ka lumaban di’ sa—” Putol na sambit ni Seth, sapagkat nakita nya ang Head ng kanilang Agency na nakapaway-awang at nakatayo malapit sa kinaroroonan nilang tatlo. … "Go back to work, ladies and gentleman. Our agency wasn't for street rappers, like you guys. So be professional when it comes to you own duty." Saad niya. Napadaan ito dahil sa sigawan na nangyayari. "Roger!" Sagot nila, at napalunok na lamang sa sinabi ng head. Lahat sila ay nadamay sa isang iglap, at 'yun ang masakit para kay Asia. At nasabihan pa silang mga strret rappers ng mismong Head. "Hahahaha... Sana kasi nagtago ka na lamang din!" Bulong ni Queen sa kay Asia. "It's okey. But next time, susunugin ko kayo pareho..." Malamig na tugon naman niya. "Nice, why don’t we hang out sometimes?" Pag-alok ni Seth kay Asia, makikita ang saya at excitement sa mata ng binata. “Please…” Hindi na lamang siya sumagot at tinalikuran na lamang ang dalawang mag-kaaway. Mabilis siyang naglakad papasok sa sariling opisina katapat lamang ng dalawa. Samatalang naiwan ang dalawa sa labas, parehas masama ang titig sa isa’t isa. “How dare you? Ang kapal ng mukha mong alukin siyang lumabas. Sobrang kapal…” (O_O)… “I don’t care, sa susunod sisiguraduhin kong siya mismo ang lalapit sakin.” Ngiting sambit ni Seth sabay talikod sa Queen. Humakbang na siya at iniwan mag-isa ang kasama. Napaisip si Queen, naiinis siya sa tuwing maaalala ang ngiti sa mukha ng mortal niyang kaaway. Maya-maya din lamang ay napangisi siya, lumingon siya sa direkyon ni Seth. “We’ll see about that, Mr. Pillow man!” bulong niya sa sarili.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD