1

990 Words
Kabanata 1 "Oh my god! Bakit ganyan ang itsura mo? Ni-r**e ka?" Iyan lang naman ang bungad sa akin ng bestfriend kong si Lessy pagkabukas ko pa lang ng pinto ng apartment, hindi ko naman inakala na hinihintay pala niya ako at tumatambay siya sa mismong kabilang dulo ng pintuan. Nagbuntong hininga ako, "Lessy, sumasakit ang ulo ko. Mamaya ko na lang ikwento." Tinaasan niya ako ng kilay saka siya lumapit para inspektin ako, agad niyang tinakpan ang kanyang ilong nang naamoy ang hininga ko, "ew! Amoy alak!" At dahil nakaharang si Lessy sa daanan papasok ay nanatili akong nasa labas, "alis ka na nga sa daan at papasok ako. May part time job pa ako sa coffee shop." "Bakit ba ayaw mo kasing tanggapin ang alok ko? I mean, hello? This is one time chance! Hindi ka na mahihirapan pa at mataas ang magiging sahod mo! Kuya is currently looking for a new secretary and experience doesn't matter much as long as nakapagtapos ng kolehiyo't kurso na konektado doon, sayang lang ang pinag-aralan mo nyan, sige ka." Lessy sighed. Umiling na lang ako, "ayoko lang kasi na parang ginagamit kita para lang magkatrabaho, kontento na ako sa trabaho ko ngayon." Lessy rolled her eyes, "I just want to help as your bestfriend, kung ano pinag-iisip mo," matapos ang ilang sandali'y binigyan na niya ako ng daan kaya pumasok ako, akala ko'y nakalimutan na niya ang pang-uusisa niya sa akin ngunit sinundan niya ako papunta sa kwarto ko at nameywang, "hoy Mimi! Hindi mo pa sinasabi sa akin kung saan ka nagsuot suot kaninang gabi!" "Can't it wait later?" "Hindi!" Umupo ako sa kama at saka ko pinikit ang aking mga mata, kahit na lasing ako ay klaro lahat ng nangyari kagabi, iyon bang sa bawat haplos ng kamay ng lalake sa akin ay kinukuryente ako, at sa bawat halik niya'y tumataas ang balahibo ko sa likod, at kahit na alaala na lang ang lahat ay may parehas pa rin itong epekto sa akin. Tumingin ako kay Lessy na halatang naghihintay sa sasabihin ko, hindi ko naman kayang magsinungaling sa kanya, nagbuntong hininga ako at yumuko, "uminom ako ng alak..." "Obviously. So what happened next?" Atat na tanong ni Lessy sa akin. "At bakit ka naglasing?" "Kasi naman eh... iyong mga Kuya ko sa probinsya ginastos 'yong pinadala kong sampung libo na para sana sa gamot at checkup ni Mama, pinaghatian pala nila saka ginastos, e tumawag si Inay at sabi paubos na raw ang gamot niya." May inis na sagot ko, "eh sampung libo ang halos kabuuan ng lahat ng sahod ko sa mga trabaho ko sa isang buwan, limang libo na lang ang matitira sa akin na sana'y pang-ipon at pang-allowance." "Bakit hindi mo sinabi sa akin? Pwede naman kitang tulungan!" Lessy shrieked. "What are friends for? Naku, iyang mga Kuya mo abusado na ha! Ipadispatsa na natin?" Ngumiti ako at umiling, "akala ko kung magpapakalasing ako makakatakas ako sa problema ko, hindi ko inakala na madadagdagan lang pala ang problema ko..." "Ha?" Naguguluhang tanong niya sa akin, kinagat kagat ko ang babang labi ko saka linunok ang bara sa lalamunan, ito na ba? Ibubunyag ko na ba ang katotohanan na hindi na ako virgin? Ako na mala-Maria at tutol sa premarital s*x ay hindi na virgin? Ako na s*x-hater ay wala na ang dangal? OMG! Hindi ko matanggap! "A-Ano... kasi... ako..." "Umayos ka nga, Mimi. Hinga ng malalim saka ka magsalita, hindi kita maintindihan." Pagpapakalma ni Lessy sa akin, tumango ako at sinunod ko siya. "Nalasing ako, tapos may isang l-lalakeng dumating... hindi ko alam pero umupo ako sa kandungan niya, siguro dahil sa tama ng alak. Tatayo na sana ako pero huli na ang lahat, nalaman ko na lang na naghahalikan na kami..." "OMG! Ang first kiss mo! Wala na?!" Histerikal ni Lessy, mas lalo akong kinabahan. Alam na niya na wala na ang unang halik ko tapos ganito na siya mag-react, paano na lang kapag malaman niyang ang virginity ko ay wala na rin? "Congrats, Mimi! Magdiwang tayo!" Nalaglag ang panga ko dahil sa pahabol niya. Seryoso?! "Tapos... ano... Lessy, kapag sasabihin ko ba sa iyo ito, hindi masisira ang friendship natin?" Ngumiti siya, "ano ka ba Mimi, para na kitang kapatid, walang makakasira sa friendship natin. Stay strong tayo eh. Trust me, kung ano man ang sasabihin mo, hindi magbabago ang tingin ko sa iyo at turing." Her words reassured me and I felt relieved, humugot ako ng malalim na hininga tulad ng paghugot ko ng lakas ng loob, "hindi na ako virgin, kung sino ang lalakeng nakakuha ng first kiss ko, siya rin sa first... s-se-" "Oh my god! Oh my god!" Lumapit siya at saka pinatong ang dalawang kamay sa magkabilang balikat ko at yinugyog ito, "did you use protection?!" Nalaglag ang panga ko, I tried to go back to the hot scene and gasped, I remembered him striding himself against me and it was not coated with anything, "p-paano kung hindi?" "Your face tells me you didn't use protection, ghad Mimi! I'm happy na nakatikim ka na pero hindi ako masayang malaman na hindi kayo gumamit ng proteksyon whoever that man who popped your cherries is! Istupida!" Yumuko ako, "m-may posibilidad bang mabuntis ako?" "Kung pinutok sa loob, malaki. Sobrang laki." Kinagat ko muli ang babang labi ko kasabay ng paglakas ng t***k ng puso ko, kasi pinutok ni Liham iyon sa loob ko. Damn that man, bakit sa loob niya pinutok?! "Ano ang gagawin ko, Lessy?" Kinakabahang tanong ko, halos mangiyak iyak na rin ako dahil sa maraming posibilidad na biglang pumapasok sa isipan ko. "I suggest that we wait and see for symptoms na buntis ka, kung may ma-feel ka then we confirm with a pregnancy test, when it's positive then congrats you're having a baby soon, if it's negative better luck next time." Lessy grinned, hindi ko maiwasang mailing at mapangiti ng sikreto, si Lessy talaga ang galing magpagaan ng loob. Good thing I have a good friend like her. Hindi niya agad ako jinudge dahil sa sinabi ko, instead, she comforted me. "One more thing, kung mabuntis ka, paano ang tatay?" ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD