Chapter Three

1889 Words
THREE Maaga akong pumasok sa opisina, darating daw kasi ang bago kong Boss. Pamangkin siya ng boss ko kaso may edad na ito kaya ito na ang papalit sa kanya. “Trina, nandiyan na ba iyong bagong Boss natin?” tanong ko pagkalapag ko ng gamit sa desk. “Oo, naku ang aga nga, eh! Palibhasa bata pa kaya masipag pa pumasok,” sagot niya habang inaayos ang mga papeles sa mesa niya. “Ah, sige, magtitI’mpla lang ako ng kape para sa Don,” saad ko at dumeretso sa pantry ng department namin. Isang hingang-malalI’m muna ang ginawa ko bago ako kumatok. “Pasok ka, Hija. Ipapakilala kita sa bago mong Boss,” sabi sa akin ng dati kong Boss nang pumasok ako. “Sige po. Heto na po pala ang kape niyo.” Inilapag ko ang kape sa desk niya. Parang biglang nanginig ang kamay ko siguro ay dahil hindi pa ako nag-aagahan. Ngunit mas lalo akong nanginig sa mga sumunod na pangyayari. “Hija gusto kong ipakilala sa ‘yo ang pamangkin ko at papalit sa akin sa kompaniya. Meet Lance Monteverde. Hijo siya naman ang magiging sekretarya mo—Celina Santiago, mabait iyan at masipag.” Pagpapakilala ng matanda sa amin. “Nice meeting you, Ms.Santiago. I hope we’ll be on good terms too,” saad niya at kinuha ang kamay ko upang halikan. Naging sanhi iyon para hindi maging normal ang paghinga ko. “T-thank you, Sir.” Nauutal na sagot ko habang nakatitig pa rin sa kanya. Ngiti lang ang isinagot nito at tila nagsasabing ‘It’s nice to see you again.’ “Hijo tinakot mo yata si Celina, may asawa na siya kaya huwag ka nang magbalak pang pormahan siya,” nakangiting turan ng Don habang nakatingin sa kanya. Mabait ang Don at hindi ito mahirap pakisamahan. Kailanman ay hindi sila nito itinuring na iba. “Nice meeting you, Sir, labas na po ako. Nasa labas lang ako kung may kailangan kayo.” Pagpapaalam ko sa kanila. Nakatungo akong lumabas ng opisinang iyon na hindi ko magawang tumingin sa kanila. Bakit ba ako nagkaka-ganito? “Celine pinapatawag ka ni Mr. Monteverde,” sabi ni Trina sa akin. “Thanks, Trina.” Inayos ko muna ang sarili ko bago ako kumatok sa opisina niya. “Pasok,” narinig kong sagot niya. “Hi, Sir. Pinapatawag niyo raw po ako?” tanong ko. Hindi ko maiwasang mag-alala dahil baka mamaya bigla niya akong tanggalin sa trabaho. Wala pa ngang ilang oras simula umalis iyong una kong Boss ay mapapalitan na agad ako. “Have a seat, huwag kang matakot gusto lang kitang maka-kuwentuhan kagaya no’ng dati… Celine,” nakangiti niyang saad sa akin. Mahihimigan sa tono nang pananalita niya ang pagiging sarkastiko. “Ah, Sir. Marami pa po kasi akong trabahong naiwan baka po hanapin ako ng Don.” Pagdadahilan ko habang nakayuko. Mula sa gilid ng mga mata ko ay nakita kong tumayo siya at tumanaw sa labas ng bintana. “Iniiwasan mo ba ako, Celine?” Deretsehang tanong niya habang nasa labas pa rin ng bintana ang tingin niya. “Ha? Hindi po, Sir, marami lang po talaga akong ginagawa,” sagot ko. Ayoko lang magtagal sa ganitong lugar na kaming dalawa lang ang magkasama. “Gano’n ba? Bakit parang kinakabahan ka? Iyong totoo, Celine, nakakarakot ba ako?” Sunod-sunod na tanong niya. Napaigtad ako sa paghaplos niya sa nakalantad kong hita. Hindi ko inaasahan ang ginawa niyang iyon at nakaramdam siya ng inis dahil talagang sa binti ko pa ang hinawakan niya. Maniyak na yata itong kupal na ito! “Kung wala ka nang kailangan ay lalabas na po ako, Sir.” Tatalikuran ko na sana siya nang hilahin niya ang isang braso ko at hapitin palapit sa kanya. “I miss you. Pagkatapo nang sampung taong nagdaan ay nandito ka ulit sa harap ko. I never expected to see you here, my dear,” anas niya. Nagtayuan ang balahibo ko sa kakaibang kiliting nanalaytay sa katawan na hatid nang mainit niyang hiningang tumatama sa balat ko. Gayunpaman ay itinulak ko siya palayo at binawi ang braso kong hawak niya. “Lance trabaho ang ipinunta ko rito at kung anuman ang iniisip mo ay itigil mo na.” Mataray na saad ko at tuluyan siyang tinalikuran. Sa lakas ng kaba ko ay hindi ko na alam kung paano ako nakalabas ng opisina niya. Ramdam ko ang pangangatog ng mga tuhod ko at anumang oras ay nangangamba akong bumagsak sa harap niya. Maghapon kong inabala ang sarili ko sa trabaho. Ayoko munang isipin ang tungkol sa bago kong amo. Nagpunta ako sa pantry para magtI’mpla ng kape, upang mawala ang antok ko. Mahirap na at baka maabutan niya akong inaantok, wala akong maayos na tulog dahil hindi ako pinatulog ng maayos nang magaling kong asawa. “Celine, your phone is ringing. Emergency raw,” ani Trina. Agad gumapang ang kaba sa dibdib ko at mabilis na bumalik sa desk ko para sagutin ang telepono ko. “Hello?” “Hello, Celine, si Macy hinimatay sa School, nandito kami ngayon sa hospital. Tinawagan ako ng teacher niya kaya mabilis kong nadala si Mace dito,” bungad sa akin ni Martin. Hindi ko na nagawang magsalita pa, ibinaba ko ang cellphone ko at mabilis na inayos ang mga gamit niya para puntahan ang mag-ama niya. God! Nangyari na naman! Hindi ko alam ang gagawin ko kapag may nangyaring masama sa anak ko! “Celine, saan ka pupunta?” tanong ni Trina sa akin. “Trina kapag hinanap ako pakisabi na may emergency akong kailangan puntahan. Salamat.” Nagmamadali akong lumabas ng gusali, kailangan kong puntahan ang anak ko, saka ko na iisipin ang sasabihin sa akin ng bago kong Boss. Mas mahalaga ang anak ko kaysa sa ibang bagay. Ilang sandali lang ay nakarating na siya sa hospital na sinabi ni Martin. Nakita ko siyang palakad-lakad sa labas ng E.R. Mas lalong lumakas ang nararamdaman niyang kaba, ngayon lang ulit ito nangyari kay Macy. Ilang buwan na ang nakararaan nang mangyari ang ganitong tagpo. “Martin, nasaan si Macy? Anong nangyari sa kanya?” Nag-aalalang tanong ko sa kanya nang makalapit ako.Kusang tumulo ang luha sa mga mata ko nang makita ko ang matinding pag-aalala sa mukha niya. Pinunasan niya ang mga luha ko at mahigpit na niyakap. “Sino po ang mga magulang ni Macy Santiago?” tanong ng Doctor na lumabas galing sa Emergency Room. “Kami po,” sabay naming bigkas ni Martin. “Okay naman po sa ngayon ang anak niyo. Masiyado lang siyang napagod kaya bumigay ang katawan niya,” sagot ng Doktor. Kumunot ang noo ko at naguluhan sa sinabi ng Doktor. Ang alam ko ay malakas naman si Macy kaya bakit parang may gustong ipahiwatig ang Doktor sa kanila. “Doc, anong ibig mong sabihin?” Kunot-noong tanong niya. “Misis, mahina po ang puso ng anak niyo at iyon po ang dahilan kung bakit siya nag-collapse.Kailangan po nating magsagawa ng operasyos sa lalong madaling panahon,” malungkot na sagot ng Doktor sa kanila. Hindi ko alam kung paano magre-react sa sinabi ng Doktor. Bigla akong nakaramdam ng panghihina at napakapit kay Martin na katulad ko ay nagulantang sa ibinalita ng Doktor. Niyakap niya ako ng mahigpit ngunit alam kong sa loob-loob niya ay pinanghihinaan na rin siya ng loob. “Napakabata pa ng anak ko! Paano kung hindi niya makayanan ang operasyon? Puwede bang ipagpaliban na muna ang operasyon niya? O baka naman may iba pang paraan para hindi na siya maoperahan?” Tumutulo na ang luha ko habang kinakausap ang Doktor. Hindi ko matanggap ang mga posibleng mangyaring sa anak ko. “I’m sorry, pero wala na pong ibang paraan. Kapag hindi niyo isinailalim ang anak niyo sa operasyon ay posibleng umiksi lang ang pamamalagi niya sa piling niyo. Traydor ang sakit sa puso at kahit anong oras ay puwede siyang atakihin,” paliwanag sa kanila ng Doctor. “Doc, baka po may magagawa pa kayo. Baka magawan pa ng paraan para hindi humantong sa operasyon ang anak namin,” saad ni Martin. “I’m sorry, Mr. Santiago, but that’s the only way to save your daughter. There’s a big chance na maging successful ang operasyon habang bata pa siya. Puwede niyo namang ipagpaliban ang pagpapa-opera pero babalaan ko na kayo sa mga concequencies. Most of our cases are failed too kapag inooperahan ang isang adult patient dahil mas marami ang complications ng pasyente. It’s your choice, but I hope you’ll make the right choice for your daughter,” paliwanag ng Doktor sa amin. Hindi pa rin ako makapaniwala na puwdeng mawala sa amin ang anak namin. Hindi ko na nagawang mmagsalita pa at hinayaan na lang si Martin na makipag-usap sa Doctor, ayaw tanggapin ng kanyang isipan ang mga nalaman niya ngayon. Paano ko ba tatanggapin ang balitang bilang na ang araw na nalalabi para sa anak ko? Ang nag-iisa kong anak anumang oras ay puwedeng bawiin sa ‘kin. At wala akong magawa kun’di ang tahimik na umiyak sa tabi ni Martin at pakinggan ang pag-uusap ng dalawa. Saan kami kukuha ng pera na pang-opera sa anak ko? “Celine, huwag kang mag-alala, kakayanin natin ito. Gagawa ako ng paraan—mangungutang ako.” Napaangat ako ng tingin sa sinabi niya. “Martin malaki ang gagastusin natin para sa operasyon ni Macy at hindi lang libo. Saan tayo kukuha ganiyan kalaking halaga, parehas lang tayong hamak na empleyado!” “Gagawa tayo ng paraan—gagawa ako ng paraan. Kaya natin ito, okay?” Pagpapakalma niya sa akin. Alam kong gagawin niya ang lahat at mas lalong gagawin ko ang lahat para sa anak ko. “Sige, babalik muna ako ng opisina baka may mautangan ako. Total nandito naman sila Mommy para bantayan ang anak natin,” pagsang-ayon ko sa kanya, pero ang totoo ay hindi ko rn alam ang gagawin. Walang pumpasok na kahit na anong solusyon sa isip ko. “Sige, mag-iingat ka. Mahal na mahal ko kayo ni Macy, gagawa ako ng paraan.” *** “Nandito na pala ang empleyada kong may sariling oras,” narinig kong saad ng isang baritonong boses mula sa likod ko. Hindi ko na kailangan pang lingunin ito dahil kilala ko na ang boses nito. “Sir, pasensiya na po at may emergency lang po akong pinuntahan,” s**o ko at hindi ko maiwasan ang panginginig ng boses ko, anumang oras ay babagsak na ang mga luha ko. Hindi mawaglit sa isip ko ang kalagayan ng anak ko. “Sumunod ka sa opisina ko ngayon din,” utos niya at agad na lumabas ng Pantry, agad akong sumunod dito. Ayoko nang humaba pa ang usapan, marami na akong problema at ayokong dumagdag pa siya. Tahimik akong nakasunod sa kanya at huminto sa di-kalayuan mula sa kanya. Nakaharap siya sa bintana at nakatanaw sa labas habang ako naman ay nakatayo sa likuran niya at naghihintay nang sasabihin niya. “Celine gusto kong bigyan mo ako ng anak,” pormal na saad niya. Hindi ko alam na may yayanig pa sa nalaman kong kalagayan ng anak ko. Parang simpleng bagay lang ang hinihingi niya sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD