Chapter Five

1685 Words
FIVE “Good morning, Sir. Heto na po iyong hinihingi mong mga files,” sabi ko nang makapasok sa opisina ni Lance. “Pakilagay na lang sa ibabaw ng desk ko, and make me some coffee,” pag-uutos niya. Agad ko namang sinunod ang utos niya at lumabas para ipagtimpla siya ng kape. Baka mamaya ay kung ano na naman gawin niya. Binilisan ko ang pagtitimpla ng kape niya para makabalik agad ako sa desk ko. Kailangan kong tawagan ang Yaya ni Macy upang paalalahanan na huwag hayaang mapagod si Macy. “Sir, heto na po ang kape niyo.” Ngunit wala akong nadatnan sa loob ng opisina niya. “Saan siya nagpunta?” Naisip niyang baka na sa guest room ito, humakbang ako papunta roon at nang akma kong bubuksan ang pinto ay bumukas iyon mag-isa at muntik ko nang mabitiwan ang hawak kong tasa dahil lumabas itong walang pang-itaas na damit. Ang laki ng ipinagbago ng katawan niya, ‘di na katulad ng dati na sa sobrang payat ay ako pa ang nag-aalalang baka tangayin siya ng hangin. Pero sa nakikita niya ngayon ay baka mabaliktad na at siya pa ang tangayin nito at kargahin. Isama pa ang mga matitigas nitong abs na ang sarap hawakan at paglaruan. Parang gusto kong inumin ang hawak kong kape habang hinihimas ang pandesal na nasa harap ko. Naipilig ko ang aking ulo at pinilit na magpokus. Nawala llang iyong asawa ko, nagiging malandi na iyong utak ko. “Tapos ka na bang pagnasaan ang katawan ko?” anas niya at awtomatiko akong napaatras nang mamalayang sobrang lapit na niya sa akin. Gaano ba ako katagal nag-space out at hindi ko namalayan ang paglapit niya sa akin? “I’m sorry Sir, nagulat lang po ako. Nasa lamesa na ang kape niyo, kung wala na kayong iuutos pa ay babalik na ako sa desk ko,” pilit akong umakto ng pormal at itinago ang kabang nararamdaman ko. Tumalikod na ako ngunit ihahalbang ko pa lang ang isang paa ko ay hinawakan niya ang braso ko at hinila papasok sa kuwarto. “Alam mo ba na makita lamang kita ay ‘di ko na kailangan ng kape para magising? Ikaw pa lang ay gising na ang buong diwa ko,” anas niya sa may punong tenga ko. Inilapat niya ang katawan sa akin. Nakaramdam ako ng kakaibang pag-iinit na dapat ay hindi maari. s**t, papatayin ako ni Martin kapag nalaman niyang naakit ako sa ibang lalaki. Napalunok ako ng dalawang beses nang maramdaman ang pagdikit ng matigas na kasarian niya sa akin. Kakaiba rin ang hatid ng mainit niyang hininga na naghahatid sa kanya ng kakaibang kiliti at ang mabango niyang amoy na naakit siyang samyuin. Nilabanan ko ang pang-aakit niya at itinulak ito palayo sa akin. “Lalabas na ako, Sir,” saad ko at mabilis na tinungo ang pinto para umalis sa kuwartong iyon ngunit mas mabilis siyang kumilos at nahila ulit ako papalapit sa kanya at isinandal sa dingding ng kuwarto. Hindi na niya ako binigyan nang pagkakataon pang magsalita at mapusok na sinunggaban ang mga labi ko. Ngunit sa halip na itulak siya at pigilan ay hindi ko malaman sa sarili ko kung bakit gumanti ako sa halik niya. May kung ano sa mga halik nito at ang sensasyong iyon ang nag-uudyok sa akin na kumilos at huwag intindihin ang mga babala sa kanyang isip. Kusang pumulupot ang mga kamay ko sa leeg niya habang abala naman ito sa pagdama sa buong katawan ko. Mali ang ginagawa niya at hindi nagkulang ng paalala ang kanyang utak ngunit mas malakas ang sigaw ng katawan ko na para bang may sarili itong isip at ayaw magpapigil. “Oh, Lance,” anas ko. Hindi ko mapigilang umungol nang pasukin nang mapaglato nitong dila ang bibig ko. Shit, I just moaned his name! Gusto ko siyang itulak at patigilin ngunit iba ang sinisigaw ng utak ko at ang ginagawa ng katawan ko. Imbes na itulak siya ay napapakapit pa ako sa buhok niya at nag-uumpisa na ring humaplos ang mga kamay ko sa hubad niyang katawan. Masarap humalik si Lance at gusto ko ang sensiyasyong hatid niyon. Ginagawa din naman sa akin ito ni Martin ngunit bakit parang iba ang nararamdaman niya sa ginagawa ni Lance. “Damn it, Celine, you’re making me crazy,” habol ang hiningang bulong niya sa tenga ko. Pilyo niyang kinagat ang earlobes ko at parang binuhusan ako ng malamig na tubig sa ginawa niyang iyon. Natauhan ako at malakas siyang itinulak palayo sa akin. Mabilis akong umalis sa kuwartong iyon at dere-deretsong lumabas sa opisina niya. Ngayon ako binalot nang pagkapahiya at kulang na lang ay batukan ko ng malakas ang aking sarili. Ano ba ang pumasok sa kukote niya at nagpadala siya sa pang-aakit nito? “Celine, bakit ganiyan ang itsura mo, may nangyari bang masama?” tanong sa akin nang isa kong katrabaho habang papalapit sa desk ko. “Ha? Wala naman, medyo nahilo lang ako,” pagsisinungaling niya. “Oo nga pala, may tumawag sa ‘yo kanina sa bahay niyo raw,” pagkasabi niya ay bumalik ulit ito sa desk niya. Kinuha niya ang telepono at idinayal ang numero nila sa bahay. “Hello, Yaya. May problema ba? Bakit ka napatawag?” Nag-aalalang tanong ko rito. “Hello, Ma’am. Dinala ko po sa ospital si Macy.” “Ano?! Anong nangyari?!” gulat kong tanong. Diyos ko, ‘wag niyo pomg pabayaan ang anak ko! Gagawin ko ang lahat para mailigtas siya! “Hinimatay po siya, Ma’am, gusto raw po kayong makausap ng Doktor ni Macy. Sa ngayon po ay okay na si Macy at natutulog na, pero Ma’am, ano pong mangyayari kay Macy?” paliwanag sa kanya ng Yaya ni Macy. Dinig niya ang paggaralgal ng boses nito at halatang naawa siya sa kalagayan ng anak ko. Parang tinutusok ng libu-libong karayom ang puso ko sa sinabi niya. Mukhang kailangan ko nang kumilos para maoperahan ang anak ko. “Sige, Yaya, salamat. Pupunta ako diyan, magpapaalam lang ako ng maayos sa Boss ko. Huwag kang mag-alala, gagawa ako ng paraan, tawagan mo ‘ko kapag gising na si Macy.” Nang ibaba ko ang telepono ay napasubsob ako sa mesa ko. Hindi ko alam ang gagawinko, mahal na mahal ko ang anak ko at hindi ko kakayanin kapag nawala siya. “Celine may problema ba?” tanong ng isang baritonong boses mula sa likuran ko. Nag-angat siya ng mukha at bakas sa mukha niya ang pag-aalala. Mabilis akong tumayo mula sa pagkakaupo at niyakap ito. Kailangan ko ng taong masasandalan ngayon lalo na at malayo si Martin sa akin. Hindi ko kayang sabihin sa kanya ang nangyayari dahil paniguradong iiwan nito ang trabaho at uuwi. Tahimik akong umiyak sa balikat niya at hindi na inintindi kung pagtinginan man kami ng mga ka-opisina ko. “Shh … Don’t cry, sweetheart, I don’t want to see you crying.” Pag-aalo niya sa akin habang masuyong hinahagod ang likod ko. Imbes na makatulong ang pang-aalo nito ay mas lalo pa akong naiyak. I’m too depressed and exhausted. “I’m sorry, I need to go. My daughter needs me,” sabi ko at lumayo sa kanya. Hindi ko na hinitay pang magsalita siya at umalis na. Kailangan ako ng anak ko at sa ngayon ay iyon ang kailangan kong gawin—ang manatili sa tabi nito. Mabilis akong nakarating sa ospital, salamat at walang trapik ngayon Agad kong hinanap si Yaya at nang makita ko siya ay kaagad akong lumapit. “Nasaan si Macy, kumusta ang lagay niya?” tanong ko. “Okay na siya, Ma’am. Inilipat na siya sa isang kuwarto. Kailangan raw po siyang obserbahan pa, sabi ng Doktor,” anito. “Yaya, salamat sa pagbabantay ha.” “Mrs. Santiago.” Napalingon ako nang marinig kong may tumawag sa pangalan ko. “Dok, kumusta po ang anak ko?” Nag-aalalang tanong ko sa Doktor na tumitingin sa kalagayan ni Macy. “Misis, sa ngayon ay ligtas ang anak mo, pero ikinalulumgkot kong sabihin na kapag naulit pa ang ganitong pangyayari ay nangangamba akong hindi na kayanin ng bata,” malungkot na saad ng Doctor. “Dok, gumagawa na ho kami ng paraan para makahanap ng donor.” Umiiyak kong turan. Halos hindi ko na siya makita ng malinaw, dahil sa sunod-sunod na luhang bumabagsak sa mga mata ko. “Misis, madali lang makahanap ng donor, ang dapat niyong paghandaan ay ang malaking halagang kakailanganin sa operasyon ng anak niyo,” saad ng Doktor bago ito magalang na nagpaalam sa akin. Nanghihina akong napaupo sa bench na nasa tapat ng hospital room ni Macy. Hindi ako papayag na mawala ang anak ko. Kailangan na makaisip ako ng paraan para maoperahan agad si Macy. Natagpuan ko ang sarili ko sa harap ng isang gusali. Halos dalawang dekada akong hindi nakatapak sa gusaling ito. The last time I remember, I left him broke and crying. At heto ulit ako ngayon sa harap ng pinto niya at kumakatok. “Celina,” wika niya nang pagbuksan niya ako ng pinto. Kaagad akong yumakap sa kanya at hindi ko na napigilan pa ang sarili ko at umiyak ako sa kanyang balikat. I never did cry like this before, maybe because this time is too much, and I can’t handle it alone. One more reason is I’ll do everything to save my daughter, even though this isn’t the right thing to do. “I’m here, sweetie, don't cry.” Pag-aalo niya sa akin. “I’m ready to accept your proposal,” sambit ko habang nakatitig sa mga mata niya. Bakas ang pagkagulat sa mukha niya. Hindi niya siguro akalain na magbabago ang desisyon ko at tatanggapin ko ang inalok niya sa akin dati. Wala na akong maisip na paraan kun’di ito kaya kailangan kong gawin ito alang-alang sa anak ko. “I’ll help you pero kailangan mong bigyan ako ng anak.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD