SEVENTEEN “Celine,” tawag ulit ng boses mula sa likod ko. Nanginginig ako nang tinangka kong bitiwan ang kamay ni Lance. Pero mas lalo niya itong hinigpitan at gustuhin ko man siyang awayin ng mga oras na ‘yon ay hindi ko magawa. Parang sa isang iglap nawala lahat ng lakas ko at parang pasan ko ang daigdig. Nahihirapan akong huminga parang kulang na yata ang pino-produce na hangin ng mundo kasi wala ng natira para sa ‘kin. “L-Lance, please . . .” bulong ko sa kanya bago hinila ulit ang kamay kong hawak niya. Pareho kaming nakatalikod kaya hindi niya pa alam kung sino ang nasa likod namin, pero ako kilalang-kilala ko ang boses na ’yon. She’s my best friend! “Santina . . .” tawag ko nang humarap ako sa kanya. Narinig ko pa ang pagsinghap ni Lance sa pagkagulat. Kahit anong pilit kong

