SEVEN Naalimpungatan ako nang marinig kong tumunog ang cellphone ko. Nakita ko ang pangalan ni Yaya sa screen at tila nagising ang diwa ko. “Hello, Yaya. Anong nangyari? Bakit ka napatawag, may masama bang nangyari kay Macy?” sunod-sunod kong tanong sa kanya. Kinakabahan ako at natatakot sa tuwing makikita ko ang pangalan ni Yaya, pakiramdam ko ay may nangyayari na namang masama sa anak ko. “Ma’am, relax lang po kayo, okay na po si Macy. Sinabi ng Doktor na uumpisahan na nia ang operasyon,” sagot niya. Tila ako nabunutan ng sandamakmak na tinik sa ‘king dibdib. My daughter is fine, and that’s good news at kaya kong gawin ang lahat para masiguradong magiging okay na ang kalagayan ng anak ko. Hindi ko akalain na pupunta ulit ako sa lugar na ito. It’s been so many years since I’ve been

