TWELVE Nagising ako na may humahaplos sa pisngi ko. Akala ko nananginip o namamalikmata lang ako na nakikita ko si Lance sa harap ko. “Hi baby, I’m sorry to wake you up, but it’s past lunchtime already, and you’re still asleep.” Mahinahon niyang sabi habang umuupo siya sa gilid ng duyan na parang tela. “Oh sorry, nakatulog pala ako, pasensiya na, kanina ka pa?” tanong ko sa kanya at umayos ako ng upo sa duyan. “Medyo pumunta lang kami sa kabilang bayan. Akala ko nga pagdating ko ditto ay wala na akong maabutan,” nakangiti niyang saad pero hindi iyon umabot sa mga mata niya. “Saan naman ako pupunta? Alam mong hindi ko iyon magagawa, Lance kahit gustuhin ko pa. Nakatulog lang talaga ako, pagod lang siguro.” Napagod kakaiyak sa nangyayari sa buhay ko ngayon. Sa mga desisyong ’di ko a

