"BABY love Connor!" masiglang bati ni Dolphin dito nang pagbuksan siya ng pinto.
Napasimangot si Connor dala marahil ng tinis ng boses niya. "Huwag kang masyadong maingay, Dolphin. Baka magulantang ang buong floor at palayasin kami ni Shark dito."
Bumungisngis lang siya. Hinawakan siya ni Connor sa siko at hinila papasok sa condo unit ng kapatid niya, na kasalukuyan din nitong nirerentahan.
Nilibot niya ang tingin sa kabuuan ng condominium unit. Hindi siya gaanong namangha sa lugar dahil bukod sa kakaunti lang ang kasangkapan do'n, panay puti at itim ang dominant ang kulay ng mga gamit. Hindi rin child-friendly iyon dahil sa dami ng sharp edges.
Dumako ang tingin niya sa malaking sofa sa sala. Natutulog do'n ang kapatid niya.
"Kuya Shark..." Napangiti siya. Mukhang pagod na pagod ito marahil sa kaaayos ng buong unit. "Kawawa naman ang kuya ko. He looks tired."
"Ginawa kasi niya halos lahat ng pag-aayos dito sa unit. Dumating si Antenna kahapon, pero hindi naman niya pinakilos."
Nakonsensiya siya. "Sorry. Hindi kita natulungang mag-ayos ng gamit mo."
"Bumawi ka na lang ngayon. I haven't had a decent meal since last night. Iniwan ako ni Shark nang nag-date sila ni Antenna. Nakatulugan ko na ang pagkain."
Nag-alala siya rito. "Sana tinawagan mo ko kagabi para nakapag-dinner tayo."
Nag-inat ito. "Like I've said, nakatulog ako dala ng antok at pagod." Bumaba ang tingin nito sa hawak nitong supot. "Is that food?"
Ngumiti siya ng alanganin. "Oo, pero cake lang 'to. Hindi ako nakapagdala ng heavy meal..."
Kinuha nito sa kanya ang supot. "Puwede na 'to. Hindi pa kami nanananghalian ni Shark."
Pumalataktak siya. "Nakapag-grocery ba kayo? Magluluto ako."
Tumango si Connor. "Oo. Nagdala si Antenna kahapon ng grocery."
Sinundan niya si Connor nang magtungo ito sa kusina. Sinimulan nitong ihain at lantakan ang dala niyang cake, samantalang nagsimula naman siyang magluto ng adobong baboy gamit ang mga ingredient na nakita niya sa ref at cabinet sa kusina.
"Dolphin, sa Harury's Sweets ba 'tong chocolate cake na 'to? This is really good," komento ni Connor mayamaya.
Nilingon niya si Connor habang hinahalo niya ang niluluto niya. "Hindi. Ako mismo ang nag-bake niyan. 'Buti nagustuhan mo."
Halatang nagulat ito sa sinabi niya. "Ikaw ang nag-bake nito? Wow."
Napangiti siya. "Salamat."
"Nag-take up ka ba crash course sa pagbe-bake?"
Umiling siya. "Hindi. 'Yong tita namin ni Kuya sa Amerika, tinuturuan akong mag-bake kapag nandito siya sa Pilipinas. Pastry chef siya at may bake shop siya sa Manhattan. Sa kanya ko nakuha ang interes sa pagbe-bake."
"Bakit hindi ka kumuha ng course na related sa pagbe-bake?"
Nagsaing siya habang nakasalang ang adobo sa kalan. "I don't want to leave Kuya Shark. Kinukuha ako ng tita namin no'n para sa Amerika ako kumuha ng baking course, pagkatapos ay tuturuan niya kong patakbuhin ang bake shop niya ro'n. Pero naisip ko, 'yong parents nga namin, parati nang out of town o kaya ay nasa abroad, iiwan ko pa ba si Kuya?"
"May in-o-offer din namang gano'ng course ang mga eskwelahan dito sa 'Pinas, ha."
Ngumiti siya, pero ramdam niyang malungkot iyon. "I know. Pero ang gusto ni Daddy, makapagtapos ako ng four-year course bago ko sundin ang gusto ko."
"Pero gusto mong pumunta sa tita mo sa Manhattan para mapaghusay ang baking skills mo?"
"Gustong-gusto, pero ayaw ko ngang iwan si Kuya. Next time na lang. Kapag may asawa na si Kuya, para hindi na ko mag-alala sa kanya."
Tinitigan siya ni Connor. Hindi niya alam kung ano ang nasa isip nito. Basta nakatitig lang ito sa kanya, at unti-unti, kumislap ang paghanga at simpatya sa mga mata nito.
Bigla naman siyang nakaramdam ng pagkapahiya. Ngayon niya lang naisip na naibahagi niya kay Connor ang sekreto niya. Hindi rin niya alam kung bakit gano'n niya kadaling nasabi 'yon sa binata, gayong ngayon lang naman sila nagkausap ng matino.
Ah, that was probably it. Ngayon lang sila nagkaroon ni Connor ng pagkakataon na magkausap ng maayos.
"You're too nice, Dolphin," halos pabulong na sabi ni Connor.
Hindi na siya nagkomento pa. Marami nang nagsabi sa kanya no'n, at parating paalala ang kasunod niyon.
"Luto na," anunsiyo niya mayamaya. "Gigisingin ko na si Kuya para makakain na rin siya."
Nagtungo siya sa sala para gisingin ang Kuya Shark niya. Napansin niyang nakasunod sa kanya si Connor. Nang lingunin niya ito, hinawakan siya nito sa siko at inakay paupo sa sahig, paharap kay Shark na patagilid ang higa sa sofa. Naghihilik pa ang kapatid niya.
"Ang laki ng sinakripisyo mo para kay Shark," pagsisimula ni Connor. "Hindi ako makapaniwalang gano'n kadali niya naisipang lumipat sa condo na 'to at iwan ka sa bahay niyo kahit alam naman niyang bihira lang umuwi ang mga magulang niyo."
Totoo iyon. Marine biologist ang mommy nila ni Kuya Shark kaya madalas ay nasa beach ito para sa research nito, at madalas naman ay nasa business trips ang daddy nila.
"It's unfair that you can't leave him because you are worried about him," pagpapatuloy ni Connor. "But he doesn't give a qualm about leaving you alone."
Pabirong siniko niya sa sikmura si Connor. "Okay lang naman 'yon. It's bound to happen since engineer na si Kuya. He has to be independent. Saka may mga helper naman akong kasama sa bahay. And it's not like our parents never get home."
"Hindi pa rin tama 'yon," giit ni Connor. Tumayo ito at pumasok sa kuwarto. Pagbalik nito sa tabi niya ay inabutan siya nito ng pentel pen. "Gumanti ka kahit konti."
"Ha?"
He smiled his crooked smile. Pagkatapos ay sinulatan nito sa mukha ang natutulog na kapatid niya gamit ang pulang pentel pen. "Like this."
Gulat na napatingin si Dolphin kay Connor. Saka sila sabay na natawa.
***
"HUWAG kayong gagawa ng milagro, naiintindihan niyo?"
Nag-init ang mga pisngi ni Dolphin dahil sa sinabi ng kapatid niya. "Kuya naman..."
Tinapunan ni Shark ng masamang tingin si Connor na naggigitara lang habang nakasalampak sa sahig at nakasandal sa katawan ng sofa. "Ikaw, Connor. Maliligo lang ako. Huwag mong gagawan ng kung ano ang kapatid ko."
Tumitig si Connor kay Shark, pagkatapos ay napangisi ang una. "Alam mo, Shark. Ang hirap mong seryosohin kapag mukha kang panda."
Inangilan ni Shark si Connor. Sa pakakataong iyon ay sabay silang natawa ni Connor sa itsura ng kapatid niya. Dahil sa drawing nila sa mukha ng kuya niya, hindi epektibo kahit maggalit-galitan ito. Mukha pa rin itong panda.
Sa huli ay pumasok na rin sa banyo si Shark para alisin ang drawing sa mukha nito at para maligo na rin. Naiwan sila ni Connor sa sala, nakasalampak sa sahig. Tumutugtog ito gamit ang gitara nito, habang nakikinig naman siya rito.
Nagsimulang kumanta si Connor. "Why do you have to be this close when one touch and you'll be lost? Where do these feelings have to hide, so they'll never see through my lie? This "I love you" will be left unsaid... It shall never be heard, even if the world fades... Because this kind of love is impossible... A love that's not gonna happen. A love that's never gonna happen..."
Kung gaano kalungkot ang musika nito ay gano'n din kalungkot ang lyrics ng kanta na sa tingin niya ay sarili nitong gawa.
Pakiramdam ni Dolphin ay may pumipiga sa puso niya. Hindi lang kasi ang pagtugtog at pag-awit ni Connor ang malungkot. The music coming from his guitar was heartbreaking. His blue eyes were very sad, almost crying. Hindi niya maintindihan kung bakit gano'n kalungkot ang binata. His face looked like he was in pain, like he had lost a loved one.
Nanlamig ang buong katawan niya ng may isang ideya ang pumasok sa isip niya na maaaring sanhi ng kalungkutan ni Connor, na maaaring pinagmulan ng makabasag-puso na lyrics ng kantang tinutugtog nito.
Hindi... hindi puwedeng mangyari 'yon...
Nang mga sandaling iyon, dahil sa malayong tingin ni Connor, pakiramdam niya ay unti-unti na itong mawawala sa kanya. Sa takot na mangyari iyon ay niyakap niya ito sa braso. Dahil sa ginawa niya ay napilitan itong huminto sa pagtugtog.
"Dolphin, kapag nakita tayo ni Shark sa ganitong posisyon, he will kill me."
"Bakit ang lungkot mo, Connor?" natatakot na tanong niya rito.
Matagal bago ito sumagot. "I'm not sad."
"Malungkot ka," giit niya. "Kung may problema ka, puwede mo namang sabihin sa'kin 'yon. Alam mo namang gagawin ko ang lahat para matulungan ka."
Bumuntong-hininga ito. Hinawakan siya nito sa magkabilang-balikat at marahan siyang tinulak palayo rito. "Wala kang kailangang gawin para sa'kin, Dolphin. I'm not sad. I was just carried away by the song."
Nakahinga siya ng maluwag kaya nagawa na niyang ngumiti uli. "Akala ko, kung ano nang nangyari sa'yo. Nadala ka lang pala ng kanta mo."
Kinurot nito ang pisngi niya. "Bakit ka naiyak? Gano'n ba kapangit ang pagkanta ko?"
"Hindi naman pangit ang kanta mo. Hindi ko lang nagsutuhan," matapat na sabi niya.
Halatang nagulat ito sa sinabi niya. "Hindi mo nagsutuhan? Bakit?"
"Malungkot kasi saka ang sakit sa puso ng lyrics. I don't want a sad love song. Whenever I listen to music, I'm looking for something that could soothe my soul. Kung depress ako at nakaka-depress pa ang papakinggan kong kanta, baka magpatiwakal na ko."
"Well, there's a song for everyone. Para sa ibang tao, kung ano'ng nararamdaman nila, iyon ang gusto nilang marinig. If they are sad, they want to listen to sad songs." Bahagyang kumunot ang noo ni Connor habang nakatitig sa kanya. "Hindi mo talaga nagustuhan 'yong kanta ko?"
Umiling siya. "Katulad ng sinabi ko, ayoko ng malungkot na love song. Ang love song, para sa'kin, dapat nag-i-inspire sa mga tao na matutong magmahal kahit gaano pa iyon kasakit. Kung lahat ng tao matututo lang magmahal ng iba, baka sakaling maging payapa pa ang mundo."
There goes Connor's crooked smile again. "Ever the optimist, Dolphin."
Ngumiti lang siya, saka hinaram mula kay Connor ang gitara nito.
"Marunong ka bang mag-gitara?" tanong ni Connor nang magsimula siyang kalabitin ang strings niyon.
Ngumiti lang siya.
Mayamaya, nakapag-produce na siya ng malumanay at magaang na musika, kabaligtaran ng malungkot at mabigat na nagawa ni Connor kanina. Naalala niya ang lyrics ng kinanta ng binata. Pumikit siya at pinalitan iyon sa isip niya, pero pilit niyang nilapit ang tono gaya ng pagkanta ni Connor kanina.
"Why do you have to be that far when one call and I'll be there? Where do those feelings of yours hide, so I can collect them in my heart? This "I love you" will be carried by the wind... It shall be delivered, even if the world turns deaf... Because this kind of love is beautiful... A love that's not gonna end... A love that's never gonna end..."
Napabuntong-hininga siya. Hindi niya napag-rhyme ang kanta. Iminulat niya ang mga mata niya. Nadismaya siya sa sarili niya, kaya hindi niya inaasahan ang paghangang nakita niya sa mga mata ni Connor habang nakatitig sa kanya.
Ngumiti siya ng alanganin. "Pasensiya na. Nasira ko ba ang kanta mo?"
"No," mabilis na sagot ni Connor, tila nahihipnotismo. "You were actually good, Dolphin. Ang galing mong tumugtog at kumanta. Saan mo natutunan 'yan?"
Niyakap niya ang gitara nito, saka naging totoo ang ngiti niya. "Ilang milyong beses ko na kayang napanood ang YouTube video ng HELLO. Natuto ako while watching your video tutorials sa pagtugtog ng mga kantang kino-cover niyo."
"Natuto ka lang sa gano'n?"
Tumango siya. "Kapag wala akong magawa, nagpa-practice ako maggitara."
"Bakit?"
Pinatamis niya ang ngiti niya. "Para magpa-impress sa'yo." Napansin niyang nakatitig lang si Connor sa kanya. "Connor, natutunaw na ko."
Do'n ito tila natauhan. Hinilamos nito ang kamay nito sa mukha niya. "Ano'ng tingin mo sa mga mata ko, laser beam?"
Ngumiti siya ng pilya. "Oo. Ang lagkit mo kasing tumingin sa'kin. Parang... parang gusto mo kong halikan uli."
Connor 'tsked'. "Gusto mo bang patayin ako ng kapatid mo?"
Ngumiti lang siya. Pagkatapos ay sumiksik siya sa tabi ni Connor, at sinampay niya ang braso nito sa mga balikat niya. Nang hindi magreklamo ang binata ay isinandal niya ang ulo niya sa dibdib nito. Pasimpleng sininghot din niya ang pabango nito. "Baby love Connor?"
"Yeah?"
Nakangiting umiling siya. "Dapat mong iparinig sa buong mundo ang mga ginawa mong kanta. Malay mo, ang mga 'yon pala ang magdala ng world peace."
Natawa si Connor. Even his eyes were laughing. She loved this side of him as well. At masaya siya dahil siya ang dahilan ng pagtawa nito ngayon.
***
HINAWAKAN ni Dolphin ang kamay nang natutulog na si Crayon. Sa kabila ng mga aparatong nakakabit sa katawan nito, ramdam niya ang init ng palad nito, tanda na buhay pa ito. "Crayon, kailangan mo nang gumising. Magkakaroon ng malaking art exhibit si Riley. Kilala nang artist ang boyfriend mo sa buong bansa. Dumadami na rin ang fan girls niya. Sige ka, baka habang natutulog ka rito, may umakit kay Riley."
"Dolphin, bakit mo ba tinatakot si Crayon?" kunot-noong tanong ni Connor na nakasandal sa pader at nakahalukipkip.
"Strategy 'to, baby love," katwiran niya. "Kapag na-threaten si Crayon, malay mo, gumising na siya. Eh di magiging masaya na uli si Riley."
Connor just 'tsked' at her.
Ngumiti lang siya at binulungan si Crayon. "Huwag kang mag-alala, Crayon. Riley is very loyal to you. Promise. Kaya bumalik ka na sa kanya, okay?"
"Ano'ng binubulong mo kay Crayon?"
Nalingunan niya si Riley na kapapasok lang ng private room na iyon. Bagong-paligo ito, at iyon ang dahilan kung bakit umalis ito kanina at sila muna ni Connor ang pinagbantay kay Crayon habang nasa trabaho pa ang ina ng dalaga. "Sinasabi ko lang kay Crayon na kailangan na niyang gumising, bago ka pa maakit ng kung sino."
"Nonsense," sagot ni Riley, pagkatapos ay yumuko ito at hinalikan ang noo ni Crayon. "Ikaw lang ang mahal at mamahalin ko, Crayon."
Napangiti siya nang makita ang matinding pagmamahal sa mga mata ni Riley habang nakatingin sa natutulog na si Crayon. The look in Riley's eyes made her believe in true love again and again. Iyon ang dahilan kung bakit kahit hindi sila magkaibigan ni Crayon ay madalas niyang bisitahin at ipagdasal ang dalaga. Sa Prayer Club kung saan siya kabilang, hindi niya nakakalimutang isama sa mga panalangin niya ang paggising ni Crayon.
Hinawakan siya ni Connor sa balikat. Nang tumingala siya rito, sinenyasan siya nitong umalis na. Nang balingan niya si Riley, nakita niyang hindi na nito inaalis ang tingin nito kay Crayon habang nakaupo ito sa stool sa gilid ng kama.
Hindi na sila nagpaalam kay Riley dahil mukhang hindi na sila nito napapansin.
"Ang tiyaga ni Riley 'no?" komento niya nang naglalakad na sila ni Connor sa pasilyo ng ospital. "Kahit mag-i-isang taon na, hindi pa rin siya nawawalan ng pag-asa na magigising si Crayon."
"'Yon nga ang hindi ko maintindihan. Kung bakit ni minsan, hindi ko nakitang napagod si Riley sa pagbabantay kay Crayon."
Nilingon niya si Connor. "Gusto mo bang sukuan na ni Riley si Crayon?"
Huminto sila sa tapat ng elevator habang hinihintay iyong bumaba sa floor kung nasaan sila. "Hindi naman sa gano'n, Dolphin. Nag-aalala lang ako kay Riley. He loves Crayon too much. Ayokong maging kontrabida, pero paano kung hindi na magising si Crayon?"
Naiintindihan naman niya ang sintimiyento ni Connor, kaya nag-ingat siya sa sunod niyang mga sinabi. "Connor, there are things in life that you simply cannot give up even if the whole world forces you to. For Riley, it's probably waiting for Crayon to wake up."
Nakita niya ang repleksiyon nila ni Connor sa salamin ng pinto ng elevator sa harap nito. Nakatingin ito sa kanya, pero mas pinili niyang tumitig sa repleksyon nila dahil gusto niyang makita na nakatitig ito sa kanya.
"What's yours, Dolphin? Ano 'yong bagay na hindi mo isusuko kahit pilitin ka pa ng buong mundo?" seryosong tanong ni Connor.
Napangiti siya. Ang dali namang sagutin no'n. "Ang mahalin ka. I just can't give up on loving you even if the whole world forces me to, Connor."
Nakita niya sa repleksiyon ni Connor na nilingon siya nito. "Dolphin..."
"Alam ko, Connor. Maniwala ka, alam ko," nakangiting sansala ni Dolphin sa sinasabi ni Connor. Sa pagkakataong iyon ay binalingan na rin niya ang binata. "There are greater things that I can do in my life aside from loving you. Nagkataon lang na ang mahalin ka ang isa sa mga hindi ko kayang isuko basta-basta."
Mukhang nailang si Connor dahil sa mga sinabi niya, pero kalaunan ay naging panatag din ang itsura nito.
Napatutol lang pagtititigan nila ni Connor nang bumukas ang elevator. Akmang papasok na siya sa loob nang hawakan siya ng binata sa kamay, pagkatapos ay walang sabi-sabing hinila siya nito papunta sa hagdan.
"Connor?"
Pinagsiklop ni Connor ang mga kamay nila. Then, he squeezed her hand. "Maghagdan na lang tayo."
No'ng una ay hindi niya naintindihan kung ano'ng ginagawa ni Connor. Pero nang maisip niyang nasa ikaapat na palapag sila ng ospital at maghahagdan lang sila, mahaba-habang lakaran iyon. At gano'n katagal sila puwedeng maghawak-kamay ng binata. Sinusulit yata ni Connor ang huling mga minuto bago siya nito ihatid sa bahay niya. Muntik na siyang mamalipit sa kilig.