Pakikipagsapalaran

576 Words
Nasa terminal na kami ng bus patungong maynila,  hinatid ako nina inay at itay,  di ko na hinayaang sumama ang mga kapatid ko sa paghahatid sa akin dahil alam kong mag iiyakan lang kami.  Kanina pa nga lang sa bahay ay puro iyak at yakap na sila sa akin ano pa kaya pag sumama pa sila samin dito sa terminal.  Naputol ang pag iisip ko ng yakapin ako ni inay na ngayon ay lumuluha na naman. Masakit na makita ko ang mga magulang ko na nahihirapan kung kayat pinili kong magpakatatag at magtrabaho sa malayong lugar para makatulong sa kanila.. "Inay wag na po kayo umiyak..  Tingnan nyo po di na kayo kamuka ng paborito nyong artista si ms Vilma Santos..  Nakakamuka nyo na po si bella flores"..  Pilit pagpapatawa ko kay inay. Isang tipid na ngiti lamang ang ginanti nito sa akin..  Na kahit ganun ay gumaan naman kahit papano ang pakoramdam ko.. basta anak mag iinat at lagi kang tatawag hah para di kami mag alala ng mga kapatid at itay mo..  Tanging nasambit na lamang ni inay.. Oh sya anak andyan na ang bus na sasakyan mo. Yung mga bilin namin ng inay mo wag mo kakalimutan hah.. Isang mahigpit na yakap ang pinagkaloob ni itay habang sinasabi ang mga salitang iyon.. At marahan tinatapik tapik ang likod ko..  Nang maghiwalay kami namalayan ko na lamang ang halik ni itay sa noo ko.. Nang titigan ko sila ni inay makakabakasan mo ng lungkot ang kanilang mga mata.. Umiwas na lamang ako ng tingin at nagpaalam nang sasakay na ng bus..  Sa pagtañikod ko pasimple kong pinunasan ang luhang kumawala sa aking mata..  Luha ng kalungkutan at isiping malalayo ako sa kanila sa mahaba habang panahon.. Nang makaupo ko sa gitnang bahagi ng bus nakita ko sina inay at itay na kumakaway sa akin..  Hudyat ng pag alis ng bus na kinalululanan ko..  Lihim akong napaluha habang unti unting nawawala sila sa aking paningin.. Kailangan kong magpakatatag para sa kanila.  Dahil ang pakikipagsapalaran ko sa malayong lugar ay para rin sa kanilang lahat..  Di ko na namalayan na nakatulog na pala ako sa kinauupuan ko..  Nshising na lang ako sa malakas na sigaw ng konduktor..  Oh Cubao terminal na hanggang dito na lamang tayo! Pasigaw na turan ng conductor kung kayat minabuti ko na dim maghanda para bumaba.. Pagbaba ko ng bus nakita ko ang isang babae na kumakaway sa akin..  Si tita Alice ang kaibigan ni inay.  "Joyce marie ikaw naba iyan! " Bigkas ni tita Alice.  " Opo tita ako na nga po ito..  Kumusta na po kayo.. At matipid ko syang nginitian.  Si Tita Alice at kaklase ni inay nung high school.  Malapit din lang amg bahay nya sa amin sa probinsya.  Tara na at ng maipakilala na kita sa magiging amo mo. Turan nito sa masiglang tono..  Ng makasakay kami ng taxi maraming naikwento si tita Alice tungkol sa mga magiging amo.  Napag alaman kong mabait raw ang magiging amo kong babae.  Kamamatay lang ng asawa nito at may dalawa itong anak na lalaki. Naikwento din ni tita Alice na ilang bwan na raw si umuuwi ang panganay na anak ng magiging amo ko.  Mula raw ng mamatay ang ama nito nuong mismong araw dapat ng kasal nito.  Dahil hindi raw sumipot ang babae sa kasal.  Na naging dahilan ng pagkaatake sa puso ng matandang lalaki.. Napaisip ako kung anong klaseng lalaki ba ang panganay na anak ng magiging amo ko para hindi ito siputin ng babaeng dapat ay magiging asawa nito.. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD