CHAPTER 26 ASHER POV Matapos ang lahat ng nangyari, napagdesisyunan kong bumalik sa burgeran ko—Footlong ni Asher—at gusto kong isama si Yuyieh. Hindi ko alam kung bakit, pero gusto ko siyang makita ulit na nagtatrabaho roon. Hindi dahil sa kailangan ko ng extra na tauhan—malakas ang tindahan ko at may mga tauhan naman ako. Pero may kakaiba sa presensya niya doon. Kaya habang naglalakad kami pabalik sa bahay, bigla ko siyang kinausap. “Bukas, sa tindahan ka na ulit magtrabaho.” Napalingon siya sa’kin, halatang nagulat. “Ha? Akala ko tapos na ang pagpapanggap natin?” Napakunot-noo ako. “Anong koneksyon ng pagpapanggap sa pagbabalik mo sa tindahan?” Tumahimik siya. Iniiwas niya ang tingin niya sa’kin, pero kita ko ang unti-unting pamumula ng pisngi niya. Hindi ko alam kung dahil sa in

